First Mission

91 11 5
                                    

GARRY POV

"Nakahanda na 'ko!" ningitian ko ang sariling repleksyon sa harap ng maliit na salamin saka sinuot ang makapal na eyeglasses. Habang inaayos ang kulay itim na blazer ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sino nga ba ang isang Garry Tolentino para makatapak sa sahig ng Camp Bridge? Isa lamang akong pangkaraniwang nilalang. Walang-wala ako kumpara sa kasosyalan ng mga estudyanteng nag-aaral doon. Matapos ang pagmumuni-muni ay nagsimula na 'kong lumakad palabas ng kwarto nang bumulaga sa tapat ng pintuan ang Land lady nitong paupahan, si Aling Bebang.

"MABUTI NAMAN NAABUTAN KITA!" bungad nito sabay pamaywang at sinimulang isa-isahin sa mga daliri ang mga kailangang ipaalala. "Bayaran na naman sa MERALCO, NAWASA, PLDT at renta nitong kwarto. Delayed ka pa nga ng isa, dalawa, tatlo at apat na buwang bayarin, plano mo na namang tumakas! Gusto mo bang paabutin muna ng isang milyon bago ka maka-isip magbayad?"

"Busy lang. 'Wag ka mag-alala, babayaran kita ng buo sa darating na linggo," giit ko habang ikinakandado ang pintuan.

"Hoy! Garry! Apat na buwan ko nang naririnig ang mga pangako mong 'yan. Sa tingin mo maniniwala pa 'ko?"

"Eh, 'di huwag ka maniwala," nakangiti kong saad. "Oh, sya! Male-late na 'ko, eh. Kita na lang po tayo mamaya," pagkasabi'y sinimulan ko nang humakbang palayo.

"Aba'y walang modo ang hampaslupang ito, ha!" sa matinding pagka-irita ng matanda ay walang anu-ano nitong ibinato sa akin ang suot na tsinelas subalit mabilis ko iyong nailagan. Hindi ko na ito nilingon pa at ipinagpatuloy lamang ang paglalakad. "Hoy! Kung hindi mo kayang bayaran ang mababang renta, wala ka rin kakayahang makapagbayad ng mataas na matrikulaaaaa!" magpahanggang sa labas ay rinig na rinig ko parin ang nanggagalaiti nitong sigaw.

Magmula nang mapadpad ako sa Maynila ay ganito na ang mundong aking kinalakihan. Sigawan dito, murahan doon. Bingo rito, inuman doon. At walang katapusang chismisan kahit saan. Nasaksihan ko na rin ang iba't ibang uri ng transaksyon sa lugar naming ito. Kaya sanay na sanay na 'ko pagdating sa ganitong mga senaryo.

Kaya upang mabaling sa iba ang iniisip ay itinuon ko na lang sa kalsada ang tingin kung saan mayroong mag-ama na nakaagaw sa 'king atensyon. Medyo may edad na 'yong tatay samantalang 5 or 6 years old naman 'yung bata. Mukha silang sarap na sarap sa kinakaing ice cream habang naghihintay ng masasakyan sa terminal ng tricycle. Dahil doon ay bigla ko tuloy naalala ang papa ko.

Kahit minsan kaya ay nakasabay ko syang kumain ng ice cream?

Ang totoo kasi n'yan ay wala talaga akong maalala na kahit anong memories na may kinalaman sa kabataan ko. Ultimo pangalan at mukha ng mga magulang ko ay hindi ko maalala. Hindi ko alam kung nagka-amnesia ba ako, na-trauma o sadyang hindi lang talaga ako dumaan sa pagkabata. Hindi ko nga alam kung totoo bang ako si Garry Tolentino dahil nagising na lamang ako isang umaga na 'Garry' ang tinawag sa 'kin ni agent Samson. Matapos no'n, sinanay nya na 'ko para maging isang magaling na A3 undercover agent na walang kahit na anong paliwanag galing sa kanya. Basta ang natatandaan ko lang, paulit-ulit n'yang sinasabi na kailangan kong kamuhian sina Maricar Depensor at ang buong Watsons Medical Group Corporation.

Hanggang ngayo'y narito pa rin ako sa terminal. Elementary pa lamang ay nakakasabay ko na si Shiorone sa terminal na 'to kaya nga noon pa ma'y lihim ko na siyang hinahangaan. Kakaiba sa lahat si Shiorone. Hindi siya katulad ng ibang babae na pansinin dahil sa litaw ang ganda— bagkus, siya yung tipo na exotic animals. Kung ilalarawan ay makapal ang balbon niya sa mukha at ewan nga ba sa sarili kung bakit ko sya nagustuhan. Hindi ko alam kung saang street o baranggay s'ya nakatira basta ang alam ko lang ay sa Manila National High School siya nag-aaral. Habang naghihintay ng masasakyan ay bigla naman akong dinakip ng mga armadong body guards at isinakay sa Limousine.

"Ano ba?! Palabasin nyo nga ako rito! Sino ba kayo?! Saan nyo 'ko dadalhin?!" halos basagin ko na ang bulletproof na sasakyan sa kaka-palag. Ngunit nang magsimulang umandar ang sasakyan ay wala na 'kong nagawa kundi ang manahimik at maupo nang kalmado. Naramdaman kong may katabi ako sa inuupuan kung kaya't dahan-dahan ko itong binalingan nang tingin. "A-agent Tiamzon?"

"Rather as Mayor. We are in public."

"Ihahatid nyo po ba 'ko sa Camp Bridge?" wari ay napailing ako at nag-hand gesture pa. "H-hindi na po kailangan, kaya kong mag-commute."

Napangiti naman ito. "Here," pagkasabi'y inabot nito sa 'kin ang isang maliit na sobre.

Nang buksan ko iyon ay dalawang virtual photos ang lumabas. Una ay ang larawan ng kulay green na singsing. Nagre-reflect ang kinang nito sa hawak kong photopaper.

"$10 billion ang halaga ng Emerald ring na 'yan. Labin-limang taon na iyang nawawala kaya kailangan mong unahan si Loisa Forbes sa paghahanap."

Ayon sa research, ginamit ni Chairman George Forbes ang emarald na singsing noong nag-propose ito ng kasal sa unang asawa. Ngunit nawala iyon kasabay nang pagkamatay ng anak nila. Samantalang si Dra. Louisa Watsons ay ang pangalawang asawa nito. Bagamat hindi nagamit ang Emerald ring noong nag-propose sa kanya ang Chairman ay buong pagmamalaki pa rin niyang inangkin ang karapatan sa nawawalang singsing at naglakas-loob na buksan ang imbestigasyon hinggil sa pagkawala nito.

Bukod sa $10 billion na halaga ng singsing ay hindi ko maintindihan kung anong misteryo ang nakapaloob dito at bakit kailangan ko pang makikipag-unahan ng paghahanap sa totoong may-ari nito? Naghihirap na ba si Agent Samson para hangarin ang gano'n kalaking halaga? Saang exchange point n'ya naman iyon mapapapalitan kung magkakataon? Napailing na lamang ako. Hindi ko maiwasang matawa sa napakababaw na iniisip kahit pa alam ko namang hindi lang ganon kasimple ang misteryong nakapaloob sa singsing. Alam ko rin namang nababasa ni Mayor Tiamzon ang isip ko kaya itinigil ko na ang pag-iisip at itinuon ang atensyon sa pangalawang virtual photo, kung saan isang babae ang nasa larawan.

"She is Princess Eloisa Watsons MC Bridge, the daughter of Crown Prince Henry and Dra. Louisa of Cambridge Palace in London."

"I-isang prinsesa?"

"Makakatulong ang paglapit mo sa kanya para ma-destruct si Dra. Louisa sa paghahanap ng singsing."

Muli kong ibinaling ang tingin sa hawak na virtual photos. Medium close up ang pagkakakuha sa larawan. Maputi ang kutis ng prinsesa at may perpektong pagkakahugis ng mukha. Matangos ang ilong, manipis ang mamula-mulang labi at may nakakapang-akit na berdeng mga mata. Blond at kulot ang buhok niya. Sa ibabaw ng ulo ay nakasuot ang manipis at kumikislap na brilyante sa koronang sumisimbulo sa kanyang pagkatao. Sunod ay ibinalik ko ang tingin kay Mayor. Naka-tingin ito sa 'kin at mukhang pasimpleng binabasa ang mga nasa isip ko.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon