Kasalukuyan na kami ngayong bumabyahe sa kahabaan ng EDSA sakay ng taxi.
"So, what's the next plan?" Tanong ni Maureen mula sa passenger sit.
"Pupuntahan natin si tita Celina. Malay mo may alam sya tungkol kay Garry." Sagot ko.
"P-pero kung meron man, how sure are you na aamin sya? At saka, saan naman natin sya pupuntahan? Diba nasa board meeting ang I.G. Don't tell me bubulabugin natin sila doon?"
"That's exactly my plan!"
"Ayoko nga!" Mariin niyang tanggi. "Nandoon si daddy kaya paniguradong mapapagalitan ako kapag ginawa ko 'yon. Ikaw nalang wag mo na 'kong idamay!"
"Pero Maureen,"
"I'm sorry Lois pero hindi pa 'ko handang harapin ang galit nila mom and dad. Besides, nandun ang original Immortals, ayokong maging ganun kapanget ang first impression nila sa 'kin. Kaya pass ako sa next plan."
"Ok. Kuya, balik tayo sa Eastwood." Utos ko sa taxi driver.
"T-teka, saan sa Eastwood?"
"Sa pinagtatrabahuhan ni Garry."
"Agad-agad?"
"Kung gusto natin ng mabilisang sagot edi sa kanya na mismo natin alamin!"
"Wow! Ikaw na talaga ang desperada!"
Kung tutuusin ay hindi ako mati-trigger na alamin ang lahat-lahat ng tungkol kay Garry Tolentino kung hindi dahil sa blueform niya. May ilang statement kasi dun na kahina-hinala. Tulad ng birthday, birthplace at ang pangalan ng mga magulang niya. Lahat kasi 'yon ay blangko ang sagot. Idagdag pa ang medical records kung saan limang taon siyang na-comatose.
"Good afternoon ma'am, table for two?" Tanong ng receptionist pagkarating namin sa lounge ng restaurant ni tita Celina.
"VIP for three." Sagot ko. "And please call Garry Tolentino, s'ya ang gusto kong mag-serve sa 'min."
Tumango naman ang receptionist "This way, please."
Nang makarating sa VIP suite ay isi-net up ko kaagad ang DSLR sa video recording bago pa man lumapit ang waiter para abutan kami ng menu book at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa 'min.
"Please, sit down."
"H-ha?"
"I said sit down!"
Mabilis naman itong naupo.
"Tell me something about yourself."
"B-bakit?"
"Ano 'to, job interview?" Sabat naman ni Maureen.
"Basta sumagot ka nalang!" Pinadilatan ko ng mata ang kaharap. "Anong full name mo?"
"G-Garry. Garry Tolentino."
"Middle initial?" Dagdag ni Maureen.
"E-E."
"Stands for?"
"E-ewan."
"Nagpapatawa ka ba?" Giit ko. "Sinong mga magulang mo? Hindi ka ba nila tinuruan kung paano sumagot ng tama kapag kaharap ang prinsesa?"
"A, e, pasensya na." Umiwas ito nang tingin. "Hindi ko kasi nakilala ang magulang ko kaya hindi ko alam kung paano kita dapat harapin. P-pasensya na talaga kamahalan."
"W-wala kang magulang?"
Hindi ko alam kung paano ako dapat mag-react sa sinabi nito. Kaya pasimple ko nalang binaling ang tingin sa lamesa kung saan naka-stand by for video recording ang DSLR.
"Ok next topic." Narinig kong sabi ni Maureen. "Totoo bang na-comatose ka?"
"P-papaano nyo nalaman?"
"Kami lang ang pwede magtanong kaya sumagot ka nalang!"
"P-pero—"
"Sumagot ka nalang kung ayaw mong ma-death penalty!"
"K-kasi—"
"Don't worry, wala naman kami intensyong masama sa 'yo." Sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. "Nagkataon lang na wala kaming magawa kaya namin 'to ginagawa."
"A-ano? A-ang ibig kong sabihin anong meron sa 'kin? Bakit ako?"
"Dahil kakaiba ka." Iyon ang sinagot ko sa halip na sabihing interesado akong malaman kung anong ginagawa nito sa headquarters namin at kung paano ito nakapasok doon.
"—Ang totoo kasi n'yan, 5 years ng buhay ko ang nawala sa 'kin." Panimula nito na hindi halos magawang tumingin sa 'kin o kay Maureen. "B-basta nagising nalang ako isang araw... May tumawag sa 'king Garry. Pinag-aral nya 'ko, binihisan, binigyan ng matutuluyan at trabaho."
"Gosh! Angel in disguise naman pala itong si mayor!" Komento ni Maureen.
"Kung ganon, m-matagal ka na talagang may connection kay mayor." Sabi ko naman.
"A-e parang ganun."
"Pero paano nangyari 'yon? I mean, paano kayo nagkakilala?" Pagtataka ni Maureen. "Imposible namang nagising ka after 5 years tapos tinulungan ka nya ng ganon kabilis!"
Napakibit-balikat lang si Garry.
"Ang weird ha."
"Kahit ako, napakarami ko rin gustong itanong sa kanila. Kaso sa tuwing magtatanong ako, ibang sagot ang palagi kong nakukuha. Nakakatawa lang isipin na kahit ako mismo ay hindi ko kilala ang sarili ko." Iba ang naging tono ng pananalita nito. Pakiramdam ko napakalayo nang pinanghuhugutan na 'yon.
"G-gusto kong tumulong." Tanging nasabi ko.
"Lois, ano bang pinagsasabi mo?" Naka-kunot-noong tanong ni Maureen.
"Sa gusto ko e!" Inirapan ko ito saka kinuha ang kulay purple na wallet sa purple kong bag. Mula roon ay inabot ko ang isang papel kay Garry. "Here's my calling card. Hina-hire kita bilang secret buddy ko."
"HAAAAAAA?" Di hamak na mas nagulat pa si Maureen. "Ganyan ka ba talaga kabilis magtiwala? PAANO KUNG TERORISTA PALA ANG GARRY NA 'YAN?"
"Girl, wag ka ngang OA!" Wari'y tinapik ko pa s'ya sa balikat. "O sya, um-order na tayo dahil kanina pa 'ko nagugutom!"
"Whatever!"
Natawa nalamang ako sa reaksyon ni Maureen. Samantala, bahagya kong binaling ang tingin kay Garry na nanatili lamang sa blangkong facial expression.
"Maki-kain ka na rin sa 'min."
Pero umiling siya. "H-hindi na. Marami pa kasi ako aasikasuhing costumer sa labas." Pagkasabi ay tumayo ito sa inuupuan. "Ihahatid ko nalang ang order nyo." Nagsimula na itong lumakad papalayo.
"Teka!" Habol ni Maureen. "Ano palang namamagitan sa inyo ng kapatid ko?"
Napatigil naman ito sa paghakbang.
"Gaano katagal na kayo magkakilala?"
Umiling ito. "Hindi ko kilala ang kapatid mo.
"Hellow, si Doreen Lincoln? 'Yung mas matalino ng konte sa 'kin? Yung straight hair na may full bangs? Yung may kulay itim na eye glasses gaya ng inagaw sa 'yo ni Neightan? Yung mukhang nerd sa section 1?" Halos mabaliw na siya kaka-describe ma-visualize lang ang pagkatao ni Doreen.
Subalit sa halip na sumagot ay ipinagpatuloy lamang ni Garry ang paglalakad.
Ay bastos!
"Hoy! Bumalik ka nga rito!" Sa galit ay hinagis dito ni Maureen ang DSLR.
Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari basta namalayan ko nalang na hawak na ni Garry ang DSLR at lumalakad pabalik hanggang mailapag iyon sa lamesa.
"NABABALIW KA NA BA MAUREEN? BAKIT MO DINADAMAY PATI DSLR KO?" Nanggagalaiti kong sigaw. Mabuti nalang nasa VIP suite kami kaya hindi gaanong nakakahiya at nakaka-istorbo sa iba pang guest.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...