Chapter 15: Piano Competition

21 5 0
                                    

KENTAKI POV

"We're going to bring the success of Kentarou, back here in the Philippines."

"Tag-iisang class representative bawat section. Ang mananalo ay magiging Depending Champion. At sa susunod na taon, magpapa-audition uli tayo ng mga freshmen tapos ang mananalo ay magkakaroon ng chance para kalabanin ang Depending Champion."


Kahit pa, pinagbawalang makihalubilo ang mga mag-aaral sa loob ng Function room ay hinding-hindi ko makakalimutan ang narinig na usapan ng mga magulang namin noong ginanap ang PTA meeting. Lalo na nga kung paano sila nagpayabangan sa isa't isa.

Ngayon nga'y dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Batid kong bawat isa ay pinaghandaang maigi ang pagsapit ng araw na 'to. Lalong-lalo si Clarck na siyang class representative ng section 1. Kaya naman, todo ang suportang binibigay sa kanya ng buong section namin. Pero wala manlang sila kaalam-alam, na kabilang rin ako sa mga lalaban.

"Kahit pa isang buong section ang taga-suporta ng mga makakalaban ko, balewala 'yon kasi alam kong akin ka." Ningitian ko si Maureen saka niyakap sa tagiliran. Nasa loob lamang kami ng sasakyan niya na nakaparada sa parking lot ng Camp Bridge.

"Nasa back stage lang ako. Susuportahan kita." Sagot naman niya saka gumanti ng mas mahigpit na yakap.

Bababa na sana ako sa sasakyan ngunit napahinto ako pagkakita sa magkakasunod na mamahaling sasakyang sabay-sabay na dumating at pumarada sa parking lot.

"Wow, mukhang may big time!" Sabi ni Maureen. "Let me guess, Board of Chairmans 'yan."

Napa-ismid ako.

"OMG! It's not something like that!" Nanlaki ang mga mata ni Maureen sa sunod na nakita kaya binaling ko ang tingin sa direksyon ng mata niya at kitang-kita ko ang pagbaba sa sasakyan ni Kentarou Yamamoto, escort si Maricar.

"Are you guys, ready?" Tanong ni Mayor Tiamzon sa mga kasama.

"Yes, we are." Nakangiti namang sagot ni Maricar saka umagkla sa braso ng escort nito.

"So, shall we go?" Pag-aaya pa ni tito Marck. "Excited na 'ko makita mag-perform ang anak ko!"

"Kahit sino naman e!" Sagot pa ng mommy ni Maureen. "But take note, bawal maging bias. Judge wisely."


"B-Babe," Bulong ni Maureen habang nakatingin sa 'kin. Naramdaman ko nalang na mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon