SAMMARA KELLY POV
"Hey Sammara, sure ka bang taga-Eastwood ang mokong na 'yon?" Bulyaw ni Kuya Neigthan mula sa passenger sit. Mainit ang ulo nito dahil hindi nakapag-motor race gawa ng ulan.
Anyway, papunta nga pala kami ngayon sa Celina Condotel and Restaurant kung saan nag-i-stay si Kentaki. Balak naming ihatid ang bag na naiwan nito sa classroom. And yes, kasama ko rin ang magkapatid na Maureen at Doreen na mismong pasimuno sa kalokohang ito. Samantalang nasa kabilang Montero naman sina Lois at Rick Lee, pinag-uusapan nila ang tungkol sa sit in na si Garry. Mula naman sa di kalayuan ay nakabuntot ang mga bodyguard ko.
Pagkarating sa Celina ay kaagad kaming dumiretso sa 66th floor at nagtago sa likod ng malaking figurine na naka-display sa hallway habang pinagmamasdan si Maureen mula sa di-kalayuan. Mahigit sampung minuto na kasi ang nakalipas mula ng huli siyang mag-doorbell subalit magpahanggang sa ngayon ay hindi parin siya pinagbubuksan ni Kentaki ng pinto.
"Mukhang hindi pa nakaka-uwi si Kentaki. Malamang tumambay pa 'yon sa kung saan" Konklusyon ni Doreen mula sa pinagtataguang giant Lion figurine.
Kasama ko sila Rick Lee at Doreen sa sulok ng hallway —mga tatlong metro ang pagitan sa kinatatayuan ni Maureen, samantalang patuloy naman sa pagbi-video recording itong si Lois.
"Baka nakatulog lang." Giit ko nalamang.
"Ano 'yon, tulog mantika?" Pilosopong tanong ni Rick Lee.
"Maghintay nalang tayo ng another 10 minutes baka sakaling pagbuksan na sya." Sabat ni Lois.
"Kentaki-san, nandyan ka ba? Pagbuksan mo naman ako!" Pagsusumamo ni Maureen sa harap ng monitor. "Kung may sakit ka, may dala akong mga gamot para sa 'yo. Kentaki, wag mong hintayin na gumawa pa 'ko nang iskandalo dito. Uy Kentaki, nakikinig ka ba? Mag-e-enter na 'ko ng passcode." Pagkasabi'y nagpipipindot na si Maureen ng kung anu-anong numbers sa machine. Pero puro code error ang palaging lumalabas kaya halos maka-ilang trial siya sa pag-enter ng passcode.
Napapakamot nalamang kami sa kanya-kanyang mga ulo.
"Ano ba? Hey, Kentaki, lumabas ka dyan!" Mukhang desperado na si Maureen ng magsimula niyang pagtatadyakan ang pintuan. Paulit-ulit siyang bumulong ng kakaibang magic spell. Sabay hahalakhak ng pagkalakas-lakas.
"Nababaliw na yata siya." Komento pa ni Rick Lee.
"Open sesame!"
Bumukas nga ang pintuan.
"Aba bumukas!"
"Syempre bubukas 'yan, binuksan ko, eh!" Bungad pa ni Kentaki mula sa pintuan. Nakasuot lamang ito ng bathrobe at kitang-kita namin kung paano natulala si Maureen pagkakita rito.
"B-bakit ka um-absent?" Iyon nalamang ang naitanong niya na hindi halos inaalis ang tingin dito.
Hindi naman sumagot si Kentaki.
"A-alam mo bang na-miss kita. Miss na miss kita." Duktong pa niya.
"Shit! Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? Bakit hindi nalang niya ibigay yung bag nito saka umalis." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...