GARRY POV
Engrandeng preperasyon ang ginawa sa Function hall ng Celina's Restaurant bilang paghahanda sa confession na gagawin ni Clarck. Palibhasa pagmamay-ari ng pamilya nito ang restaurant kaya ganun kadali para dito na magamit ang koneksyon ng pamilya para makapag-organise ng rush hour na event.
"Kuya, ano bang ginagawa natin dito?" Bulong ni Sammara sa katabing si Neightan. Nakasuot lamang siya ng bulaklaking bestida at naka-headband kagaya ng nakasanayan. Walang kahit na anong make up na nakalagay sa mukha niya maliban sa lipgloss. Samantalang naka-suot naman ng kulay green na V-neck si Neightan na tinernuhan ng walking short at rubbershoes. Sa harap nila ay naroon si ma'am Celina na tila tumakas lamang mula sa kitchen dahil naka-suot pa ito ng apron at qatouqe. "A, e, ninang, a-ano po bang meron?" Tanong pa niya rito.
"Ewan ko nga ba kay princess Lois." Kibit-balikat namang sagot nito. "Basta n'ya lang ako tinawagan para pumunta dito, dahil mayroon daw syang Big Announcement."
"Tungkol saan naman po kaya 'yon?" Walang energy pang napa-hikab si Sammara. Ibinaling nalamang niya ang tingin sa cellphone upang aliwin ang sarili sa paglalaro ng Space impact.
Doon naman nagsimulang tumugtog ang bandang na nasa stage. Tinugtog ng mga ito ang chords ng With a Smile kasabay ang paglabas ng slideshow sa whitescreen kung saan puro pictures ni Sammara ang ipinapakita.
"Naku, iha, ang ganda-ganda mo talaga kahit anong angle!" Komento pa ni ma'am Celina na hindi manlang inaalis ang tingin sa whitescreen.
"S-salamat po sa complement." Nasabi nalamang ni Sammara. "Actually clueless po talaga ako sa nangyayari ngayon." Sabi pa niya na abala pa rin sa paglalaro. Hindi manlang niya tinitignan ang whitescreen.
"Ang korny!" Komento naman ni Neightan. Bagamat pabulong lamang ang pagkakasabi nito ay narinig ko parin iyon dahil sa Hearing Device na naka-kabit sa tainga ko.
Kung saan-saan ko pa ibinaling ang tingin at mas lalo ko rin tinalasan ang pandinig subalit ni-isang bakas ni Clarck ay hindi ko manlang masagap. Nasaan na nga ba sina Clarck at Maureen? Ang akala ko ba si princess Lois ang kasama ni Sammara? Saka, ano nga bang ginagawa rito nila Neightan at ma'am Celina? Sa dami ng katanungang bumabagabag sa 'kin ngayon ay hindi ko manlang namalayang tapos na pala ang kanta.
"Kuya matagal pa ba?" Naghihikab habang kinukusot ni Sammara ang magkabilang mata. Itinigil na rin niya ang pagse-cellphone. "Inaantok na 'ko." Sabi pa niya.
"6 o'clock palang iha, inaantok ka na?" Pagtataka naman ni ma'am Celina.
"Mabilis kasi s'yang dalawin ng antok kapag mga ganitong oras." Naka-ismid namang sagot ni Neightan. "Isa rin kasi 'yon sa side effect ng gamot na iniinom niya." Paliwanag pa nito.
Napatango naman si ma'am Celina. "I see."
"Please excuse myself, for a while. Pupunta lang po ako sa CR." Paalam nalamang ni Sammara bago tuluyang tumayo sa kinauupuan. Iniwan niya ang cellphone sa lamesa.
"O sya, babalik na rin ako sa kitchen." Giit naman ni ma'am Celina. "Ipatawag nyo nalang ako kapag dumating na si princess Lois." Sabi pa nito sa 'min bago tuluyang lumabas sa Function Hall.
Naiwang mag-isa si Neightan. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang labis na kasiyahan dahil sa pag-ayon ng lahat sa plano.
Napa-iling nalamang ako.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...