GARRY POV
Click!
Pagkislap ng flash galing sa DSLR ay mabilis na binitawan ni Neightan ang magkabilang-braso ni Maureen mula sa pagkaka-corner n'ya rito sa pader. Nadatnan kasi namin sila sa ganoong posisyon kaya naman napagkatuwaan ni princess Lois na kuhaan sila ng picture.
"Lois burahin mo 'yan!" Daing ni Maureen nang lapitan ang prinsesa.
Umismid naman ang prinsesa bilang sagot na tila balak pa ang mang-asar.
Palibhasa restricted area ang hallway papunta sa President's office kaya kaming apat lamang ang naririto. Hinatak lang naman ako ng prinsesa papunta sa office ng school President para sana hikayatin ito na ilipat ako sa section 1, subalit hindi namin sinasadyang maabutan sina Neightan at Maureen sa ganoong posisyon. Sadyang umiral lang ang kapilyuhan ng prinsesa kaya naisipan silang kuhaan ng picture at nagkataon namang naka-bukas pala ang flash ng DSLR nito kaya kaagad na nakahalata ang dalawa.
"Sorry guys, pero wala nang delete-tan 'to!" Pang-aasar pa nang prinsesa habang sinu-zoom in and out ang picture. "Ano ba kasing ginagawa nyo? Kulang nalang ay maghalikan kayo!"
"Well, pinipilit lang naman ako nitong magaling mong pinsan na—" Hindi natapos ni Maureen ang sasabihin dahil kaagad tinakpan ni Neightan ang bibig niya.
"W-wala lang 'yon. Hahaha!" Sabi pa ni Neightan habang pinipigilan siyang magsalita. Sinadya pa nitong tumawa nang nakakaloko.
Napa-ismid nalamang ang prinsesa sa inasal nila at nawe-wierd-duhan silang binigyan nang what's the meaning of this looks.
Gamit ang suot na Eye scanner ay sinubukan kong basahin ang iniisip ni Maureen. Tinitigan ko siya sa mata kaya naman naging malinaw sa 'kin ang lahat. Natawa nalamang ako matapos ma-realize na ganun pala s'ya ka-desperada pagdating sa pag-ibig. Hindi ko akalaing sa edad niyang 15 ay nakahanda na siyang makipag-deal sa kamatayan para lang makuha si Kentaki. Nakakatawa!
"Pwede bang bitawan mo 'ko!" Daing ni Maureen habang nagpupumiglas mula sa magkabilang-kamay ni Neightan. "Ayoko na! Tinatapos ko na ang deal natin!"
"Akala ko ba game ka? Ang daya mo naman!"
"Oo gusto ko maging akin si Kentaki, p-pero ayoko namang i-take yung risk kung ang magiging kapalit naman nun ay ang pagkasira ng relasyon nina Sammara at Clarck."
"Anong masisira 'yang sinasabi mo e hindi pa naman sila?"
"Basta, ayoko na! Tapusin na natin ang deal na 'to!" Pagkasabi'y muli siyang nagpumiglas.
"Sige mag-quit ka. Tignan natin kung magagawa ka ngang tulungan nyang Clarck na pinagmamalaki mo!"
Magsasalit pa sana si Maureen subalit bigla naman kami dumating.
Hindi ko na rin napigilan ang pagtawa matapos ang mga nangyari.
"Anong nakakatawa?"
"A, e, w-wala lang." Pagdadahilan ko nalamang nang mapansing nakatingin na silang lahat sa 'kin.
Natapos ang senaryong iyon sa pagwa-walk out ni Neightan samantalang naiwan namang clueless ang prinsesa sa mga nangyayari.
"Uy girl, magkwento ka naman!" Kantayaw pa ng prinsesa kay Maureen. Kasalukuyan na kaming naglalakad pabalik sa classroom at mukhang nakalimutan na rin nito ang mga sasabihin sana sa school President. "Don't tell me nagkaka-develop-pan na kayo ni Neightan."
"Off course not!" Mabilis na tanggi ni Maureen. "Yuck!"
"E, ano nga kasing ginagawa nyo sa hallway na 'yon?"
Hindi na nagsalita pa si Maureen. Sa halip ay ipinagpatuloy nalamang niya ang tahimik na paglalakad para makapag-isip habang patuloy paring kinukulit ng prinsesa. "What if, i-set up ko sa isang date sina Sammara at Clarck?" Maya-maya ay naibulalas ni Maureen. "Siguro naman, it's time para ako ang magsilbing Cupid sa kanilang dalawa!"
"Wow! So, saan mo naman nakuha ang ideyang iyan?" Komento pa ng prinsesa na wari'y hinawakan siya sa noo. "May sakit ka ba?"
Tinapik naman niya ang kamay nito. "I'm fine." Umismid pa siya. "Siguro kailangan ko na talagang mag-change outfit." Tila in-emphasize pa niya ang suot na costume ni Nikko Robin mula sa palabas na One Piece –white v-neck long sleeve iyon na may mga wraffles, na tinernuhan ng miniskirt at isteleto boots pati ng puting sumbrelo, naka-suot rin siya ng wig na hanggang balikat lamang ang straight na buhok. "What do you think, should I wear, Cupid's outfit with matching feathered wings and heart archers? Or what?"
"Kahit ano. Basta, sasama ako." Nakangiti namang desisyon ng prinsesa. "I also want to be with my buddy." Wari'y umangkla pa ito sa braso ko.
"A, e, pass. May duty kasi ako mamaya sa restaurant." Pagdadahilan ko nalamang. "P-pero pwede mo rin namang i-set up ang date nila sa Celina. Kung gusto mo ako na ang bahalang kumausap sa Manager namin at mag-organise sa loob."
"Medyo magandang idea nga 'yan." Napatango nalamang si Maureen. "Ok narin siguro ang magkaroon ng connections sa loob." Sabi pa niya.
"Kung ganun, ako na ang bahalang magpa-punta kay Sammara." Suggestion naman ng prinsesa. "OMG, I'm so excited na talaga!"
Kaya naman sa halip na pumasok sa pintuan ng classroom ay bigla silang humakbang paatras na tila nagkasundo sa gagawin. Wari'y hinatak pa ako ng prinsesa upang isama sa pagtakbo palabas ng Camp Bridge para sa planong pagka-cutting classes.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...