The Only Exception

19 7 0
                                    

KENTAKI POV



When I was younger I saw my daddy cry

And curse at the wind.

He broke his own heart and I watched

As he tried to reassemble it

And my momma swore

That she would never let herself forget.

And that was the day that I promised

I'd never sing of love if it does not exist...

Habang tumutugtog sa cassete ang The Only Exceptions ay patuloy naman ang malakas na pag-ulan at sunud-sunod na pagkidlat sa labas. Bagamat soundproof ang kabuuan ng condotel ay hindi parin maiiwasang mag-reflect sa mga salamin ng bintana at sa makakapal na kurtina ang kalamidad na tulad nito. Ganun pa man ay patuloy parin ako sa ginagawa sa kabila ng malamig at maingay na gabi. Gamit ang Fiber Castle ay banayad kong iginuguhit sa kaharap na sketch pad ang mahahabang pilik-mata. Tapos na 'ko sa magkabilang kilay at ngayon nga'y sinisimulan kong maglagay ng pilik-mata sa kanang bahagi nito. Isang babae lang naman ang madalas kong iguhit. Kung tutuusin ay kabisado ko na ang bawat detalye ng mukha nito at kayang-kaya ko itong iguhit gamit lamang ang imahinasyon. Subalit nakapagtataka lamang isipin na pagdating sa kaliwang bahagi'y hindi ko naiwasang maguhitan ng tuldok ang ibabang bahagi ng mata nito —na hindi naman dapat. Kaya naman, sandali kong itinigil ang pagguhit. Buburahin ko sana ang tuldok pero bigla akong napatitig sa matang nakaguhit sa sketchpad. Doon muling sumagi sa isip ko ang pagkakatulad ng mga mata nila ni Sammara at kung colored lamang ang black & white na sketch ay baka mas lalo akong naguluhan kung sino ang iginuhit ng mga kamay.



Maybe I know somewhere deep in my soul

That love never lasts.

And we've got to find other ways to make it alone.

Or keep a straight face.

And I've always lived like this

Keeping a comfortable distance

And up until now I have sworn to myself

That I'm content with loneliness

Because none of it was ever worth the risk

"Kailan pa nagkaroon ng nunal sa pisngi si Airish?" Pagtataka ni mommy mula sa inuupuang sofa. May hawak siyang pocketbook na akala ko'y doon nakatuon ang atensyon. Na-stranded kasi siya sa unit ko gawa ng bagyo. "Sigurado ka ba talagang si Airish ang laman ng isip mo?" Duktong pa niya. "O baka naman si Sammara Watsons na ngayon? Well, sobrang magkahawig talaga sila."

Hindi ko naman ine-expect na kaagad mabi-visualize ni mommy kung kaninong mga mata ang nasa sketch lalo na nga't isang beses palamang niya nakita si Sammara at napakabilis pa ng senaryong iyon sa elevator. Pero ano pa nga bang nakapagtataka sa bagay na 'yon, e siya si Natalya Samson.

"Anyway, it's so glad to hear na nakalabas na siya sa hospital. Sayang hindi ko manlang s'ya nadalaw." Pang-uusisa pa niya sa nangyari kay Sammara kahit pa ibinalik na ang tingin sa pocketbook. Mythical Revenge ang title no'n.

"M-mom, bakit ka ba interesado sa singsing ni Chairman Forbes?" Pag-iiba ko nalamang sa topic. May pagkakatulad din kasi ang buhay ng mga Forbes at ang kwento ng librong binabasa niya. "Minsan naiisip ko, ang singsing nga ba talaga ang hinahanap mo o ang taong may hawak ng singsing?"

Matagal kong hinintay ang isasagot ni mommy pero magkakasunod na pagkidlat lamang mula sa labas ang namagitan sa 'min. Hindi ko alam kung may balak siyang sumagot o magpaka-misteryoso na naman. Kaya naman, ibinalik ko nalamang ang tingin sa sketchpad kung saan nakaguhit pa rin ang mga mata ni Sammara. Na-realize kong kay Sammara iyon dahil kailanma'y hindi nagkaroon ng nunal sa pisngi si DK Airish.

"...and then, she's starting over again." Pagtatapos naman ni mommy sa huling sentence nang binabasa na tila hindi talaga pinakinggan ang tanong ko, kanina. Wari'y naka-ngiti pa niyang isinarado ang libro matapos magbasa. "Pangatlo pa lamang ito sa mga librong na-publish ng kapatid mo pero sa tatlong nabasa ko'y ito na nga yata ang pinaka-tragedy. Given nang idol niya si Shakespeare pagdating sa pagsusulat, ang hindi ko lang ma-gets ay kung bakit ganito ka-deep ang metaphors na ginagamit niya. At her age of fourteen, ganito ba talaga kalaki ang impact ng broken family sa kanya?"

Natawa naman ako sa mga pinagsasabi niya. "Sa iyo pa talaga nanggaling ang tanong na 'yan. Diba dapat alam mo na 'yon?" Sarkastiko kong komento habang ipinagpapatuloy ang naudlot na pagdo-drawing sa sketchpad. Kinakapalan ko ang lining sa ilalim ng mga mata.

"Sana nga ganun kadaling basahin ang mga nasa isip ng kapatid mo." Napabuntong-hininga pa si mommy. "Sana nga, mapalaki siya ng maayos ni Kentarou."

"Pwede mo naman s'yang bawiin sa kanila." Giit ko pa. "Sadyang takot ka lang malaman na hindi ikaw ang pipiliin niya."

Pagdating sa settlement ng Custody sa kapatid ko ay palaging pinanghihinaan ng loob si mommy. Paano'y kahit pa malaki ang chance na mapunta sa kanya ang pagkakaroon ng karapatan ay balewala lamang iyon lalo na't sa paningin ng kapatid ko ay siya ang mali at totoong sumira sa pamilya namin. Bata pa kasi ito noong naghiwalay ang mga magulang namin kaya malamang na hindi nito naiintindihan ang totoong nangyari.

"Galit ka ba dahil ipinagkasundo kitang ikasal kay Airish?" Maya-maya'y tanong ni mommy.

Doon ko lang rin napansing malapit ko na pala matapos ang dino-drawing at ngayon nga'y unti-unti na nagiging malinaw kung sino talaga ang nasa sketch. Si DK Airish. Nakasuot ito ng scarf kung saan mga mata lamang ang nakikita. "Kung pati ako ay magagalit sa 'yo, sino pa ang maiiwan para samahan ka?" Pagbabalik ko sa tanong habang nakikipag-titigan sa mga mata ni DK sa drawing. Maliban sa mga mata ay wala na 'kong ideya sa kabuuan ng mukha nito. Isa kasi itong muslim kaya madalas itong naka-balot ng scarf at mahahabang kasuotan. "Besides, mahal ko sya, mom."

"Kung talagang mahal mo sya, bakit ka naguguluhan ngayon?" Bahagya naman siyang natawa. "Gusto mo bang iurong ko ang engagement ninyo?"

Napa-ismid lamang ako saka tinitigang maigi ang nunal sa ilalim ng kaliwang mata ni DK. Ano nga kayang itsura nito kapag walang scarf? Magkamukha rin kaya maging ang ilong, labi at pisngi nila ni Sammara?

"Paano kung hindi pala siya kasing-ganda ng mommy nyang si Dianne Forbes? Mamahalin mo parin kaya siya?"

"Mahal ko si DK, mom." Depensa ko naman.

"Ok." Napakibit-balikat pa siya. "Tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng pagmamahal mong 'yan."

Well you are the only exception.

You are the only exception.

You are the only exception.

You are the only exception.

"Huwag kang mag-alala mom." Sabi ko habang patuloy sa pagtugtog ang musika. "Hinding-hindi ako magpapakabaliw sa pag-ibig na magtutulak sa 'kin sa paghihiganti, katulad mo."

Napa-ismid naman siya. "Sana nga, anak."

...and I'm on my way to believing.

Oh, and I'm on my way to believing.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon