Welcome back to Manila!

145 11 5
                                    

SAMMARA KELLY POV

"Nakakainis naman kasi si kuya, dito pa sa airport inabutan ng llamada de la naturaleza. Pwede naman sa chopper or sa bahay na lang. Kebarbaridad!"

"Sammara, huwag mo na masyadong i-stress 'yang sarili mo. Baka atakihin ka na naman nang wala sa oras niyan," paalala ng kasama kong nurse. "Mabuti pa, humanap na lang tayo ng mauupuan mo.

Kalalapag lamang ng private Chopper na sinakyan namin at ngayon nga'y nasa Departure Area ako kasama ang sampung maskuladong body guard, tig-dalawang licensed nurse at personal yaya na hi-nire ni daddy. Kaya naman obvious na obvious ang pagiging VIP ko sa NAIA. Matapos po kasi ang labing-limang taong medical treatment ko sa Spain ay uuwi na 'ko sa Philippines para mag-aral. Off course, my parents wants to give me a memorable high school life, also.

"Señiorita, nakakita na 'ko ng mauupuan mo," mayamaya'y sabi ng isa sa mga bodyguard na kasama ko. Inakay ako nito pupunta sa upuang tinutukoy. Nakarating kami sa waiting area na malapit sa side ng bintana kung saan may lalake nang umupo.

"Naku! Señiorita, naunahan n'ya tayo!"

"Hahanap na lang ako ng iba mong mauupuan," pagpepresinta naman ng isa.

"Ok lang," nakangiti kong sabi saka lumakad papalapit sa Waiting area.

"Excuse me, pwedeng maki-share ng upuan?" tanong ko sa lalake. Nakatuon ang atensyon nito sa binabasang libro habang naka-salpak sa tainga ang headphone. Kaya malamang na hindi talaga ako nito mapapansin. Sinubukan kong kilatisin ang mukha nito kaso nakasuot ito ng shade at cap. Ang tanging nakikita ko lang ay ang matangos nitong ilong at ang namumulang manipis na labi.

"Excuse me, pwedeng maki-upo?" tanong naman ni Yaya. Namalayan ko na lang na umaakto ito para alisin sa tainga ng lalaki ang suot na headphone. "Excuse me?"

"Sumimasen?!" nakakunot-noo munang bumaling ng tingin ang lalake bago tumayo at mabilis na lumakad papalayo sa 'min.

"Hala! Naistorbo yata natin s'ya," komento ko.

"Hayaan mo na, hindi naman sya VIP," sabi pa ni yaya.

I was about to sit when a Passport caught my attention. Kinuha ko iyon at inabot sa isa sa mga bodyguard ko. "Kuya, pakibalik po nito sa lalake. Naiwan. For sure, kakailanganin n'ya 'to."

Mabilis naman itong sumunod.

"Hindi nya naman kailangang umalis. Hihingin ko lang ang permiso niya para makiupo sa tabi nya. Hay, ako pa tuloy nagmukhang masama," I sobs.

"Ang lalim n'yan ha!"

"Uy princess ikaw na pala iyan!" dali-dali akong tumayo para salubungin siya nang yakap at beso. "Co mo ésta?" umakto ako nang pangingilatis sa suot niyang jeans at blouse na tinernuhan ng estileto hills at sling bag na all out sponsored by Maricar's. "OMG princess! Parecías simple pero aún preciosa!"

"Naku Sammara, tigilan mo na nga 'ko kaka-spanish mo at sa katatawag ng princess-thingy na 'yan! Matagal na 'kong block listed sa palasyo ng London kaya pwede bang kalimutan mo na lang na nagkaroon ka ng pinsang prinsesa. Besides, isa na 'kong Forbes ngayon!"

Napanguso naman ako. "Well, well, well, Eh, 'di ikaw na ang successor! So, what brings you here ba kasi? Ang akala ko ba sa June pa ang flight mo? And anyway, nasaan ang mga bodyguard mo? Don't tell me hindi ka nila susunduin papunta sa headquarters."

"Napakarami mo naman tanong! One question at a time lang pwede? Heto, oh! Chocolate drink, inumin mo para chill!" pagkasabi'y inabot niya sa 'kin ang bottled drink na may label ng gwapong endorser.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon