LOIS POV
"Paging, Doctor Watsons, please proceed to the emergency room."
...Mabagal na nag-slow motion ang lahat. Basta nagulat nalamang ako ng biglang may tumulak sa 'kin... Malakas ang naging impact nito kaya masyadong napalayo ang lugar na tinalsikan ko... Kasunod non ang malakas na pagpapalitan ng mga putok ng baril.
"Princess dapa!" Sigaw ng kung sino na mabilis ko namang sinunod.
Matapos ang pangyayaring iyon ay mga nakakasilaw na sinag ng araw ang gumising sa 'kin.
"Lois, kamusta na ang pakiramdam mo?"
Hindi ko gaanong maaninagan ang mukha nito kaya mga iling lamang ang naisagot ko.
"Napaka-wrong timing talaga ng mall show ni bakla! Lugi mga producer!"
"Sinabi mo pa! Uy Lois bumangon ka na d'yan, mang-i-stalk pa tayo sa kabilang kwarto!"
Ano bang mga pinagsasasabi nila?
"N-nasaan ba 'ko?" Marahan kong ibinaling ang tingin sa kapaligiran. Hanggang sa unti-unting naging malinaw sa 'kin ang mga nangyayari. "TEKA, ILANG ARAW NA 'KO DITO?" Mabilis akong napabangon sa hinihigaang kama.
"Siguro mga dalawang araw at tatlong oras." Sagot ni Maureen. "Ang sarap nga nang tulog mo, eh!"
"G-ganon katagal?" Umakto ako sa pagtayo subalit nakaramdam ako ng pagkirot mula sa kung saang parte ng katawan kaya mabilis na umalalay sa 'kin ang mga nurse para ihiga uli ako sa kama.
"Mahina ka pa kasi." Tinatamad na sagot ni Brayan.
"Malamang epekto 'yan nang pagkakabagok mo sa stage."
"Tatanga-tanga rin kasi yung Garry na 'yon! Ililigtas ka na nga lang itutulak ka pa! Ambopols!" Dagdag ni Brayan.
Binaling ko ang tingin sa paligid. Mabuti pa ang mga laboratory apparatus ay naroon samantalang si mommy wala. Pasalamat nalamang ako dahil naroon si tito Kalle na kasalukuyang nakikipag-usap sa isang nurse kahit na kanina ko pa naririnig ang pag-paging ng csr sa pangalan niya.
"—Dr. Kalle Watsons, please proceed to the emergency room. Paging, Dr. Kalle Watsons, please proceed to the emergency room."
"Whatever! Kumukulo ang dugo ka sa commoner na 'yon!" Sabi ni Maureen.
"Correction, he is not as common as you were expecting." Giit naman ni Brayan. "There's something deeper than that." Paliwanag nito.
Napailing nalamang ako. Mabuti pa ang iba, napaka-laki ng concern para sa 'kin samantalang ni-anino ni mommy ay hindi ko manlang makita rito.
"Iha, kamusta na ang pakiramdam mo?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Namalayan ko nalang na nakalapit na pala sa 'kin si tito Kalle.
"Pinadala ko na sa opisina ni Louisa ang lahat ng medical records mo kaya pwede ka na rin umuwi mamaya." Nakangiti niyang hinaplos ang buhok ko.
"P-pero, nasaan po si mommy?"
"Nasa mall para tumulong nang pag-iimbistiga sa nangyaring barilan."
"Ganon po ba." Napabuntong hininga nalamang ako. "Eh si Rick Lee?"
"Nasa bahay na nila."
"By the way tito, how's Sammara? Is she's ok now?" Sabat naman ni Maureen.
"Still on Trauma." Malungkot na sagot ni tito.
"E si Neightan, grounded na naman po ba?" Habol ni Brayan.
"Ewan nga ba kung ano pang adjustment ang dapat kong gawin sa batang 'yon." Napa-iling nalamang si tito. "Palagi nalang siya wala tuwing may aksidenteng nangyayari."
"Di naman. Nagkakataon lang po, siguro." Pagtatanggol ni Maureen.
"How about the jerk Garry Tolentino? Is he's fine?" Tanong pa ni Brayan.
"Garry?" Pag-uulit ni tito.
"Yun pong pasyente na dinala rito kasama ni Lois." Paliwanag naman ni Maureen. "Her buddy— I mean, savior."
"Speaking of that guy." Naalala narin ni tito sa wakas. "Hindi ordinaryong bala ng baril ang tumama sa dibdib n'ya kaya mabuti nalamang nakaligtas siya dahil sa suot niyang bulletproof. Kaninang umaga siya na-discharge."
"Bulletproof?" Magkasabay na tanong nina Maureen at Brayan.
Napatango si tito. "Kaya naman malaki ang pagkakautang ng London sa kanya." Ngumiti pa ito. "Kaklase nyo ba sya?"
"Hindi pa sa ngayon." Sagot ni Brayan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Interesado kasi sa kanya si Neightan. Baka bukas makalawa maging kaklase narin namin sya. Kilala mo naman po ang anak nyo— kapag may ginusto, pinagpipilitan."
Napabuntong-hininga nalamang si tito.
"He's a scholar of the city Mayor, anyway." Habol naman ni Maureen.
"—At may connection rin siya sa Apple." Duktong ni Brayan.
"So, kanino siyang anak?"
Napakibit-balikat naman ang dalawa.
"O sya, babalik na 'ko sa emergency room." Pagkasabi'y nagsimula na itong lumakad papalabas. Sumunod naman ang mga nurse. "Huwag na uli kayong pupunta sa mga mall show, ha."
"Ahm, tito—" Habol ko.
Napahinto siya sa paglalakad at patalikod na bumaling sa 'kin.
"Y-yung tungkol pala kay Jerryme,"
Bahagya siyang ngumiti. "Malamang maka-cancell dahil sa nangyaring aksidente sa 'yo."
Cancelled?
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...