Third wheel

19 7 2
                                    

LOIS POV

Para maisakatuparan ang plano ay nakipagtulungan ako kay Neightan nang hindi ini-inform si Maureen. Syempre, I want to decide on my own rin naman. Saka sigurado naman ako na malaki ang maitutulong ni Neightan pagdating sa bagay na 'to lalo na't kapatid nito ang involved.

Ngayon nga'y narito ako sa Forbes Supermall kasama ang mga bodyguard ko. Dito na ako dumiretso matapos i-instruct kay Neightan ang mga dapat gawin, kaya nga make over with Clarck naman ang ka-carrer-rin ko rito.

"Ang akala ko ba surprise date 'to? E bakit parang alam na alam na ni Clarck ang buong flow ng set up?" Maktol ko matapos sila abutang abala sa pagsusukat ng damit sa botique ni tita Maricar. "Tignan mo nga o, bihis na bihis 'yang manok mo!"

"Chill ka lang girl." Wari'y tinapik pa 'ko ni Maureen sa balikat. "Naisip ko kasi na mas ok kung sasabihin ko na kay Clarck para naman makapag-isip na siya ng mga sasabihin kapag magkaharap na sila ni Sammara. Mahirap kasi kung mai-speechless sya." Paliwanag pa niya.

"Whatever!" Napakibit-balikat nalamang ako saka tinitigan ang suot niyang outfit ni Ms. Kupido. "Ang baduy mo ha!"

"Sigurado ka bang na-inform mo si Sammara ng tama?" Paninigurado naman ni Clarck mula sa tapat ng salamin habang inaayos ng Stylish ang kwelyo ng damit. "Baka naman pinapunta mo sya ng sobrang aga, o kaya, maling address ng restaurant ang tinuro mo sa kanya."

"Don't worry, everything is settled. Ako pa ba?" Buong pagmamalaki ko pa. "Besides, hindi nya naman kailangan ng total make over dahil simplicity is beauty."

"Dapat kasi, hindi ka na sumunod dito." Sabi naman ni Maureen. "Baka mamaya ma-sabotage pa 'yong plano natin nito e."

Ayokong aminin na ipinaubaya ko ang lahat kay Neightan dahil gusto ko rin i-surprise sila sa plano namin. We're actually planning na papuntahin rin kasi both parents nila sa restaurant. For now ay na-confirm ko na ang pagpunta ni tita Celina while si Neightan na ang bahala sa parents nila. Kaya sana lang, mag-work itong plano namin dahil masusuntok ko talaga si Neightan kapag sinabotahe nito ang mga plano ko.

Kaya sa halip na magkwento sa kanila ay itinuon ko nalamang ang atensyon sa hawak na DSLR. Nag-scroll ako ng mga album at nag-delete ng mga blurred shots. Pagdating sa picture nila Maureen at Neightan na nakuhanan ko kanina sa hallway ay hindi ko napigilang magdalawang-isip kung buburahin ko ba iyon o hindi. Para kasing napaka-interesting nang pinag-uusapan nila... Para bang there's something into it... Ilang beses ko rin iyong ni-zoom in and out kaso hindi ko talaga makuha 'yong idea. Kaya naman nag-decide akong i-save muna iyon sa pagbabaka-sakaling magamit pang-blackmail sa kanila, in future.

Matapos mainip nang pagka-kalikot sa DSLR ay muli kong ibinalik ang tingin kay Clarck. Nakasuot na ito ng tuxedo at may hawak pang bouquet ng red roses. Kaya naman hindi ko napigilang matulala dito.

"Wow, prince charming." Nasabi ko nalamang outloud.

"Alam kong gwapo ako, hindi mo na kailangang ma-starstruck ng ganyan." Sambit naman nito.

"Edi sana nagpaka-humble ka manlang." Giit ko pa saka umangkla sa braso nito. "Tara, picture-ran kita!"

"Wait, may kulang pa." Sabat naman ni Maureen na mukhang mayroong na-realize. "Medyo maputla ka. Try mo mag-lipstick." Sabi pa niya saka mabilis na kinuha sa shoulder bag ang make up kit. Inilabas niya ang mga lipstick at namili ng shade na ilalagay. "This one." Kinuha niya ang light pink.

"Hindi ba, para narin kayong naghalikan n'yan?" Komento ko pa para basagin ang slow motion moment na namamagitan sa kanila. Napansin ko kasing nakatulala sa kanya si Clarck habang nilalagyan niya ng lipstick ang labi nito.

"Anong naghalikan 'yang pinagsasabi mo? E, dinadampian ko lang ng lipstick yung lips nya!" Paglilinaw pa niya. "See, pwedeng-pwede na sya umakyat ng ligaw!"

"Thanks Maureen." Wari'y kinagat pa ni Clarck ang ibabang bahagi ng labi para mas lalong mamula.

Napa-iling nalamang ako.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon