Secret Savior

40 6 0
                                    

GARRY POV

"How irresponsible agent that you are, Garry?" Bungad ni Dr. Neil pagkapasok na pagkapasok ko palamang sa laboratoryo ng A3. Sa sobrang init ng ulo nito ay pati test tubes mula sa test tube rack na hawak nito'y gusto na rin sumabog.  "Iniisip mo bang kaya ka namin nilagay sa misyon na 'yan para lang mag-buhay rich kid sa Camp Bridge? Kung ganon, maling-mali si Natalya sa ginawang pagpili sa 'yo."

"D-Doc, h-hindi ko po maintindihan. Anong kapalpakan po ba ang nagawa ko?"

"Denying!" Malutong na sagot nito kaya tuluyan na ngang nabasag ang test tube.

"It's been one month." Giit ng isang babae na nagmula sa operating machine. Tinanggal nito ang radiation mask kaya lumantad ang isang pamilyar na mukha. Lumakad ito papalapit sa 'kin. "Until now hindi mo parin nalalapitan ang prinsesa. Napakabagal mo talaga!"

"I-ikaw si—"

"I'm Doreen Lincoln from section 1, your partner." Napa-ismid ito saka inayos ang pagkakalagay ng salamin sa mata. "I'm always watching you. It's just that, you didn't notice my presence."

"Enough for that." Sabat ni Dr. Neil.

Ilang sandali pa ay si Agent Samson naman ang sunod na sumulpot. Bumaba siya mula sa transparent cubicle. "I brought you guys an invitation." Kinuha niya ang kulay pulang capsule at marahan iyong pinisil kung saan lumabas ang makakapal na usok hanggang mapunta sa mga kamay niya ang isang envelope. "This invitation is given me by Louisa." Ngumiti siya. "Garry, I command you to come." Pagkasabi'y inabot niya sa 'kin ang sobre.

"Engagedment party para sa prinsesa?" Naibulaslas ko. "P-pero, paano sya ie-engage e kasalukuyan pa rin nawawala ang engagement ring ni Chairman Forbes."

"Kaya nga minamadali ni Louisa ang paghahanap. Pero makita man iyon o hindi ay matutuloy parin ang engagement."

"Is that one of the nonesene topic during the PTA Meeting earlier?" Naka-taas ang isang kilay na tanong ni Doreen.

"Hindi." Matipid niyang sagot.

Napa-ismid naman si Dr. Neil.

"In-announce nya ito matapos magpatawag ng biglaang Board Meeting sa I.G. Corporation kanina."

"I.G. Corporation?" Pagtataka ko naman.

"It stands for, Immortal Group of Corporations." Paliwanag ni Doreen. "Ano naman ang napag-meeting-ngan? Hindi ba nagmukhang katawa-tawa ang mommy ko sa pagsususot ng long gown? At sa out of the box na mga proposal?"

"Gusto mo ba talagang malaman, o gusto mo lang rin matawa?" Pagbabalik ni Agent Samson sa tanong.

Hindi ko ma-gets ang naging takbo nang usapan nila. Pero hindi ko rin naman ine-expect na isa rin pala sa mga agents ng A3 ang dead kid ng section 1 na si Doreen Lincoln...

Pasado alas-dose na ng madaling araw nang umalis ako sa Agency. Wala pa sa plano ko ang umuwi sa dormitoryo kaya naisipan kong dumaan muna sa pinakamalapit na bar, ang NS Bar. Pagkarating doon ay umupo ako sa counter's area at um-order ng napakaraming inumin. Mula sa kinauupuan ay hindi ko naman inaasahang makita na nandito rin pala ang prinsesa. Halos lasing na lasing na siya pero patuloy pa rin siya nang pakikipag-sayaw. Wala siyang ibang kasama maliban sa pinsang si Neigthan na abalang nambababae sa di-kalayuan. Nagdaan pa ang mga oras, nanatili akong nakasubaybay sa prinsesa at hindi winaglit ni-isa mang tingin. Kaya't nang mapansing papaalis na siya ay nagmadali akong tumayo para sumunod. Lupaypay na lupaypay siya nang salubungin ang isang hindi kilalang lalake. Sinundan ko sila magpahanggang sa labas ng bar kung saan grupo ng limang kalalakihan ang sumundo sa kanila. Inilagay ng mga ito ang prinsesa sa van. Nag-usap-usap muna sila bago nagsisakay sa kani-kanilang sasakyan... Kaya naman bago tuluyang sumarado ang van ay naglakas-loob akong lumapit at binungaran nang suntok ang isa.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon