Unwanted

29 7 0
                                    

GARRY POV

Tanging galos at pasa lamang ang nakuha ko mula sa nangyaring barilan at kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang umabot sa hospital pero nagpadala narin ako para maging makatotohanan ang pagpapanggap ko bilang isang ordinaryong mag-aaral. Ang secretary ni mayor este agent Tiamzon ang umasikaso sa mga hospital bills kaya na-discharge ako kaagad.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang tumama sa noo ng maniquin. Muling ikinasa ni agent Samson ang hawak na baril para puruhan ng husto ang katawan nito. Ganito ang senaryong naabutan ko sa Airsoft field kung saan ako hinatid ng sasakyang sumundo sa 'kin sa hospital. Dito nga'y magkasamang nagsu-shooting lesson sina agent Samson at Dr. Niel.

"Mabuti nalamang wala si Kentaki sa mall show. Kung nagkataong dinamay niya pati ang anak ko'y hinding-hindi ko na talaga mapapalagpas ang pagkakataong ito." Sabi pa ni agent Samson matapos ilapag ang baril. Wari'y hinubad niya ang suot na parang hellmet sa ulo. "Kakaiba rin pala siya magbigay ng warning."

"Pasalamat ka nalang mabilis dumiskarte si agent Doreen. Tignan mo nga naman at naa-alarma na ngayon ang buong London sa ginawa niyang alaga mo." Giit naman ni Dr. Neil na patuloy parin sa pagbaril. Sunod nitong tinutok ang Shotgun sa kalangitan kung saan binaril ang lumilipad na ibong Maya.

Hindi ko alam kung sino ang mastermind na tinutukoy nila sa nangyaring shoot out sa mall show ni Rick Lee, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman iyon kay Dra. Louisa dahil ito lang naman ang may masamang intensyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa nitong gumawa ng ganoong set up gayong maaring mapahamak ang sarili nitong anak.

"O Garry, kanina ka pa ba dyan?" Puna ni agent Samson pagkakita sa 'kin, napatigil pa siya sa gagawin sanang pagbaril.

"Kadarating lang." Iyon nalamang ang nasabi ko.

Napatango naman si Dr. Neil samantalang itinuloy na ni agent Samson ang naudlot na pagbaril sa maniquin.

"Alam mo bang dahil sa nangyari sa mall show ay hindi na matutuloy ang engagement party nina Lois at Jerryme."

Nabigla ako sa sinabing iyon ni agent Samson.

"Kaya naman kailangan ka naming batiin sa bagay na 'yon." Sabi pa ni Dr. Neil. Humakbang ito papalapit sa 'kin. "Magaling agent Garry."

"P-pero,"

Masyadong matalino sina Dr. Neil at agent Samson kaya alam ko kung paano nila papaikutin ang usapang ito. Malamang ay nababasa rin nila kung ano ang mga nasa isip ko ngayon. Kaya naman hindi ko halos magawang tumingin ng tuwid sa mapangilatis nilang mga mata. Sayang talaga dahil wala sa 'kin ang eye scanner, kung nagkataon ay maaari ko rin sana mapantayan ang kakayahang mayroon sila.

"Nasaan nga pala ang Eye scanner na pinahiram ko?" Maya-maya ay napuna na rin ni agent Samson.

"Kinuha sa 'kin ni Neightan." Wala na nga akong nagawa kundi aminin ang totoo. Magmula kasi nang kunin sa 'kin ni Neightan ang salamin ay ngayon ko lang uli sila nakita kaya malamang na wala silang ideya sa pangyayaring ito.

"Si Neightan." Sabi naman ni Dr.Neil. Hindi maikubli sa labi nito ang mga pigil na pag-ngiti. "Neightan." Ulit pa nito.

"Kahit na kailan manang-mana talaga sa 'yo ang batang iyon." Napa-iling nalamang si agent Samson.

Hindi ko halos maunawaan ang mga pahiwatig nilang iyon. Para silang nagkaintindihan sa simpleng tinginan. Ano nga kayang pagkakapareho ang mayroon sina Dr. Neil at Neightan Kalle?

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon