Operation 102: Puntahan sa bahay si Mayor

26 5 0
                                    

Matapos ang klase ay magkasama naming tinakasan ni Maureen ang mga bodyguard na hi-nire ng parents namin at kaagad kaming dumiretso sa Manila City Hall para puntahan si mayor Tiamzon. Sa kasamaang palad ay wala doon ang pakay namin kaya nagdesisyon kaming pumunta nalamang sa bahay nito.

"Wala si Dad!" Bungad ni Rick Lee nang salubungin kami sa living room. Nakasuot pa ito ng school uniform at mukhang kauuwi lang.

"Sayang naman." Disappointed kong sabi. "Tara na girl, next plan."

"Ate, dito na po kayo kumain." Giit naman ng batang babae na nakiki-usosyo sa likod ni Rick Lee. Naka-suot rin ito ng school uniform kaso pang-elementary.

"Kapatid mo?" Tanong ni Maureen kay Rick Lee.

"Opo. Kuya ko si kuya Lee, yung magaling na dancer!" Sagot ng bata "Tsaka daddy namin si mayor!"

"I see." Napatango si Maureen.

Umismid naman si Rick Lee.

"Anong name mo?"

"Rhian Lee po. 9 years old."

"Wow, napaka-bibo mo naman." Komento ko saka ginulo ang buhok nito. "Magaling karin ba sumayaw?"

Umiling ito.

"E, nasan ba ang mommy't daddy ninyo?" Tanong ni Maureen saka binaling ang tingin sa buong living room.

Simple lamang ang bahay ng mga Tiamzon. Hindi ganon kalaki at hindi rin ganon kaliit. Kulay puti ang pintura sa buong pader at may mga naka-display na malalaking portrait. Ang ilan doon ay ang family picture kasama ang ilang class pictures. Hanggang sa isang chandelier na nakasabit sa kisame ang umagaw sa 'king atensyon. Kulay mint green iyon na pinalilibutan ng kumikislap na emerald.

"Nasa, I.G. meeting po yata." Sagot uli ng bata.

Binaling ko rito ang atensyon. Kulot ang buhok at pilik-mata nito at may malalim na dimples sa kanang pisngi na nakapagpaganda sa manipis at mamula-mulang labi. Yun nga lang sarat ang ilong. Pero pwede na rin sabihing cute.

"Kung ganon, sinong magpe-prepare ng foods kung wala si mommy? Paano kami kakain?" Panghahamon ni Maureen.

"Edi si tita Celina!"

"Sus!" Napaismid naman si Rick Lee at pabagsak na naupo sa sofa. Pagkatapos ay kinuha nito ang remote na nasa center table para i-switch on ang TV. Dumating naman ang dalawang maid na naghain ng juice, cakes & cookies.

"Do you mean Celina Samson?" Paninugurado naman ni Maureen sa narinig na pangalan.

"Kilala po ninyo ang tita ko?" Lumaki ang ngiti sa mga labi nito kaya mas lalong lumitaw ang dimples.

"Yes, Celina Samson! She's the best chef in the world"

"Opo sya nga po! Tas yung asawa nya kapatid ng mommy ko, si tito Marck. Ang bait-bait nya saka ang sarap-sarap magluto. Super love ko talaga si tita Celina! Mamaya nga pupunta sya dito para ipagluto kami ng Afritada."

Bigla namang pinaghahampas ni Maureen ng unan si Rick Lee. "Ang daya-daya mo! Bakit hindi mo manlang sinabi na pinsan mo pala si Clarck? Andaya!" Maktol pa niya.

"Teka, teka!" Panay ito sa kakasalag sa unan. "Wag mo 'kong torture-rin may shoot pa 'ko mamaya! Sasampalin kitang bruha ka!"

"Ewan ko sa 'yong bakla ka!" Pagkasabi'y tinigil na niya ang panghahampas saka bumaling sa 'kin "Tara na nga Lois! Ha-hunting-ngin pa natin si mayor para isumbong ang kabaklaan ng anak nya!"

"Teka, wala namang bukingan!"

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon