Realtalk pare!

29 8 0
                                    

NEIGHTAN KALLE POV

Our sit in schoolmate, Garry Tolentino strumming on his guitar. What's the song again? Ah, Wag mo na Sana of Parokya ni Edgar. I heard a lot of stunning feedback about the said group band but I never had a chance to meet them personally. Right now, boys and I formed  a circle chairs and from a distance girls are doing the same thing. Oryt, enough for english!

Mula rito ay rinig na rinig ko ang mala-pantasya nilang usapan tungkol sa maangas na si Yamamoto. Madalas itong mag-cutting classes kapag ganitong oras kaya hindi na kami nagtataka sa ginawa nito. Siguro umiiwas lang sa 'kin. Ang bully ko, diba? Honestly, gusto ko rin naman ito maging ka-vibes. Iyon nga lang hindi naging maganda ang first impression namin sa isa't isa, kaya hindi kami halos magkasundo ngayon. Para kaming dalawang negative atom na palaging nagre-refell kapag nagkakadikit.

...Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na.

Oo na, mahal na kung mahal kita...

"Nice strumming Garry!" Puna ni Lois mula sa kabilang upuan. Katatapos lang pala nang kanta. Kasing haba yata nito ang mga sinabi ko.

Narito si Garry dahil kinaladkad ko siya papunta rito bilang pasasalamat sa ginawang pagligtas kay Lois noong mall show ni Rick Lee, idagdag na rin ang pag-eksena niya sa bar. Kaya mula nang malaman kong hi-nire siya ni Lois bilang bodyguard ay hindi na 'ko tumutol dahil sa kakaibang talentong meron sya. Isa pa, paraan narin 'yon para makilala namin ng husto ang misteryosong pagkatao niya. Mapabuti man o masama, sa huli ay pareho lang naman kaming masesermunan ng mga magulang namin. Ang mahalaga may thrill!

"Dre, dedicated song mo ba 'yan kay Lois?" Bulong sa kanya ni Clarck na mas lalong nagpa-lawak sa usapan namin.

"C' mon, para sa 'yo 'yan!" Kantyaw naman ni Rick Lee.

"Oo, para sa 'yo." Pag-uulit pa Garry. "Para sa 'yo nang magkaroon ka naman ng tibay at lakas ng loob para makapagtapat kay Sammara. Ang bagal mo kasi!" Dagdag pa n'ya na parang may alam sa set-up ng dalawa.

Sumagot lamang ng nakakalokong tawa si Clarck.

"Eh, ano na nga bang status ninyo ni Sammara, ha?" Tanong pa ni Brayan.

Mula grade school ay pangalan ni Clarck ang bukang-bibig ni Sammara. Yun bang ang sweet-sweet daw ni Clarck. Yun bang nagkatitigan daw sila ng matagal. Yun bang nagka-text daw sila magdamag. Yun bang nag-dedicate raw ito ng kanta sa kanya... Kaya tuloy umasa ang kapatid ko sa tanong na What if's. What if their feeling is mutual? What if mag-confess na ito? What if magsimula na itong manligaw? What the heck! She's truly insane over that fucking Clarck!

Well, pasalamat nalang sila kinakapatid at kababata ko itong si Clarck dahil kung hindi ay baka matagal na itong nanghiram ng mukha sa aso. Sobra magpa-asa sa kapatid ko. Feeling naman kasing gwapo ko! Heto nga at kanina pa ito palihim na tumitingin kay Sammara. Tuwing nagtatama ang mga mata nila ay para silang lalanggamin sa tamis ng kanilang pagtitinginan. Hindi magsabi kung may gusto na nga ba o hanggang trip lang ang kayang gawin. Una sa lahat, lalake naman talaga ang dapat manligaw. At walang masama don, diba?

"Baka kasi takot ka lang sa commitment." Kantyaw pa ni Brayan.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon