"Wow, mukhang minsan ko lang marinig 'yon, ha!" Bumaling si Neigthan kay Brayan. "Anong meron, man?"
"Wala man. Pa-new year ko na rin 'to sa section natin."
"Kung ganon, sagarin na natin!" Sabi pa ni Neigthan "Waiter, tatlong boquet ng beer dito!"
"Mag-iinom ka?" Tanong ko
"Mag-iinom tayo!"
"Pass, kuya bawal sa 'kin ang alcoholic drinks." Paalala ni Sammara.
"Softdrinks nalang sa 'kin." Tanggi naman ni Doreen.
"C' mon, guys! Ngayon lang 'to!" Giit pa ni Neightan. "Si Sammara pwede ko pang i-excuse. Syempre ayokong ma-bad shot na naman kay dad!"
"Sige deal. Pero ladies drink sa 'kin." Sabi naman ni Rick Lee.
"Wow, magle-ladies drink si bakla!" Kantyaw ko pa. "Sige ganon nalang rin 'yong akin. Patikim ng pinakamasarap at pinakamahal na ladies drink." Baling ko naman sa waiter.
"Anything else, ma'am, sir?"
"Ladies drink nalang din." Sagot naman ni Kentaki kaya magkaka-sabay kaming napatingin dito.
"Magle-ladies drink ka?" Natatawang tanong ni Brayan.
"Ladies drink para kay Maureen. Beer nalang rin 'yong akin. Mahirap naman maging outcast." Paliwanag pa nito.
"Iyon naman pala."
"Sige, tag-iisang dosenang cocktail na rin ng San Mig. Light, Andy Cola at Heineken." Dagdag ni Neightan sa order. "Gusto n'yo ba ng Diageo?"
"Kuya, bawal ang hard! Guso mo ba maging news headline ang pangto-tolerate ng parents natin na uminom sa bar?"
"It's ok Sammara, hindi naman tayo magpapaka-wasted e!"
Mabuti nalamang pagmamay-ari ni tito Kalle ang bar na 'to kaya walang nakapigil sa 'min sa pag-order ng alak kahit na under age pa kami lalo na't pakana naman ito ng anak nya. Palibhasa magkaka-iba kami ng mga iniinom na alak kaya magkaka-iba rin ang tama namin. Inuman, kantahan, sayawan, kwentuhan. Kung anu-anong kalokohan ang ginawa namin kaya kami tuloy ang naging center of attraction. Nakakatuwa lang kasi patuloy pa rin sa pagtugtog ang banda on stage, para silang hindi napapagod.
"Wow, Doreen pang-apat na bote mo na 'yan, ha." Puna ni Rick Lee. "Ang akala ko ba hindi ka umiinom?"
"Wala kang pake!" Naniningkit ang mga mata nito na tinungga ang pang-apat na bote hanggang sa maubos. "Ice paradise. Masarap ba 'to?" Tanong pa nito pagkakuha ng panibagong bote sa coktail.
"Parang gusto mo yata matikman lahat ng flavors ha." Komento pa ni Brayan.
"Ganyan ka naman e! Lahat ng flavor gusto mong tikman! Kung hindi ko pa alam, nakahanap ka na naman ng bago mong titikman!" Para itong nakikipag-rap battle habang nagsasalita dahil sa mga kumpas ng kamay.
"Talaga, may flavor of this month na naman si Brayan?" Na-excite pang tanong ni Neigthan "Sino 'yon, man? Bakit hindi ako na-inform?" Pagkasabi'y nilagok nito ang bote ng beer.
"It doesn't matter, dre!" Sagot naman ni Brayan at wari'y tumingin sa 'kin. "Mukhang mahihirapan ako sa kanya e! Mailap, man!"
"Inalok mo na ba nang ligaw?" Sabat naman ni Rick Lee.
"Oo, kaso olats e! Sablay yata."
"Alam mo dre, dapat nagpapaturo ka sa 'kin ng mga galawang breezy." Sabi pa ni Neightan. "Ganito lang kasi 'yon dre" Wari'y umayos ito nang pagkaka-upo para humarap kay Brayan.
Hay ewan. Kung hindi lang nila alam. Para humanap ng ibang mapaglilibangan ay binaling ko nalang ang tingin kay Sammara. Mukhang napakalayo nang iniisip niya at halos hindi pa nangangalahati ang baso ng Lemonade na hawak niya.
"Cous', gusto mong lumabas?" Aya ko sa kanya.
Napa-iling naman siya. "Ok lang ako cous'. Mas ok nga dito e, maingay. Nakakabingi na rin kasi 'yong katahimikan doon sa kwarto ko. Puro iyak ko lang 'yong lagi kong naririnig. At least dito, halo-halo."
"Naiiyak mo na ba lahat?"
Tumango siya. "Said na said na."
"I see. Bakit pala wala ka kasamang bodyguard ngayon?"
"As usual holiday. Hellow, may pamilya rin naman sila!"
"Oo nga pala 'no! Bakit ko nga ba naitanong?" Napakamot nalamang ako sa ulo "So, ok ka na?"
"Tina-try ko."
"Don't worry, malapit na naman siya mag-transfer. Makakatulong 'yon para mas mabilis mo syang makalimutan. Malay mo next school year, makahanap ka ng bagong inspiration. For sure, magkakaroon tayo ng mga bagong classmate!"
"Sana." Napabuntong-hininga muna siya bago sunod na ininom ang baso ng Lemonade. "Ikaw, cous', magkwento ka naman." Baling nya sa 'kin.
"Ano namang iku-kwento ko?"
"Kahit ano. Kahit tungkol sa birthday mo nalang."
"E, hindi naman natuloy 'yong party e!"
"Sus, ang boring mo namang kausap!" Napa-ismid siya. "Ibang topic na nga lang. Am, alam mo ba si Brayan, tinawagan ako sa bahay para lang itanong kung ano 'yong favorite flowers mo. Nakaka-bad vibes diba!"
"Alam mo Sammara, lasing ka na."
"Ako lasing? Hello, Lemonade 'tong iniinom ko! Nakakalasing ba 'to?"
Napa-iling nalamang ako.
"Siguro may gusto ka kay Brayan, ano?" Pagbabalik niya sa topic.
"Oy, wala ha!"
"Umamin ka na, gusto mo sya e!"
"Hindi nga sabi! Baka s'ya, may gusto sa 'kin!"
"Alam mo, sagutin mo nalang sya para wala ka ng problema. Tingnan mo sina Maureen at Kentaki, ang sweet-sweet nila. Masarap kaya may boyfriend."
"Naiinggit ka naman!"
"Hindi 'no!"
"Alam ko cous', feeling ko lasing kana."
"Hindi nga sabi, bakit ba ang kulit mo?" Sa labis na pagde-deny ay bigla niyang nasanggi ang baso ng Lemonade at tumapon ang laman non kay Clarck. "Naku sorry!" Mabilis siyang kumuha ng tissue sa table para punasan ang nabasang damit ni Clarck. "Sorry talaga."
"It's ok." Sabi naman nito.
"No, it's my fault." Pagdidiin pa niya habang patuloy sa ginagawa.
"Ok, ok, let me fix this." Sabi nalamang ni Clarck saka kinuha ang tissue sa kamay niya.
"Sorry ha, ang careless ko kasi." Pag-uulit pa niya.
"No, it's not you, it's me. Ako dapat ang mag-sorry."
"Why?" Pagmamaang-maangan ni Sammara.
"I'm sorry. I didn't mean to hurt you. I didn't mean to take you for granted. I didn't mean to throw away those chances of being with you. I mean, I'm really sorry Sammara."
"Teka, teka, kanta yata 'yon e. Bakit mo tinula?"
"Sammara please, stop pretending that you didn't understand what I am saying! Magalit ka naman kahit minsan lang! Sampalin mo 'ko!" Wari'y inihanda na ni Clarck ang pisngi. Gawa non, ay napatingin tuloy sa kanila ang mga kasama namin na abala sa kanya-kanyang usapan.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Iwas-tinging sabi ni Sammara at bahagya siyang dumistansya kay Clarck. "Ano mo ba 'ko? Ano ba tayo? Diba hindi naman tayo? Kaya, anong karapatan ko para magalit at sampalin ka? Wala naman, diba?"
"S-Sammara,"
"Huwag kang mag-alala, ok lang ako. Magiging ok rin ako."
Sorry na, talaga.
Sa aking nagawa.
Tanggap ko na mali ako
Huwag ka sanang magtampo
Sorry na.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...