Matapos nga pala ang nangyari sa Halloween party ay wala pa 'ko nagiging balita kay Maureen. Palibhasa semestrial break kaya hindi ako makagala at ultimo cellphone ay pinagbawalan akong gumamit. Masyadong nakaka-boring ang dalawang linggong bakasyon at mukhang ikamamatay ko pa ang hindi makita si Garry.
Joke!
[Everything is going to be fine.] Said by Sammara. Sa ngayon ay nasa Spain uli siya kasama ang buong Watsons dahil doon nakalibing si tito Neil— yung panganay na kapatid nila mommy at tito Kalle. Magka-video call kami through Yahoo Messenger— mabuti nalang naimbento ang computer!
"I can't help it cous'," I replied. "Marangyang pamumuhay?" Sobs. "Hindi ko naman kailangan non eh. Ayoko maging reyna. Ayokong makipag-plastikan sa mga matapobreng kamag-anak ng daddy ko. Gusto kong makasama si mommy."
[Sorry cous', hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. H-hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob mo.]
"No Sammara, wala ka namang dapat gawin e. Kasi ako mismo sa sarili ko ay hindi ko rin sya maintindihan." Consecutive sobs. "Ayoko na talaga sa ganitong set up."
[Edi maglayas ka!] Biglang sabat ng kuya Neightan niya mula sa kabilang monitor. May hawak itong hellmet sa kaliwang kamay at mukhang kararating lamang mula sa car racing.
"Sana ganon lang kadaling lumayas, Neight'. How I wish mag-past forward na nga ang chapter na 'to kung saan darating ang dakilang kabalyero na mag-aalis sa 'kin sa cruelness na 'to."
[Ha!ha!ha, asa ka naman!] Napa-ismid ito at inilapag ang hellmet sa coach. Naupo ito sa tabi ni Sammara saka kumaway sa monitor. [Why Princess, pinahirapan ka nanaman ba ng bitter kong Ex Girlfriend na si Juliana Austria MC Bridge, huh? Gusto mo bang ipa-salbage ko na?]
[Excuse me, sino ba 'yong Juliana na 'yon? Parang hindi yata ako na-inform na naging sila ni kuya!] Maktol naman ng hindi maka-relate na si Sammara.
Natawa nalamang ako.
"Makapag-mention ka naman ng pangalan ni Julie masyadong detalyado. Chill ka lang Neight'. It's not her actually." Pagkatapos kong magpakawala ng mga pekeng halakhak ay muli na naman akong nalungkot kaya iniwas ko nalamang ang tingin sa kanila.
Narinig ko nalang na nag-click ng lighter si Neightan upang makapagsigarilyo kaya naman binungangaan ito ng kapatid hanggang sa sila na ang magbangayan.
Honestly, mas close ako sa family ng mother side ko. Halos magkaka-edaran lamang kaming magpipinsan kaya kami-kami narin ang halos nagdadamayan.
[Hey, princess, buhay ka pa?]
"Oh yeah, Neight', Bakit?"
[Invited ba sa Birthday mo ang Immortals?]
Tumango ako bilang tugon kaya nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita.
[Please tell KAMAHALAN that our mom won't allow us to come. Ang KJ, diba?]
"Bakit naman daw?" Halos matawa-tawa ako sa pag-e-emphasize niya sa word na kamahalan.
[They're planning about family bonding in Tokyo before the vacation ends.] Sagot naman ni Sammara.
Maya-maya rin ay nakarinig ako ng sunud-sunod na katok mula sa labas. I guess, ito 'yong maid na napag-utusang mag-remind sa 'kin about food tasting. Isa talaga ito sa hecktick appointments na kinaiinisan ko sa buhay!
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Fiksi RemajaSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...