Confusion

22 5 0
                                    

KENTAKI POV

"Babe, nag-bell na." Sabi ko pero wala ako nakuhang response mula kay Maureen. Kaya naman bahagya ko siyang sinulyapan mula sa kinauupuan at nakita ko na mukhang napakalayo ng iniisip niya. Dahil don ay binitawan ko ang piano para lapitan siya. "May problema ba?"

"M-may sinasabi ka?" Bigla syang natauhan matapos akong maaninagan sa harap niya.

"Ang sabi ko, bell na. Baka ma-late ka sa next subject."

"P-pwede bang dito muna ako?"

"Bakit?"

"G-gusto ko lang makasama ka."

Napaismid ako. "Iyon lang ba talaga?"

"May iba pa bang dahilan?"

"Ewan." Napakibit-balikat ako.

"Paano si DK?"

"Hah?"

"Mahal mo parin sya, diba?"

"Maureen, ang akala ko ba napag-usapan na natin 'yan?"

"Naisip ko lang kasi, ano nga bang laban ko sa kanya?"

"Off course you are here." Hinawakan ko siya sa pisngi. "Siguro sapat na 'yong dahilan para mas lalo kang mapamahal sa 'kin. Diba sabi ko naman sa 'yo, tulungan mo 'ko."

"Pero, natatakot parin ako dumating 'yong araw na iwan mo nalang ako dahil sa kanya. Baka kasi, sa sobra kong pagpo-focus sa 'yo ay hindi ko mapansin na may iba pa palang pwedeng magmahal sa 'kin."

"Ayaw mo na ba?"

"H-hindi naman sa ganon. Alam mong mahal na mahal kita at nakahanda akong tiisin ang lahat ng sakit manatili ka lang sa 'kin. Nakahanda ako maging pangalawa mo basta akin ka parin." Pagkasabi'y yumakap sya sa 'kin at doon ibinuhos ang mga luha. "Mahal na mahal lang talaga kita. I'm sorry."

Hinagod ko ang likod niya. "Mamahalin rin kita at darating din tayo doon. Sa ngayon, ang kaya ko lang gawin ay alagaan ka. I'm sorry, too."

Ilang linggo nalang bago ang Piano Tournament kaya mas kailangan ko mag-focus sa pag-e-ensayo. Basta alam kong nasa tabi ko lang si Maureen, ay mananatili akong kampante.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon