Celina Condotels and Restaurants

42 5 0
                                    

NEIGHTAN KALLE POV

Humaharungas kong ipinarada ang sinasakyang motor sa harap nang condotel na sinabi ni Lois. Sunod namang pumarada ang Porsche ni Brayan at ang Pajero ni Clarck.

"Clarck, ito na ba 'yong sinasabi ni Lois na property ninyo?" Giit ni Brayan pagkababa sa sasakyan.

Tumango naman si Clarck. "Dito naka-check in si Kentaki, kaya malamang na dito sila pumunta."

"Grabe, ang taas! Daig pa 'yong Hospital namin!" Pagkasabi'y nagsindi ako ng sigarilyo gamit ang lighter mula sa bulsa. "Oy Clarck, talaga bang mommy mo ang may-ari ng building na 'to?"

Umismid lamang si Clarck.

Ang totoo'y hindi talaga ako pabor sa set up nila ng kapatid ko. Masyado kasi itong pa-fall, e torpe naman. Nagkataon lang na kailangan naming magtulungan para matapos na ang pamomroblema namin kay Sammara. Di-hamak na mas nag-aalala kasi kami sa health condition nito, higit sa ano pa man.

"Pumasok na tayo bago pa tuluyang mawala sa paningin natin si Sammara." Paalala naman ni Brayan.

Nagsimula na nga kaming lumakad papasok... Ilang hakbang nalamang bago ang entrance hall subalit isang grupo ng mga negosyante ang humarang sa 'min. Pamilyar sa 'kin ang mukha ng isa sa kanila. Alam kong nakita ko na ito kaso hindi ko lang maalala kung saan. At wala na sa plano kong alalahanin pa.

"Oh, Clarck! How's the first day of school?" Naka-ngiting sumalubong kay Clarck ang babaeng naka-suot ng kumikinang na kulay pulang overall suit. Pagkayakap dito ay sunod nitong ibinaling ang tingin sa amin. "What are you guys doing here during class hour?"

Ibinuga ko naman ang usok ng sigarilyo bilang sagot.

"Hindi na 'ko nagtatakang si Dra. Amanda ang nagturo sa successor ng Watsons Medical Group Corporation ng ganiyang pag-uugali." Umismid pa ito. "Is that mean, Dr. Kalle allows you to skip classes?"

"As if he cares." Naka-ismid kong sagot at muling hinigop ang sigarilyo.

"And I don't even care." Umismid rin ito. "What I care is, strictly prohibited 'yang ginagawa mo sa tapat nitong building ng mga Samson."

"Bakit, sino ka ba, huh? Ikaw na ba si Celina Samson?"

"Neight', siya si Natalya Samson. Ang Chairwoman ng Apple Corporation." Bulong naman ni Brayan. "Ang mommy ni Kentaki."

Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig sa sinabi nito. So, ito pala ang mommy ni Kentaki. Bahagya kong ibinaling ang tingin dito kaya doon ko lang napansing pareho nga silang pangahin at may kulay grey na mga mata. Bagamat natatakpan ng make up ang matandang mukha nito ay malaki parin ang pagkakahawig nila sa isa't isa.

"Tita, nakita mo ba si Kentaki sa loob? May kasama ba siyang babae?" Maya-maya'y tanong naman ni Clarck.

"Ang ibig mo bang sabihin ay si Sammara Watsons?"

"P-parang ganon na nga."

Napa-ismid naman ang chairwoman. "Nakita ko sila sa elevator. Sugatan pa nga ang kaawa-awa kong anak."

"Talaga ba?" Paniniyak ko pa. "Kung ganon, anong number ng unit ni Kentaki?"

"Bakit bubugbugin mo ba uli ang anak ko?"

"So, nagsumbong na pala s'ya sa 'yo." Napa-ismid ako't tinapakan ang filter ng sigarilyo. "Sinabi rin ba niya kung gaano sya ka-tanga para banggain at kalabanin ako?"

"Nakakatawa namang marinig iyan mula sa isang bata. Gusto mo bang matakot kami sa pagbabanta mong 'yan? Dapat na ba 'kong mag-hire ng mas maraming bodyguard?"

"T-tita, pagpasensyahan mo nalang si Neightan." Pumagitna naman sa 'min si Clarck. "Ganyan lang talaga 'yan. Pero masasanay rin tayo." Sinubukan pa nitong tumawa.

"O sya. Palalagpasin ko ang nangyaring ito pero hindi ibig sabihin non ay kakalimutan ko nang nagka-atraso siya sa anak ko. Gagawin ko lamang iyon bilang respeto sa pagka-kaibigan namin ni Dr. Kalle —kaya malaki ang pagkaka-utang ninyo sa bagay na 'yon." Pagkasabi'y nagsimula na itong humakbang papalayo. "Anyway Mr. Depensor—" Tila may nakalimutan ito upang bahagyang lingunin ang kinatatayuan ni Brayan." Pakisabi sa kapatid mong si Maricar na maganda ang pagkaka-design niya sa bagong school uniform ng Camp Bridge. Sayang nga lang dahil maagang nadumihan ang uniform ng anak ko. Got it?" Iyon lang at sumakay na ito sa dumating na Limousine kasama ang mga bodyguard.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon