The moment I saw You cry

28 8 1
                                    

KENTAKI POV

"PIANO TOURNAMENT?" Hindi halos makapaniwalang sigaw ng kung sinuman mula sa likuran ko. Narito ako ngayon sa tapat ng malaking bulletin board kung saan nagkukumpulan ang mga estudyante.

"Oh? Queen of Purple!" Baling ko sa likuran kung saan siya nakita.

"Napaka-sweet naman nang tawag mo sa 'kin." Umakto siya na tila nagde-day dreaming. "Wag mo masyadong i-broadcast, nakakahiya sa mga schoolmate natin."

"Plano mo talaga akong sundan, 'no?"

"Excuse me? May mga estudyante kasing nagkukumpulan dito kaya nagka-interest akong lumapit!" Naka-pamewang pang daing niya. "Malay ko bang nandito ka rin!"

Napakibit-balikat nalamang ako saka nagsimulang lumakad papalayo sa bulletin board. Sabay-sabay namang nagsigilid sa dadaaanan ko ang mga estudyanteng naroroon.

"Teka! Hindi pa 'ko tapos magsalita!" Dali-dali naman siyang sumunod sa 'kin. "Sabay na tayo pumunta sa room."

"Hindi ako papasok."

"Huh? Magka-cutting ka nanaman ba?"

"Siguro ganon na nga."

"Ano bang napapala mo dyan?"

"Peace of mind."

"Seryoso?"

"Bakit ikaw, ano bang napapala mo kakasunod sa 'kin?"

"A, e, madami."

Napa-ismid nalamang ako saka binilisan ang paglalakad.

"Teka sasama ako!" Nanatili naman syang nakasunod. "Gusto kong ma-experience 'yang peace of mind na sinasabi mo. Ita-try ko magpaka-rule breaker, for once."

"Nababaliw ka na nga!"

"Syempre dahil sa 'yo. Nakakabaliw ka kasi!"

Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya basta tinuloy ko nalamang ang paglalakad. Nakarating kami magpahanggang sa sakayan ng elevator na walang imikan.

"Oh, saan ka pupunta? Mag-i-start na ang first subject in 5 minutes. Bakit bumaba ka pa?" Tanong ni Queen of Purple pagkakita kay Neightan mula sa bumukas na elevator.

"Hinahanap ko si Sammara. E kayo? Saan ang punta nyo?"

"Eto, sasamahan kong mag-cutting classes si Kentaki."

"Aah, may pagka-bad influence ka rin talaga, ano!" Baling nito sa 'kin.

"It's my own choice naman e." Sabat ni Queen of Purple.

Itinuloy ko nalamang  ang pagssaky sa loob ng elevator at hinayaan silang magdaldalan.

"Uy wait lang!" Habol muli ni Queen of Purple. Susubukan sana niya humakbang papasok sa elevator subalit mabilis na hinablot ni Neightan ang braso niya upang pigilan.

"Bakit ba?" Pagtataka niya.

"Nasaan si Sammara?" Tanong naman nito. Walang araw na hindi yata nito hinanap ang kapatid.

"N-nasa auditorium kasama si Clarck at ang bodyguards nya. You know naman, stage rehearsals."

"Bakit hinayaan mong magkasama sila? Diba may usapan na tayo!"

"Paano kasi palagi kang wala! Never mo pa nga 'kong tinulungan e!"

"Ang daya mo naman!"

"Bakit ba kasi ayaw na ayaw mo kay Clarck? Mabait naman sya. Gwapo. Saka mukhang loyal."

"Kasi torpe sya!"

"Napaka-unreasonable mo naman!" Pagkasabi non ay hinigit niya ang braso mula sa pagkakahawak nito.

Isasarado ko na sana ang pintuan pero napatigil ako sa pagpindot nang makita ang mabilis na pagtakbo ni Queen of Purple papasok sa elevator.

"Nakaka-inis ka talaga Neightan!"  Paulit-ulit kong narinig ang pagpapa-ulit-ulit niya sa salitang iyon.  "Nakaka-inis ka! Nakaka-inis ka!"  Maya-maya rin ay namalayan ko nalang na humihikbi na siya at tila pinipigil ang pag-iyak.

"O, gamitin mo." Giit ko naman saka inabot sa kanya ang panyo.

"A, e, p-para saan?"

Napa-iling nalamang ako saka bahagyang humarap sa kanya. Basta hinayaan ko nalamang na kumilos ang kamay ko para pahirin ang luha sa mga mata niya. "Hindi kayo dapat pinapa-iyak." Giit ko pa habang masusuyong idinadampi ang panyo sa pisngi niya.

Mabilis namang gumuhit pamumula ng pisngi niya. "K-kentaki?"

"Kapag nagka-girlfriend talaga ako, hinding-hindi ko paiiyakin." Napa-iling nalamang ako saka sapilitang pinahawak sa kanya ang panyo.

"B-bakit?"

"Anong bakit?" Nakakunot-noo kong tanong.

"I m-mean, salamat. Salamat sa panyo. Don't worry ako mismo ang maglalaba nito para maibalik kaagad bukas."

Bahagya naman akong natawa sa sinabi nyang iyon. "Sa 'yo na 'yan. Marami akong panyo sa closet."

"S-salamat." Tila natulala siya.

"Ayoko lang nakakakita na may babaeng umiiyak sa harap ko. Kaya next time, lumayo-layo ka sa 'kin para hindi ako maubusan ng panyo. Iyakin!"

"S-salamat, salamat talaga!" Walang anu-ano'y mahigpit s'yang napayakap sa 'kin. "Pangako, iingatan ko 'to."

"T-teka, l-lumayo ka sa 'kin, baka mamaya kung anong isipin ng cctv operator!"

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon