Should I?

18 7 0
                                    

SAMMARA KELLY POV

"Baka na-torpe na naman." Napakibit-balikat nalamang ako sa harap ng malaking salamin. Matapos magpakawala ng malalim na buntong-hininga ay nagpasya na 'kong lumabas ng CR. Nilakad ko mag-isa ang hallway pabalik sa Function Hall kung saan naghihintay sina kuya Neightan at ninang Celina subalit hindi ko naman ine-expect na makakasalubong si Kentaki pagliko sa leftside corner ng hallway.

"H-hi." Bati ko sa kanya.

Tumango naman siya bilang tugon.

"In-invite karin ba ni Lois dito?"

"Dito ako nakatira. Limot mo na ba?"

"I see. Sorry nakalimutan ko." Wari'y napakagat nalamang ako sa labi, pagka-alalang may condo unit nga pala siya sa branch na 'to. "Siguro side effect lang 'to nang iniinom kong gamot kaya nagiging makakalimutin na rin ako." Sinadya ko nalamang tumawa para daainin siya sa pagpapa-cute kahit alam kong hindi uubra sa kanya.

"Maganda yung presentation ng Eraserheads kanina. Bakit hindi ka manlang nanood?"

"H-ha?" Nabigla naman ako sa sinabi nyang iyon. "A, e, d-don't tell me, naroon ka rin sa Function Hall kanina."

"Napasilip lang." Tinatamad n'yang sagot. "Busy'ng-busy ka nga sa cellphone mo e."

Napa-ismid nalamang ako sa sinabi niya.

"Umpisa palang alam mo naman' si Clarck ang nasa likod ng mga ito at sobra kang nadi-dissapoint sa ginagawa mong paghihintay sa kanya. Pero diba, matagal mo nang hinihintay na dumating ang araw na 'to? E, bakit aalis ka na? Gagawin mo na naman bang dahilan ang side effect ng gamot na iniinom mo kahit ang totoo ay natatakot ka lang maghintay sa wala?"

Hindi ko alam kung gaano kalinaw ang mga mata ni Kentaki para mabasa ang laman nang iniisip ko. May mga pagkakataon na sobrang meaningful talaga niya kung magbitaw ng dialogue, in a way na mapapa-isip ka nalang kung paano at kung saan niya hinuhugot ang mga words na lumalabas sa bibig niya. Ibabalik ko na nga sana sa kanya ang passport niya, kaso naalala kong naiwan ko nga pala ang bag ko sa table.

Magmula nang magising ako kaninang 11:30 pm ay hindi na uli ako nakatulog gawa ng napakaraming bagay na bigla nalang nag-pop up sa isip ko. Paano nga kaya kung dinala ko ang bag magpahanggang sa CR? Baka sakaling naibalik ko pa ang passport ni Kentaki. Kung sana lang rin ay nabitbit ko ang cellphone papunta sa CR ay posibleng nasagot ko ang missed calls mula kay Clarck at maaring hindi na ako napa-paranoid kaka-isip ngayon. Nakaka-inis kasi napakabata ko pa para maging makakalimutin. Minsan napapa-isip nalamang ako kung epekto pa rin ba ito ng gamot na iniinom ko o sadyang slow lang talaga ako.

Ilang beses rin ako nagpa-ikot-ikot sa hinihigaan. Malambot, malawak at mabango naman ang kama pero hindi parin ako mapakali. Kung tutuusin ay normal na para sa 'kin ang ganitong senaryo dahil madalas naman ako inaabot ng madaling-araw kapag nagigising sa kalagitnaan ng gabi, at madalas rin na si Clarck ang laman ng isip ko, ang pinagka-iba lang ay ang sakit na dumagdag sa sakit na pinagdadaanan ko ngayon.

Kung pwede ko lang sana pigilan ang sarili na huwag mag-assume sa mutual understanding na meron kami ni Clarck ay matagal ko nang ginawa. Ayokong isipin na mayroong espesyal sa set up kanina dahil magmumukha na naman akong ilusyunada sa pagde-day dreaming. Lalo't ilang beses na rin naman ako na-dissapoint sa pag-aakalang magko-confess na siya pero hindi pa pala.

Nang magpasya akong bumangon sa hinihigaan ay kaagad kong tinungo ang kitchen para kumuha ng tubig at isinabay ko na rin ang pag-inom sa gamot. Hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw dahil memorize ko naman ang bawat pasikut-sikot sa mansion saka ayoko na rin istorbohin ang pagpapahinga ng mga kasambahay.

"Sammara, sana inutusan mo nalang ako kumuha ng tubig para hindi ka na bumaba." Giit ni nurse Ynah nang buksan ang ilaw sa kusina. Naka-pajama na ito at gulo-gulo ang buhok.

"Paano kita uutusan e,  mukhang kagigising mo lang?" Natatawa kong tanong dito.

Normal na para sa 'min ang mag-usap ng informal kahit pa 10 years ang age gap nito sa 'kin, dahil baby face naman ito at hindi halatang 25 years old. Besides, magpinsan naman kami kaya walang issue kung feel at home ito rito. Isa pa'y kasama ko na ito mula pagkabata hanggang maging ganap na Nurse. Kung tutuusin ay isa nang napaka-laking blessing na nagkaroon ako ng mapagkakatiwalaang private nurse na tulad nito.

"Alam mo bang pumunta dito si Clarck kanina." Kwento pa ni nure Ynah.

Halos manlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. "Talaga? Anong oras? Bakit hindi n'yo 'ko ginising?"

"Paano ka namin gigisingin e ang sarap ng tulog mo?" Pagbabalik pa nito sa tanong. Wari'y sumandal ito sa ref saka ipinagpatuloy ang kwento. "Actually, around 8 pm sya pumunta dito. Hingal na hingal pa nga at mukhang kagagaling lang sa pagtakbo."

"Bakit sya tumakbo? H-hindi ba sya nagdala ng sasakyan?" Pagtataka ko naman.

"Feeling ko, nilakad nya lang mula Eastwood hanggang dito dahil sobrang traffic kanina."

"Talaga ba?" Biga tuloy ako napa-isip sa sinabi nito. "So, bakit naman daw sya nagmamadali?"

"Ewan. Si Neightan kasi ang naka-usap nya. Mukha ring nagtalo sila."

Hindi ko naman sinasadyang mabitawan ang hawak na baso dulot nang narinig kaya kumalansing ang ingay nun at nabasag. "B-bakit?" Hindi ko pinansin ang nabasag sa halip ay mas nag-focus ako sa isasagot nito. "P-puntahan natin si Clarck."

"Nababaliw ka na ba? Ala-una y' medya na!" Pagkasabi'y binatukan ako nito sa ulo. "Kahit pa puntahan natin sya sa bahay nila, hindi mo rin naman makikita ang kagwapuhan n'ya sa suot na tuxedo dahil malamang na nakapantulog na s'ya!" Hindi ko medyo na-gets ang sinabi nito kaya pina-ningkitan ko ito ng mga mata bilang sign nang I'm sorry? Make it clear please. "Ang sabi ko, sayang talaga kasi hindi mo sya nakita on his tuxedo, kanina. Grabe, sobrang hot nya parin kahit pinagpapawisan!"

"A-ano kayang pinag-usapan nila ni kuya?" Nasabi ko nalamang. "Bakit sya naka-tuxedo?"

"Kayong dalawa, huwag nga kayong maingay dyan!" Paninita naman ni lola Heart na labis namin' ikinagulat. Dito rin kasi ito nag-i-stay para i-monitor ang health condition ko. "Manang, paki-walis nga nitong nabasag. Baka mamaya maka-disgrasya pa ito." Utos pa nito sa dumating na maid.

"L-lola, bakit gising ka pa?" Naitanong nalamang ni nurse Ynah.

"Aba'y malamang nakarinig ako ng ingay! Akala ko nga'y pinasok na tayo ng magnanakaw!"

Bahagya naman akong natawa sa sinabi nito.

"Sa higpit ng security, papasukin pa ba tayo ng magnanakaw dito?" Sabi pa ni nurse Ynah.

Napa-ismid nalamang si lola. Sunod ay umakto ito na tila may dinudukot sa suot na slacks –hindi pa kasi ito nakakapag-palit ng damit mula nang umuwi galing hospital. "Mabuti nalamang hindi ko pa ito naitatapon." Sabi pa ni lola saka inabot sa 'kin ang naka-fold na tissue paper.

"A-anong meron dyan?" Pakiki-usyoso naman ni nurse Ynah. "Patingin nga!"

Mabilis ko naman' binuklat ang hawak na tissue at labis na nagulat pagkakita sa mala-monotype cursiva na hand written, mukhang alam ko na kung kanino ito nanggaling.

"Palihim na inabot sa 'kin ni Clarck ang letter na 'yan bago umalis, isang oras narin ang nakalipas." Sabi pa ni lola habang nakatingin sa 'kin.

"So, love letter pala ang sinusulat niya nang abutan kong abala sa sala kanina. Chi-chika-hin ko pa nga sana kaso nakabantay si Neightan." Nanggigigil namang komento ni nurse Ynah. "Infairness ang ganda ng hand written, daig pa sulat ng babae!"

"O sya, iiwanan ko na kayo dyan. Kayo nalamang ang sumalubong kapag dumating si Kalle." Pagka-bilin ay umalis narin si lola. Sumunod naman dito ang maid na nagwalis sa mga bubog nang nabasag kong baso.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon