Daddy's Girl

35 6 2
                                    

SAMMARA KELLY POV

Kalaliman ng gabi nang magising ako dahil sa nakakatakot na panaginip. Halos tatlong gabi ko na rin napapana-ginipan ang nangyaring barilan sa mall at sa tuwing napapanaginipan ko iyon ay mahirap na para sa 'kin ang makatulog uli. Nang magpasya akong bumangon sa kama ay lumakad ako palabas ng silid papunta sa kusina para kumuha nang maiinom. Hindi ko na binuksan ang mga ilaw dahil malinaw ko namang nakikita ang daan lalo pa't kabisado ko na ang mga pasikut-sikot dito sa mansion. Pagkadating sa kitchen ay kinuha ko sa refrigerator ang ceramic jag at sinalin ang tubig sa baso. Ininom ko iyon hanggang sa mangalahati. Pabalik na sana ako sa kwarto subalit nakakita ako ng isang anino sa labas ng garden mula sa nakabukas na malaking bintana kaya naman curiosity ang nagtulak sa 'kin upang alamin kung sino o ano ang bagay na iyon. Marahan kong hinakbang ang mga paa palabas ng entrance door. Nang makalabas ay mabilis kong narating ang malawak na swimming pool kung saan ilang lakad mula rito ay may short cut papunta sa garden.

Doon ay sinundan ko ang pinanggagalingan ng anino hanggang sa dalhin ako ng mga paa papunta sa gawing taniman ng mga tulips kung saan unang bumungad sa 'kin ang kulay puting laboratory coat. Kahit nakatalikod ay kaagad ko siyang nakilala dahil sa uniform na iyon at sa nangingintab niyang chain bracelet na coated ng emerald. Luminous iyon kaya nangingibabaw ang kislap kahit madilim. Bahagya akong napahinto sa paghakbang para  pansamantala siyang obserbahan. Kung ilalarawan ay hindi sila halos nagkakalayo ni kuya sa height na 6'2— ang pinagkaiba lang ay ang ayos ng kanilang buhok. Di-hamak na mas presentable kasing tignan ang kulay itim at mala-Ian Veneracion niyang haircut kumpara kay kuya. Idagdag pa ang walang kaangas-angas niyang tindig at pananamit, at ang magandang hubog ng pangangatawan —kahit pa ni-minsan ay hindi ko siya nakitang nag-gym.

"Dad!" Sambit ko nang magsimulang humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Niyakap ko siya sa tagiliran, pagkalapit.

"Sammara," Ganti naman niya. Tinapik nya 'ko sa likuran gamit ang isang kamay. "Bakit gising ka pa?" Tanong niya pagkadistansya sa 'kin.

"Nanaginip na naman po kasi ako." Diretsahan kong sagot saka binaling ang tingin sa hawak niyang baso ng alak. "N-nag-iinom ka na naman po."

"A, ito ba?" Wari'y binitawan niya ang baso at inilapag sa malaking ugat ng puno. "Nestea lang 'to."

"Dad naman magde-deny pa!" Napaismid ako. "Hello, 15 years old na po ako kaya alam ko na ang kulay ng nestea at beer." Pinag-cross ko ang mga kamay. "Hindi mo na 'ko mauuto!"

Pagkarinig ay bigla ba naman siyang humalakhak nang tawa.

"Dad naman, e!"

"Bakit may sinabi ba 'ko?" Pero patuloy parin siya sa pagtawa. "O, sya, pumasok na tayo sa loob!"

"Mabuti pa nga po!" Humakbang ako para lumakad pabalik.

Sumunod naman sa 'kin si daddy.

"P-pero, ano po ba kasing ginagawa nyo sa labas?" Tanong ko habang naglalakad kami sa side ng swimming pool. "Bakit palagi ka nalang umiinom ng alak?"

Subalit sa halip na sumagot ay pasimple lamang siyang umakbay sa balikat ko katulad ng madalas gawin ni Clarck.

"Dad, mabigat!" Inalis ko ang kamay niya.

"Por que may Clarck nang umaakbay sa 'yo, ayaw mo nang magpa-akbay sa 'kin!"

"Hindi naman po sa ganon. Mabigat na po kasi talaga. Saka amoy alak ka kasi. Ang baho!"

Napaismid nalamang si Dad.

"Seryoso ba talaga sa 'yo iyang Clarck Ortega na 'yan?" Maya-maya ay tanong ni dad. Kasalukuyan na kami ngayong nakapasok sa loob ng bahay.

"Dad naman, e!" Hindi ko mapigilang mag-blush kaya naupo nalamang ako sa pinakamalapit na sofa para itago ang pamumula ng pisngi. Mabuti nalamang nakapatay ang mga ilaw sa loob kaya hindi niya nakikita kung gaano ako kinikilig marinig pa lamang ang pangalang Clarck. "B-bakit mo ba kasi natanong 'yan?"

"Natural concern ako sa set up ninyo!" Sabi pa ni daddy saka naupo sa katapat kong sofa. "Malay ko ba kung nagte-take advantage na pala sa 'yo ang Clarck na 'yan."

Napalunok ako ng laway sa narinig.

"Hindi por que gentle, sweet, caring, romantic, understandable at protective ay mahal ka na. Minsan, ganun lang talaga sila." Sabi pa ni dad. "Sadyang may mga lalake lang talaga na likas ang pagiging mabait—"

"—at pa-fall." Hindi ko na hinintay pang matapos ang mga sinasabi ni dad, dahil gets na gets ko na kung ano ang gusto nyang i-point out. Bigla tuloy ako napaisip. The same nga kaya kami ng nararamdaman ni Clarck? Paano kung ako lang pala ang nagmamahal? Kung talagang may mutual understanding kami, bakit ako lang ang affected? Diba dapat, pareho kaming aware sa commitment? Ang akala ko kasi, normal lang sa mag-kaibigan ang maging dependent sa isa't isa. Pero iba pala, kapag puso na ang involved.

"Ang maipapayo ko lang sa'yo anak, humanap ka ng lalaki na totoong magmamahal sa 'yo. Yung kaya kang ipagmalaki sa lahat at handang mag-commit sa isang stable na relasyon. Pero sa ngayon, huwag mo munang problemahin 'yon, masyado ka pang bata at panigurado na marami ka pang makikilala— yung higit at mas karapat-dapat."

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni dad.

"Pero kung sigurado ka na sa kanya, sabihin mo lang para mapagkasunduan na namin ni Gen. Fontanilla ang tungkol sa kasal ninyo."

Napatigil ako sa pagtawa. Ganon nga ba kadali para sa mga magulang namin na ipagkasundo kami? I thought iba si dad.

"Minahal po ba ninyo si mommy?" Naitanong ko nalamang dahil matagal na talaga akong curious sa lovestory nila.

"Hindi kailanman." Nabigla naman ako sa napaka-straight forward na sagot na 'yon.

"P-pero," Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin dahil hindi ko talaga alam kung ano ang dapat sabihin. Wala akong magawa kundi ang tumingin ng diretso sa mga mata ni dad. Kahit madilim ang kinauupuan namin ay kitang-kita ko ang pait sa emosyon niya. Ngayon ay malinaw na sa 'kin ang tunay na dahilan kung bakit palagi siyang naglalasing at nagpapagabi sa hospital. Totoo ngang, action speaks louder better than words.

"Pahihintuin ko na nga pala sa pagtu-tutor sa 'yo si Cassandra kaya pwede ka ng bumalik sa Camp Bridge bukas." Pag-iiba ni dad sa topic.

Bahagya akong napangiti sa sinabi nyang iyo pero hindi parin non mapapalitan ang pag-aalala ko para sa damdamin niya.

Sana pala hindi ko nalang sinabi 'yon. Napabuntong-hininga nalamang ako.

"Sige po dad. Matutulog na uli ako. Maaga pa pala akong gigising bukas." Nasabi ko pa saka umakto nang pagtayo sa sofa.

"At kapag pumasok ka bukas, bantayan mo si Garry Tolentino."

Napatigil ako sa sinabing iyon ni dad.

"Wag mong hahayaan na makalapit uli sa kanya ang kuya Neightan mo."

"Po?" Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong na-weird-duhan sa habilin na 'yon ni dad. Maya-maya rin ay biglang bumukas ang lahat ng chandelier sa sala.

"Bakit nagtya-tyaga kayo sa dilim?" Nakapamaywang na tanong ni mommy. Siya pala ang nagbukas ng ilaw.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon