"It's been five years," pagkasabi'y tumigil si Agent Samson sa pabalik-balik na paglalakad saka dumungaw sa malaking bintana ng kanyang opisina kung saan tanaw ang pag-landing ng eroplano kasabay nang paglubog ng araw.
"May bago ba akong misyon?" tanong ko. Biglaan kasi ang pagpapatawag niya sa 'kin sa Apple Corporation kaya tuloy ngayon ko lang namalayan na nakasuot pa pala ako ng apron. Hindi ko manlang naisipang magpalit muna ng uniporme mula sa pinagtatrabahuang restaurant.
Pero sa halip na sumagot ay may ginalaw siyang pulang buton sa gilid ng lamesa na naging hudyat nang pagbukas ng elevator. Sumakay ako roon at pinindot ang Lower Ground. Ngunit pagkarating sa Lower Ground ay hindi Parking Lot ang bumungad kundi isang napakahabang tunnel kung saan nakaparada ang transparent cubicle na maghahatid sa 'kin papunta sa Autonomous Alliance Agency.
"Long time no see, agent Garry!" bungad ni Dr. Neil na sumalubong sa 'kin sa tunnel.
"N-nice working with you — again, Doc.," sagot ko habang nakatingin sa mukha nito na gawa sa metal ang kanang bahagi.
"I'm not the person you're gonna work with," walang emosyon namang sagot nito.
"K-kung gano'n, sino po?"
"It's for you to find out," sabi pa nito habang nagta-type sa hologram keyboard. Mayamaya'y bumukas ang panibagong pinto kung saan isang napakalakas na radiation ang humigop sa 'min papunta sa elevated escelator.
Ngayon nga'y nabubuhay ako sa taong 2007, ang panahong hindi angkop sa realidad. Bagamat kakaiba itong mundong ginagalawan ko ay nasanay na ako sa ganitong klase ng pamumuhay. Taon-taon ako tumatanggap ng mga Exclusive Mission mula sa nakakataas bilang pagtupad sa 'king sinumpaang tungkulin sa A3. Masasabing buwis-buhay ang ginagawa ko sa tuwing napapasabak sa mga misyon pero ayos lang dahil wala naman naghihintay sa 'kin pag-uwi. Mag-isa na lamang kasi ako sa buhay at tanging mga high tech gadgets lamang ang palagi kong kasama. Isa pa'y kontento na 'ko mabuhay sa katauhan ng kung sinu-sinong nilalang.
Samantala, habang nakasakay kami ni Doc. Neil sa umaandar na elevated escalator ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa hideout ng A3 kahit pa paulit-ulit ko na naman itong napuntahan. Puro computer lamang kasi ang nagko-control sa paligid. Para itong Intel Unit. Pwede rin Data Base. Napakaraming IT language na lumalabas sa hologram screen na hindi ko maintindihan. Sa kabilang side naman ay naroon ang mga robbot na nag-a-ala-Siri sa mga Iphone User. Para silang Call Centet Agent dahil maya't maya sila may kausap. Iba-iba rin ang dialect at accent nila. Sa sobrang excitement makita ang iba pang gadgets ay nagpasya na 'kong unahan sa paglalakad ang mabagal na usad nang sinasakyan naming elevated escalator. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay matulis na Lasers kaagad ang dumampi sa 'king damit at hindi pa 'yon doon natapos dahil sabay-sabay nang naglabasan ang iba pang Lasers na humarang sa kahabaan ng hallway na mukhang humahamon sa 'kin para sa maagang stretching —na hindi ko naman uuurungan. Lumundag ako at lumambitin sa kisame sa pagbabakasaling makaiwas ngunit sinundan ako ng mga Laser magpahanggang doon kaya wala na akong choice kundi lumusot sa natitirang makitid na espasyo sa pagitan ng bawat Lasers.
"W-what the hell is that?!" pagtataka ko sa kaka-ibang bagay na ngayon ko lang na-encounter pagkarating sa kabilang dulo ng hallway. Palibhasa'y ngayon lang din kasi ako napadpad sa hallway na 'to. Mukhang bagong renovate.
"This is the hallway where you can't make any sound more than 5 decibels or else, your inner peace will shatter into pieces. So keep calm, hold your breath, walk as if you're flying," pagkasabi'y dahan-dahan nitong hinakbang ang mga paa. Marahan itong naglakad hanggang makarating sa kinatatayuan ko.
Ganoon pala.
Pagkalagpas sa hallway na 'yon ay sunod naman naming hinarap ang pabilog na pintuang napapalibutan ng kuryente kung saan kinailangan muna namin dumaan sa X-ray Machine bago makapasok. Dito kasi nakatago ang mga ginagamit namin sa pag-i-spy kaya ganito na lamang ka-secure ang lugar. Pagkapasok ay bumungad sa 'kin ang Ferrari na akala mo ordinaryong kotse lang pero High Tech pala. Naroon din ang mga kakaibang sapatos, payong, bag, at iba pang kagamitan na minsan ko na rin napakinabangan.
"You'll be needing this," saad ni Dr. Neil na gumambala sa 'king pagka-amaze. Isang kulay itim na reading glass ang iniabot nito sa 'kin mula sa istante.
"Para saan po? Kailangan ko ba mag-disguise bilang nerd?"
"Exactly!" sagot nito at sunod na inabot sa 'kin ang kahon na may lamang relo. "Mukhang hindi nagkamali si Natalya sa ginawang pagpili sa 'yo, agent Garry," sabi pa nito habang sinusuksok sa bulsa ng uniporme ko ang kulay asul na ballpen.
Napakibit-balikat ako.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...