SAMMARA KELLY POV
Matapos ang mga nangyari sa Piano Tournament ay hindi na kami nagkaroon ng Christmas party or kahit na anong exchange gift. Ngayon nga'y mag-iisang linggo na 'kong nakakulong sa bahay. Ayokong gumala o lumabas ng kwarto basta maghapon lamang ako humihiga sa kama at dinadalhan nang makakain. Ayokong tumanggap ng kahit na sinong bisita o makita kahit sino. Sound proof ang bawat kwarto sa mansion kaya magpatugtog man ako ng malakas at umiyak magdamag ay walang ibang makakarinig.
Ang akala ko kasi non, pinakamahirap na ang pagkakaroon ng literal na sakit sa puso pero iba pala kapag mismong puso ko na ang masakit. Iyon bang kada-oras ay gusto nitong sumabog sa sobrang sakit. Kulang na nga lang madurog ito gawa nang kahinaan... Said na said na ang mga luha ko sa kakaiyak na parang hindi ko na yata mabilang kung ilang balde ng luha na ang naibuhos ko. Daig ko pa yata ang pinulikat sa kalagitnaan ng malawak na karagatan sa sobrang pamamanhid ng katawan dulot ng pagod. Pagod na pagod na kasi ako. Pagod na 'kong umiyak. Pagod na 'kong magmukmok. Pagod na 'kong umasa. Pagod na 'kong masaktan. Gustuhin ko mang bumangon pero paulit-ulit lang ang nangyayari. Tuwing babangon ako para harapin ang bagong bukas, lagi naman ako pinanghihinaan. Walang ibang sumasalubong sa 'kin sa pintuan kundi ang mga ala-ala ni Clarck.
Bakit kasi ganon? Ganon ba 'ko kabilis pagsawaan para palitan niya ng ganon kadali sa puso nya? Ang akala ko ba, pareho kami nang nararamdaman? Ang akala ko ba kumukuha lang sya ng tyempo? Akala ko ba posibleng maging kami? Bakit ganon? Bakit may bago na sya?
"Hoy, Kelly! Magnu-new year na. Ano 'to, magmumukmok ka nalang buong taon?" Narinig kong sabi ni kuya mula sa megaphone na nakakabit sa bawat sulok ng mansion. Iyon 'yong alarm clock na ginagamit namin tuwing pumapasok sa school o kaya tuwing may announcement si daddy, kaya malamang ay naririnig iyon sa kabuuan ng mansion at inis na inis na sila sa 'kin. Magne-new year na pala. Ultimo pasko ay nakaligtaan ko.
Kumusta na kaya si Clarck? Magaling na kaya 'yong mga injury n'ya? Saan kaya siya nagpasko? Masaya kaya sya? Hay naku, Sammara nababaliw ka na!
Pabagsak uli akong bumalik sa kama at tulirong nilibot nang tingin ang kabuuan ng kwarto ko. Maganda. Maganda talaga. Wala ako masabi sa sobrang perfect nang pagkaka-layout ng interior designer. Sabagay, Yamamoto Holdings ba naman ang trumabaho mapaloob at labas nitong mansion.
Hayst. Napabuntong-hininga nalamang ako.
Sinubukan kong ituon sa ibang bagay ang mga mata para pansamantalang makalimutan ang pag-iisip kay Clarck. Hanggang sa mahagip nga ng mga mata ko ang malaking portrait ng family picture namin na nakasabit sa pader. It was taken, 10 years ago.
Kung tutuusin ay napaka-swerte ko sa pagkakaroon ng kumpleto't successful na pamilya. Kahit na minsan ay hindi ako nakaranas magutom o maghirap dahil kaagad na napupunan ng pera ni daddy ang mga pangangailangan namin. Maswerte ako kasi may pera si dad pambili ng gamot ko, pang-comfine sa 'kin sa hospital at pang-under go ng mga medical treatment ko. Maswerte ako kasi nagkaroon ako ng doctor na daddy. Kung nagkataon ay baka namatay nalang ako gawa ng sakit ko. Napaka-swerte ko talaga dahil si Dr. Kalle Watsons ang daddy ko.
Samantalang, bigla namang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Mr. Kentarou Yamamoto na kamukha ko raw ang mommy ko. Kung tutuusin ay pangalawa na ito sa mga nagsabi non pero kahit na anong pilit kong hanapin ang anggulo ng pagiging magkamuha namin ni mommy ay hindi ko talaga makita. Hindi ko masabi kung kamukha ko ba ito o si dad dahil halos lahat ng itsura nila ay nakuha ni kuya. Kumbaga, ang mukha't pangangatawan ni kuya Neightan ay ang bunga ng pinagsamang genes nila mom and dad. Minsan nga, naiisip ko na baka ampon lang ako. Dahil unang-una, sobrang lapad ng noo ko samantalang sila naman ay hindi. Pangalawa, kulay blue ang mga mata ko pero sila ay kulay green. At pangatlo, wala naman sa family history ng mga Watsons o ng Bettencourt ang pagkakaroon ng Pulmonary Heart Disease kaya paano ako nagkaroon nito? Lalo tuloy ako natuliro sa mga dumagdag na isipin.
Bahagya nalamang ako tumagilid sa kama at ibinaling ang tingin papunta sa closet kung saan sliding mirror door ang nagsisilbing division nito sa kawarto ko. Nag-reflect doon ang buhaghag kong buhok, namumugtong mga mata, nangangayayat na katawan at namumutlang balat. Hindi ko ma-take na makita ang itsura ko sa ganito kalunos-lunos na kalagayan. Para akong hindi nagsuklay, naligo, natulog, kumain at nasikatan ng araw ng ilang taon. Daig ko pa yata ang pinagkaitan ng kapalaran.
Kaya naman dali-dali akong bumangon sa kama at naghalungkat sa drawer, cabinet at closet ng mga gamit na related kay Clarck. This time, desidido na 'kong itapon ang mga 'yon. Kakalimutan ko na sya, or maybe, baka mas makatulong kung bumalik nalang ako sa Spain. Kung anu-ano na namang mga plano ang nagti-trigger sa isip ko, kaya habang naghahalungkat sa side table drawer ay isang passport ang nakapa ko. Kinuha ko iyon at binuklat.
Ito 'yong, passport ni Kentaki.
Naalala ko ang senaryo sa airport kung saan ko napulot ang passport na 'to at ang una naming pagkikita ni Kentaki. Ilang beses ko rin tinangkang ibalik ito, kaso palaging wrong timing. Hanggang sa nag-decide ako na huwag nalamang ibalik dahil tama naman ang sinabi ni Lois na marami itong access at magagawa nitong malibot sa buong Metro Manila na hindi nangangailangan ng passport. Ang akala ko nga, tinapon ko na 'to. Pero, nandito pa pala. Hindi ko alam kung naaalala pa ba ni Kentaki ang senaryong 'yon sa airport dahil mukhang hindi naman ako nito nakilala at never namin' napag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon.
Kumusta na kaya s'ya? Ok lang kaya sila ni Maureen?
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...