SAMMARA KELLY POV
"Gosh, nandyan na 'yong daddy ko!" Halos magtatatalon sa kaba si Rick Lee pagkakita kay mayor Tiamzon.
Narito kami ngayon sa backstage na hindi halos mapakali sa kaba. It was our first time to perform here at hindi biro ang mga invited na judges specially our parents na isa sa mga VIP guest. Sa auditorium ng Camp Bridge gaganapin ang Piano Tournament at kagaya ng inaasahan ay magkakasabay na dumalo ang Board of Chairmans.
"Please, hwag na hwag nyo 'kong ibubuking kay Dad. Hindi pa 'ko handang mag-surrender!" Wari'y namimilipit ito sa tabi ng mga props.
"Excuse me," Giit ng isa sa mga organizer na umagaw sa 'ming atensyon. "Get ready. In 10 minutes magsisimula na ang competition." Reminder nito.
"Well, alam na naman natin kung sino ang mananalo sa tournament." Sabat naman ng isang common student. Naka-pamaywang itong lumapit sa 'min.
"Then, you are?" Tanong ni kuya Neightan.
"Nakakalungkot naman, hindi nyo 'ko kilala. Anyway, let me introduce myself. I am Cindy Bolton, the daughter of the Vice Principal."
"Then?" Nang-iinis na sabat ni Brayan.
"Well, pumunta lang naman ako para sabihing hindi mananalo ang representative nyo dahil section namin ang mananalo!" Pagkasabi'y nang-irap muna ito bago kami talikura't iwan.
"Anong section non?" Tanong ni Lois.
"Section 2." Sagot naman ni Doreen. "Bakit princess? Ano plano mong gawin?"
"Gusto ko lang malaman." Tinatamad na sagot nito. "Para kasing hindi taga-Camp Bridge kung umasta. Daig pa yata nasa public school!"
"Mas hard 'yon, ha!" Komento ko naman.
Magmula nang matapos ang sembreak ay parang hindi parin bumabalik ang saya sa mukha ni Lois. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil hindi pa naman kami nakakapag-usap ng sarilinan.
"Sorry guys, na-late ako!" Hinihingal na lumapit sa 'min si Maureen.
"Oh, nasan si Kentaki?"
"A, e, kausap yung mommy nya. Susunod nalang s'ya mamaya."
Ilang sandali pa ay nagsimula na nga ang Piano tournament. Ayon sa program ay nagsimula iyon sa Doxology, na sinundan ng National Anthem at ng Camp Bridge Hymn. Matapos non ay in-introduce ng host na sina Rick Lee at Chloe ang mga judge.
"Let me introduce to you the panel of judges, to be led by alumni heartthrob and former General of London, the Chairman of Amazon Publishing, Mr. Marshall Ortega!" Tumutok kay tito Marshall ang spotlight.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ito ng personal dahil palagi itong wala sa bahay nila tuwing pumapasyal ako. And based on my observation, mas malaki ang pagkakahawig dito ni Clarck compare to his mom— ninang Celina. Sa paraan palang kung paano ito tumayo, lumakad, ngumiti at magsalita ay gayang-gaya ni Clarck. Parehas na bilugan ang mga mata nila, may magandang hugis ng ilong, manipis na labi at pahabang mukha.
"Followed by our very own alma-matter, ang tinaguriang dance floor heartthrob noong kapanahunan niya at ngayon nga'y kasalukuyan city mayor ng Manila. Please welcome, my dad, Mayor Leslee "LT" Tiamzon— the Chairman of Globe Telecommunications!" Proud na pagpapakilala ni Rick Lee sa daddy niya.
"Bukod d'yan pinsan, isa rin sa ating butihing judges ang pinakamagandang alumni nang 1987, mawawala ba naman ang Chairwoman ng Apple Corporation?" Dagdag ni Chloe.
"O, talaga? Parang hindi ako na-inform ha." Pang-o-okray ni Rick Lee ayon sa script. "Anyway, ipakilala mo na nga sya sa 'min."
At ipinakilala na nga si Chairwoman Natalya Samson. Masasabi ko na sobrang ganda talaga nitong mommy ni Kentaki. Iyong bang kahit nakasuot ito ng eyeglasses ay hindi parin nagmumukhang nerd dahil mas nangingibabaw ang plakado nitong kilay, mga pumipilantik na pilik-mata, namumulang manipis na labi, at ang dimple sa kanang pisngi. Very attractive rin ang balinkinitan nitong katawan kahit pa napakasimple lamang nang suot na royal overall leather suit at stelleto boots. Kaya naman mas lalo iyong na-emphasize dahil sa pagkaka-ipit ng mahabang straight na color ash grey na buhok. Ganitong-ganito rin ang outfit nito noong unang beses kong nakita sa elevator.
"Sus! Katawan lang maganda pero puro naman concealer ang mukha! Sagana sa injections!" Komento na naman nung Cindy.
"Ano bang problema mo sa section namin ha?" Naghahamon na tanong ni Lois.
"Excuse me?"
"Kanina ka pa e! Ano bang gusto mong mangyari? Naghahanap ka ba ng away?"
"Teka, princess, chill ka lang!" Awat ni Brayan.
"Naiirita na 'ko e!"
Bigla namang pumagitna si Garry.
"Ako na ang humihingi ng pasensya para sa ginawa ng classmate ko." Dispensa nito.
"Hoy Garry! Wala akong atraso sa mga 'yan! Huwag ka ngang mag-sorry sa kanila!"
Napa-ismid naman si Lois. "So dense!" Pagkasabi'y naglakad ito papalabas.
"Uy cous', sa'n ka pupunta?" Habol ko.
"Magpapalamig!"
"Oh, princess Lois, kadarating ko palang aalis ka na?" Bungad ng hindi ine-expect na bibisita sa backstage.
Wari'y hindi iyon napansin ni Lois dahil nagpatuloy lamang ito sa paglalakad.
"Ate, anong ginagawa mo rito?" Tanong naman ni Brayan sa dumating. Lumapit siya dito. "Bawal ang VIP guest sa backstage."
"Sorry pero hindi lang ako basta guest. Isa rin ako sa mga sponsors nyo, remember?"
So, ito ang ate ni Brayan?
Infairness, maganda 'to at fashionable manamit. Color blond ang wave ng buhok nito at may color blue'ng singkit na mga mata. Hindi ito maputi dahil sa morenang kulay ngunit mukhang mas matino't disente kumpara kay Brayan. Iyon nga lang, hindi ko masabi kung ano nga ba ang nationality nito.
"Gusto ko lang i-check kung bagay ba sa inyo 'yong mga costume bago kayo umakyat sa stage. Masyado kasi namin' ni-rush 'yong designs. Worried lang ako na baka magkaroon ng conflict." Duktong nito.
"No need to worry tita Maricar." Sabat ni Doreen. "Nag-dress rehearsal kami kahapon kaya walang magiging problema."
"Good to hear that." Sagot naman nito.
So her name is Maricar. Maricar Depensor to be exact.
"Am, excuse me, lalabas lang ako para puntahan si Kentaki." Paalam naman ni Maureen.
"Tawagin mo na rin si princess. Mahirap kasi kung kulang-kulang tayo." Utos ni kuya.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...