Wrecking ball

24 7 1
                                    

LOIS POV

Ngayon nga'y malinaw na sa 'kin na isa lamang hamak na bodyguard si Garry. Isa lamang ito sa napakarami namin binabayarang empleyado kaya walang dahilan para magkaroon ako ng spcial treatment dito. At marapat lamang na tapusin ko na ang anuman namumuong damdamin para rito. Siguro mas makakatulong kung tatanggapin ko nalang ang pagpapakasal kay Jerryme. Tutal, iyon naman talaga ang kapalaran ko.

Matapos ang mini-reunion ng Immortals sa auditorium ay sinundan ko si Sammara. Ang sabi nya, didiretso na siya sa parking lot pero parang hindi naman papunta sa parking lot ang nilalakaran niya. Mukhang papunta siya sa CR.

"Naiihi ba sya?"

Pagkarating sa hallway ng CR ay huminto siya sa tapat ng CR ng mga boys. Ang akala ko nga papasok sya don pero bigla siyang umatras at pabalik-balik na naglakad habang paulit-ulit na may mine-memorize. Naalala kong, sa CR nga pala ang punta ni Clarck kaya ngayon ko lang rin na-realize ang totoong dahilan nang pagpunta niya dito.

"Mukhang nagre-ready na siya para komprontahin si Clarck!" Sabi ko pa saka ini-ready ang DSLR para sa napaka-gandang scoop na magaganap. Upang hindi sila makahalata ay tatlong poste ang inilayo ko sa kanila.

"Ano'ng ginagawa mo d'yan?"

Labis ko namang ikinagulat nang maramdaman ang paghawak ng malamig na kamay sa braso ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at doon ay bumungad sa 'kin sina Neigthan at Brayan.

"Ihing-ihi na talaga ako!" Sabi pa ni Brayan. Pupunta na sana ito sa hallway na pinakamalapit sa CR pero mabilis ko itong hinawakan sa manggas ng damit para pigilan. "Bakit ba?!"

"M-may shooting." Nasabi ko nalamang saka ini-nguso ang direksyon ni Sammara.

"Ano bang ginagawa ng kapatid ko don? Nasaan ang mga bodyguard n'yan?" Naka-kunot noong tanong ni Neigthan. Pupunta rin sana ito sa CR pero mabilis ko rin' napigilan.

Sa kabilang banda, habang hinihintay ni Sammara ang paglabas ni Clarck ay bigla namang lumabas sa CR ng mga girls si Maureen. May kausap ito sa cellphone kaya dali-dali siyang nagtago sa pinakamalapit na poste bago pa man mapansin nito.

"Sige babe, hihintayin nalang kita dito sa tapat ng CR. Bilisan mo ha." Pagkasabi'y pinatay na ni Maureen ang tawag. Wari'y sumandal ito sa pader at nagmuni-muni habang hinihintay ang pagdating nang tinawag na babe at halata namang si Kentaki, her babe iyon.

"Endearment palang obvious na! Tanga't bingi lang 'tong mga kasama ko kaya hindi kaagad na-gets."

Inilipat ko naman ang tingin kay Sammara. Mukhang nakaramdam siya ng bad timing dahil malamang na hindi niya ine-expect na mag-i-stop over sa tapat ng CR si Maureen. Kaya naman umatras nalamang siya ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa pinagtataguan ay bigla siyang napahinto, pagka-aninag kay Clarck mula sa peripheral sight.

"M-Maureen?" Nagtatakang reaksyon ni Clarck pagkalabas sa CR ng mga boys. Si Maureen kasi ang unang bumungad dito.

"N-nandyan ka pala." Nabigla rin si Maureen pagkakita rito. "H-hinihintay ko si Kentaki." Kaagad na paliwanag nito para hindi na makapag-isip ng kung ano ang kaharap.

"P-pero wala sa loob si Kentaki." Pagtataka ni Clarck.

"I know." Matipid namang sagot nito.

Napangisi nalamang si Clarck.

"Nagustuhan mo ba 'yong performance ko kanina?" Pagsisimula pa nito. "Ang totoo, para talaga kay Sammara ang pyesa na 'yon. Pero habang nilalapatan ko na ng lyrics, ikaw ang palaging sumasagi sa isip ko. Magmula non, hindi ka na mawala sa utak ko. Nakakatawa, hindi ba? Para akong sira!"

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon