SAMMARA KELLY POV
I am afraid to be happy again because everytime I get happier, something will come up and ruins everything. Am I a Cherophobic? Now tell me, how can I escape then? It's been 2 days since nang ma-discharge ako sa hospital at magmula nga no'n ay 2 days na rin akong bantay-sarado sa bahay namin. Infact, 1 dozen of presidential bodyguard, 3 personal maids, 2 license nurses, 1 private tutor plus isang istriktong soon to be boyfriend at isang pasaway na kuya ang inutusan ni daddy para magbantay sa 'kin anytime, everywhere.
"Tito Kalle, lalong magkaka-sakit si Sammara kung mag-i-stay lang sya sa bahay. Please payagan mo na sya lumabas kahit ngayong linggo lang. Promise magbe-behave kami." Pamimilit naman ni Lois kay daddy. "Please pasamahin mo na sya. Promise po, ngayon lang 'to. You know naman how much important to Rick Lee na naroon kami sa mall show nya, di po ba?"
Actually ayoko talagang pumunta at manood sa mall show ni Rick Lee kung hindi lamang ako pinilit at ipinagpaalam ni Lois kay daddy. Ngayon nga'y narito kami sa convenction area ng Forbes Supermall na pagmamay-ari ng step-dad ni Lois. Naka-upo ako sa VIP chair kasama sina Clarck, Maureen at Doreen para sa mall show ni Rick Lee. As usuall, naroon rin ang mga bodyguards, maids at nurses na hi-nire ni daddy para sa 'kin.
"Lois, huwag ka ngang kill joy!" Baling ni Maureen kay Lois. Naka-pony tale ang kulay pink na wig nito at nakasuot ng sailor uniform at 5 inches na white boots. Taga-sailormoon ang character na ini-impersonate nito ngayon. "Kaya tayo nandito para ipag-cheer si bakla! So, be it! Ano 'yang hiya-hiya factor na 'yan, ha Lois?"
"Ang awkward kasi tignan."
"Hay naku Lois, exempted ang special treatment ngayon kaya wag kang pabebe!" Kahit saan kasi ay makikita at maririnig ang dumadagundong na pag-chi-cheer ng fans club ni Rick Lee. Ang pag-chi-cheer ang bagay na gustong gayahin ni Maureen at gusto pa kaming idamay sa kalokohan na 'yon.
Habang naghihiyawan ang lahat ay isang nakasumbrelong lalaki ang dumaan sa tapat ng inuupuan ko. Actually, hindi ito allowed sa pwesto namin kaya nakakagulat ang lakas ng loob nito mag-trespassing. Kaya naman mabilis itong pinaalis ng security guard at sa labis nitong pagmamamdali ay aksidente nitong nasagi ang thumbler ko na nakalapag sa sahig. Pero dedma lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang natapong tubig.
"Ang bastos naman nun!" Bulyaw ni Maureen.
Aakto pa sana ang mga bodyguard ko nang pagdakip sa lalaki pero mabilis ko silang pinigilan para hindi na lumaki ang gulo.
"Yaya Joy, paki-bili mo nalang si Sammara ng bagong mineral sa grocery." Utos nalamang ni Clarck sa kasama kong maid.
"But it sounds cool." Sabat naman ni Doreen na sinadyang agawin ang atensyon namin. "Go, papa Lee! I love you more! Go papa Lee!" Tila ginaya at paulit-ulit itong nag-cheer mula sa kinauupuan.
At nagtawanan na nga sila.
Samantalang hindi ko naman magawa maging masaya dahil natatakot na 'kong atakihin na naman ng sakit sa puso kapag hindi ko napigilan ang sarili. Kaya mga tipid na ngiti nalamang ang nagagawa kong pakawalan. Pamimsan-minsa'y binabaling ko ang tingin sa paligid sa pagbabaka-sakaling makita kahit ang anino ni kuya Neightan. Pero napaka-imposible namang mag-aksaya ng oras si kuya sa tulad ng mall show na 'to. Kung saan-saan ko pa binaling ang tingin kaya nga kapansin-pansin ang tatlong lalaki na kanina pa nakatingin sa lalakeng bumangga sa tumbler ko kanina. Hindi halos nagkakalayo ang distansya nila sa isa't isa at pakiramdam ko'y para silang nagkukutuban. Nang magsimulang umakyat sa stage si Rick Lee ay mas lalo namang umingay ang buong area.
"I never thought he's that famous." Nasabi ko nalamang.
Kasalukuyang sinasayaw ni Rick Lee sa stage ang Soulja Boy kasama ang mga back up dancers. Mula pagkabata ay mahilig na talaga siya sumayaw kaya hindi nakapagtataka ang pagkaka-discover sa kanya ng isa sa mga producer ng IG Network. Kung tutuusin ay hindi naman talaga naging mahirap para sa kanya na pumasok sa showbiz lalo na't bukod sa talento ay isa rin sa shareholders ng IG Network ang mommy niya. Maliban pa dun ay daddy niya ang Manila City Mayor at Chairman ng Globe Telecommunications. Kabilang ang pamilya nila sa Top 10 billionaire in the world. And maybe, those connections are the reason why up to now hindi parin nare-reveal ang pagiging bisexual niya in public. Bad boy of the Dance Floor ang showbiz title na iniingatan niya kaya fully dedicated niyang mine-maintain ang trono.
"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!"
Sabay-sabay kami napatingin sa pinanggalingan ng boses. Galing iyon sa di-kalayuan kung nasaan ang lalaking bumangga sa tumbler ko. Katulad nang sinabi nito ay meron nga itong hawak na baril. Gusto ko sana mag-panick kagaya ng iba pero mas nangibabaw ang takot sa 'kin.
"MAGHUNOS-DILIS KA DE LA ROSA!" Giit ng isa sa tatlong lalaking nag-aabang dito. "Pag-usapan natin 'to ng maayos."
"Pag-usapan? Pwes sige! Ipapa-alala ko sa 'yo na barya-barya lang ang ninakaw kong limang-libong piso kumpara sa kinurakot ng mga corrupt na pulitiko! Bakit n'yo ko hinuhuli?! Bakit n'yo ko ikukulong?!"
"Daanin natin 'to sa legal na proseso. Bumaba ka na dyan."
"Señiorita, tara na. Lumabas na tayo rito." Pag-aalala naman ng bodyguard ko. Umakto ito nang paghigit sa 'kin.
"P-pero—"
"Makinig ka nalang sa mga guard Sammara. Tara na!"
Nang makita ko ang pagdating ng iba pang pulis ay nagdesisyon na rin ako magpa-akay sa kanila. Taranta naming hinahanap ang exit habang naririnig ang pagpapalitan ng mga putok ng baril.
Maraming civilian, bakit gumaganti ng putok ang mga pulis?
"SIGE SUBUKAN NYO PANG MAGPAPUTOK, PASASABUGIN KO ANG BUNGO NG BATANG 'TO!"
"OMG si Rick Lee, hostage nya!"
"Shit!" Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nakita ko nalang na hostage na nga nito si Rick Lee.
"K-kuya, ako na bahala sa five thousand pesos. Please, pakawalan m-mo na 'ko." Pagmamaka-awa pa ni Rick Lee.
"Kung makaka-jackpot nga naman, anak pa pala ni mayor Tiamzon ang batang 'to!"
"Uy Sammara tara na! Ipaubaya mo nalang si Lee sa mga pulis!"
"P-pero hindi natin sya pwedeng iwan."
"Mga pulis na ang bahala dito. Saka nagpaiwan na rin naman yung iba nating guard kaya siguradong mare-rescue nila si Lee." Paliwanag pa ni Clarck.
Ewan ko ba. Iisa lang naman ang kalaban pero bakit hindi nila mahuli. Ganito ba talaga kabagal umaksyon ang mga pulis sa Pilipinas? All I thought, everything about here seems perfect and safe. But it's not. Hanggang sa nagkagulo-gulo na nga at tuluyan na rin kaming nagkahiwa-hiwalay ng mga kasama ko.
"Sammara!" Sigaw ni Lois na pilit kuma-kawala sa mga taong gumigitgit sa kanya.
"My goooosh! I can't really take this moment!" Sigaw naman ni Maureen. "Lord, i-extend mo pa lifespan ko, please."
"Sammara, hold on!" Mabilis naman akong niyakap ni Clarck. Nanatili lamang itong nakayakap sa 'kin sa gitna nang nagkakagulong paligid. Ramdam na ramdam ko ang pagiging safe mula sa mga bisig nito.
"C-Clarck?" Bahagya akong tumingala para makita ang mukha nito.
"I'll take care of you. As I promised." Nakangiting sabi nito.
Kitang-kita ko kung paano ito tumingin sa 'kin. Hindi ito halos kumukurap at hindi mababakas ang pag-inda sa mukha kahit na may mga taong bumabangga sa 'min. Sa halip ay nanatili itong matikas at may matamis na ngiti.
"PRINCESS LOISSSSSSS!"
Magkasabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Kitang-kita ko kung gaano kabagal nag-slow motion ang papalapit na bala ng baril sa kinatatayuan ni Lois. Hindi ako halos makagalaw at hindi ko alam kung paano iyon mapapahinto basta nagulat nalamang ako sa malakas na pagtalsik ni Lois palayo sa nagkakagulong lugar at isang lalake ang tinamaan ng bala.
"Garry!" Sigaw naman ni Chloe na mas lalo kong ikinagulat.
Mabilis na bumulagta sa sahig ang tinawag nitong Garry. Kasabay non ang magkakasunod na palitan ng putok ng baril. Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap sa 'kin ni Clarck
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...