Agents Duty

16 7 0
                                    

GARRY POV

Narito ako ngayon sa opisina ni agent Samson dahil sa biglaan nya nanamang pagpapatawag sa 'kin, kung saan naabutan siyang hindi halos mapakali sa pabalik-balik na paglalakad habang hawak ang kopita ng Margarita. Upang ituon ang atensyon sa iba ay binaling ko nalamang ang tingin sa kabuuan ng silid. Sa unang tingin ay hindi talaga mahahalata na may kakaiba sa loob ng opisinang ito. Naka-ayos ang mga kagamitan at wala ni-anumang senyales na isang galaw ko lang ay isang open manhole ang biglang bubukas, kundiman ay isang palaso ang biglang tatama sa 'kin. Nakakatakot mang isipin ang pinasok kong ito pero wala na 'kong magagawa dahil siya ang nagbukas ng pinto para sa panibagong yugto ng buhay ko. Si agent Samson ang totoong nagligtas sa 'kin at habang-buhay kong tatanawin ang utang na loob na 'yon. Kaya nga, kung sakaling magkaroon ng alitan sa A3 ay hindi ako magdadalawang-isip na pumanig sa kanya.

"May problema po ba?" Tanong ko nalamang.

Ilang sandali pa'y huminto siya sa paglalakad at binaling ang tingin sa lamesa kaya naman napatingin rin ako sa direksyong iyon kung saan naroroon ang isang kulay pink na envelope.

"Mag-iisang buwan ng nasa akin ang invitation na 'yan." Pasimula niya. "Hindi lang 'yan basta birthday invitation dahil oras na paunlakan ko ang imbitasyong 'yan, para ko narin sinabing tanggap ko na." Bago muling magpatuloy ay uminom muna siya sa hawak na kopita. "Hindi ko pa yata kayang humarap sa kanila... Ang isipin palang na naroon ang buong Immortals ay nasusuklam na 'ko, paano pa kaya ang sumalubong sa pagdating nila Kentarou at Maricar? Paano ko magagawang mag-enjoy sa party habang palihim na pinapanood ang ka-sweetan nila?"

Hindi ko alam ang dapat sabahin. 10 years na 'kong nasa pudar niya pero kahit minsan ay hindi ko sya narinig magsalita ng ganito. Ang akala ko kasi siya 'yong tipo ng babae na hindi madaling masaktan at hindi mapapaiyak pero sa mga nakikita ko ngayon ay daig pa niya ang nagngi-ngitngit sa galit. Hindi pala sya manhid dahil hindi ko lubos akalaing nagagawa niyang itago sa likod ng makakapal na make up ang ka-plastikan.

"Hindi dapat matuloy ang party." Nasabi pa niya matapos ang sunod-sunod na paglagok sa kopita. "Kailangan mong pigilan ang flight ng Immortals. Hindi sila dapat makapunta sa party— lalo na sina Kentarou at Maricar. Pigilan mong maganap ang reunion dahil hindi sila dapat makumpleto. Kung kinakailangang patigilin mo ang oras o tanggalin sa kalendaryo ang araw ng birthday ni Lois ay gawin mo."

"P-pero dalawang araw nalang bago ang birthday nya, paano ko sila mapipigilan sa ganon kaiksing oras?" Tila nalipat sa 'kin lahat ng problema ni agent Samson dahil sa hindi malamang gagawin.

"Simple lang," Naka-ismid nyang sagot habang tinitignan ang sariling repleksyon sa kopita. "Kung walang celebrant, walang party. Kung walang party, walang guest. Kung walang guest, walang reunion. Kung walang reunion, walang Kentarou't Maricar. Kung wala sila, wala 'kong problema."

Napa-isip naman ako sa mga sinabi nyang 'yon.

"Sa madaling salita, kidnapp-pin mo si Lois."

Matapos kausapin ni agent Samson ay dumiretso kaagad ako sa apartment para planuhing mabuti ang gagawing pag-kidnapp sa prinsesa.

Paano ko nga ba magagawang sirain ang masaya at planadong birthday party niya?

Para naman ako walang-puso kung hahadlangan ko ang isa sa mga pinakahihintay niyang araw, lalo na't kitang-kita ko kung gaano siya ka-excited habang inaabot sa 'kin ang birthday invitation niya. Kung pwede ko lang sana patigilin ang oras para hindi makagawa ng kasalanan sa kanya ay kanina ko pa ginawa.

Ito na nga siguro ang pinaka-pala-isipang araw para sa 'kin. Ang araw na sana ay kasama ko ang buong pamilya at mga kaibigan habang masayang nagsasalo-salo sa handa at nagkakantahan sa bahay. Kaso, wala nga pala ako ng lahat ng mga iyon. Wala akong pamilya, kaibigan at bahay. Walang-silbi ang buhay ko. Walang dahilan para maging espesyal ang araw na 'to dahil ako lang naman ang nakaka-alalang birthday ko ngayon.

Bagamat naguguluhan parin sa gagawing desisyon ay inayos ko na ang mga gagamitin at kaagad na nagpasyang pumunta sa terminal ng jeep. Pero hindi pa man ako nakaka-alis sa tinutuluyang apartment ay ang landlady'ng si aling Bebang ang bumungad para manghingi ng cash advance sa renta. Nagbigay nalamang ako para matahimik na ito at para hindi na humaba pa ang diskusyon sa pagitan namin.

Pagkarating sa terminal ng jeep ay nakita ko na naman doon si Shiorone. Nakatulala ito't malalim ang iniisip na tila may hinihintay na kung sino. Susubukan ko sanang basahin ang mga nasa isip nito gamit ang Eye scanner ngunit naka-side view ito at wala kaming maayos na eye contact. Ilang sandali pa'y isang mamahaling kotse ang huminto sa tabi nito. Sumakay ito doon ngunit hindi sila umalis. Aalamin ko sana kung ano ang ginagawa nila sa loob at tungkol saan ang pagkikita nilang iyon, kung hindi lamang dumating si agent Doreen sakay ng taxi.

"Tara!" Paanyanya pa niya mula sa loob ng taxi, kaya wala narin ako nagawa kundi ang sumakay at sumama sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Naitanong ko nalamang.

"Sa headquarters."

"P-pero wala pa 'ko naiisip na plano."

"Well, kami mayroon na." Sabi pa niya saka inabot sa 'kin ang dalawang ticket ng ride all you can sa Fantasy Land. "Birthday gift na daw 'yan sa inyo ni tita Natalya."

Napa-ismid naman ako. "Ang akala ko nakalimutan nya na."

"Posible ba 'yon, e ikaw ang pinakaborito nyang agent? Don't worry, may pa-cake pa siya para sa inyo mamaya." Pagkasabi'y nagpakawala siya ng malalim na buntong-hinga saka ibinaling ang tingin sa kalsada. "Basta i-sure mo lang ang accomplishment ng mission mo ngayong araw. Siguraduhin mo na magiging malinis ang lahat dahil mayayari ka talaga sa buong Immortals kapag nalaman nilang ikaw ang nasa likod nito. Got it?"

Napatango nalamang ako.

Alam ko naman ang consequences ng bawat misyon ko sa A3 kaya nga dobleng pag-iingat ang ginagawa ko, huwag lang may maka-alam sa tunay kong pagkatao. Ipinagpapasalamat ko nalamang na wala akong maalala sa mga nakaraan ko dahil kung nagkataon ay baka magdalang-isip lamang ako sa mga tatanggaping misyon. Bagamat hindi ko kilala ang tunay na mga magulang ko at kung sino talaga ako, ay darating din ang tamang panahon para makilala sila at para sarili ko naman ang atupagin ko. Sa ngayon ay kailangan ko munang mahanap ang Emerald at pigilan ang party ng prinsesa.

"For now, ililibre nalang kita ng pamasahe sa taxi. Isipin mo nalang na regalo ko na 'yon sa 'yo."

"Nagpapatawa ka ba?"

"Mukha ba 'kong nagbibiro? Edi sana um-outfit manlang ako nang pang-clown. Tignan mo nga o, nakasuot pa 'ko ng pantulog! Ganyan ka kasi ka-special sa 'min kaya kahit wala pang toothbrush-toothbrush ay pinuntahan na kaagad kita."

"Wow, nahiya naman ako sa sinabi mo!"

"Aba dapat ka lang mahiya! Tignan mo nga 'yang suot mo, birthday na birthday mo pero hindi ka manlang nagbihis ng matino. Daig mo pa yata ang nagluluksa sa pagsusuot ng all in black!"

"Ki-kidnapp-pin ko lang naman ang prinsesa, dapat ba nag-tuxedo manlang ako?"

"Medyo funny karin. Sige ka, baka maniwala sa 'tin si manong driver!" Natawa nalamang si Doreen sa mga sinabi ko at naramdaman ko pa ang ginawa niyang pagtapak sa paa ko para patihimikin sa pagiging makwento. "Ewan ko ba naman kasi kung bakit napaka-bitter ni tita Natalya! Kung una palang ay sinabi na niyang ayaw nya matuloy ang birthday party ni Lois, edi sana hindi nakapag-book ng flight ang parents ko pabalik ng Manila. For sure, manggagala-iti na naman si mommy sa galit, bukas!"

Ang akala ko ba, ayaw mo 'ko maging makwento?

"In fairness pala sa kapit-bahay mo, ang lakas maka-rich kid nung Ferrari n'ya ha." Pag-iiba nalamang niya sa topic nang mapansin ang pag-sulyap ng taxi driver sa front view mirror.

"Kung ganon, nakita mo rin pala 'yon." Napabuntong-hininga nalamang ako.

"Sayang nga lang kasi tinted 'yong kotse. Hindi ko tuloy namukhaan kung sino ang nasa loob."

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon