Eyeglass

17 7 0
                                    

GARRY POV

"Kamusta naman ang bakasyon mo?" Tanong ni Chloe. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad pabalik sa building ng mga firstyear matapos mag-recess sa canteen.

"Ok naman." Matipid kong sagot.

Bukod kasi kay princess Lois ay alam ko na isa rin si Chloe sa mga nahihirapan pagdating sa kasalang ng MC Bridge at Ferrari. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano nya kamahal ang kasintahang si Jerryme at kung paano siya nasasaktan sa tuwing naririnig ang kahit na anong may kinalaman sa engagement nito at ng prinsesa. Nararamdaman kong habang papalapit ng papalapit ay mas lalo lamang nadadagdagan ang sakit na dinadala ng puso niya. Alam ko naman na hindi ako dapat naaapektuhan pagdating sa mga ganitong bagay lalo na nga't narito lamang ako para sa isang misyon. Kahit pa sabihing para sa kaligayahan nila ang lahat nang ginagawa ko ay hindi parin iyon sapat na dahilan upang pagtakpan ang ginawa kong pagsabutahe sa Engagement at Birthday Party ng prinsesa noong November 5.

"Ipinagpapasalamat ko na nga lang na hindi natuloy ang party. Kung nagkataon kasi ay baka tuluyan na 'kong nag-suicide sa sakit." Sabi pa ni Chloe.

Napahinto naman ako sa paglalakad pagkarinig sa mga sinabi niya. "Ganon mo ba talaga kamahal si Jerryme para gawin ang bagay na 'yon?"

"Syempre, ano pang silbi ng buhay ko kung ikakasal na sya? Kahit pa pilitin ko ang parents ko para kami nalang ni Jerryme ang i-engage, ay ano namang laban ng pamilya ko sa Mc bridge?"

"Hindi ba sapat na dahilan ang katotohanang mahal nyo ang isa't isa?"

Bigla naman s'yang humalakhak sa sinabi ko. "Actually, I'm on my way to believing, na rin sana. But there's Cassandra in the picture. Ilang babae man ang ma-involve sa kanya ay balewala lamang hangga't hindi parin siya tuluyang nakaka-move on dito."

"Cassandra?"

"Jerryme's first love, to be exact."

Paano ba 'ko dapat mag-react sa narinig? Dapat ba mag-sorry ako? O kaya naman magkunwari nalamang na walang narinig? Pwede rin siguro mag-advice sa pagbabakasaling makatulong. O baka, change topic nalang.

Hindi ko naman kasi alam na mayroon palang Cassandra sa buhay nila. Malay ko ba kung sino ito. Saka hindi ko pa naman nakikita sa personal maging ang Jerryme Ferrari na pinakapuno't dulo ng lahat. Kaya, paano ako magkakaroon ng ideya pagdating sa bagay na 'to? Mukhang kailangan ko pa talagang doblehin ang pagre-research.

"Ooppps, sorry. Natapon."

Isang malagkit at malamig na kung anong inumin ang naramdaman kong bumuhos sa ulo ko. Nang kapain ko iyon at amoyin ay doon ko na-trace na iyon pala ay Milk tea.

"Cindy, ano nanaman bang pakulo 'to?" Tanong ni Chloe.

Tumingala naman ako sa corridor kung saan nakita ang tinawag niyang Cindy. Kasama pa nito ang ibang mga kaibigan na puro kaklase rin namin. Kaya, hindi na 'ko nagtatakang isa sa kanila ang nakatapon nang bumuhos na Milktea dahil pare-pareho silang may hawak ng tag-iisang cup.

"Magbabanlaw nalang ako sa CR." Sabi ko saka binawi ang tingin sa kanila. Nagsimula narin ako humakbang papuntang CR.

"Garry, isumbong natin sila sa teacher!" Habol naman ni Chloe.

"Di bale nalang. Sanay na 'ko."

Pagkarating ko sa CR ay nadatnan ko doong pinagkakatuwaan nila Joe, Neightan at Brayan ang isang estudyante. Nagtatawanan sila habang nagsisigaw ito nang; Tulong! Palabasin nyo 'ko rito! Mula sa loob ng naka-lock na cubicle. Hindi ko nalamang sila pinansin sa halip ay dumiretso ako sa lababo para hugasan ang malagkit na buhok.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon