Victory

21 6 0
                                    

GARRY POV

Ang totoo kasi n'yan ay hindi ko talaga napaghandaan ang nangyaring komprontasyon sa pagitan namin ng prinsesa kanina. Mabuti nalamang ay nagawa ko pang makapag-isip ng mga idadahilan at isasagot sa kanya. Kung nagkataon ay baka mas lalo lamang siya nagduda tungkol sa tunay kong pagkatao at motibo. Salamat nalamang talaga.

Matapos ang pag-uusap namin sa tapat ng CR ay bumalik na rin ako sa auditorium. Bawat isa sa section 1 ay kanya-kanyang lapit sa kani-kanilang magulang pagkatapos ng Piano tournament. Samantalang nanatili lamang sa isang tabi si princess Lois at kulang nalang ay maglaho gawa ng matinding inggit sa presence ng mga magulang ng classmates niya. Lalapitan ko sana siya para muling kulitin sa pagka-cash advance ngunit bigla namang dumating sina Neigthan at Brayan.

"Oy Lois, bakit nagmumukmok ka dyan?" Puna ni Neigthan.

"Tara, sama ka sa 'min sa NS Bar, magpapa-victory party ang tito Kalle ninyo!" Paanyaya naman ni Brayan.

Ibinaling ko nalamang sa iba ang tingin kung saan ang pag-uusap ng mag-amang Kalle at Sammara ang sunod na umagaw sa 'king atensyon.

"Mabuti pa anak, magpahinga ka nalang sa bahay. Huwag ka nang sumama sa victory party mamaya dahil baka atakihin ka nanaman nyang sakit mo gawa ng pagod." Pag-aalala ni Dr. Watsons kay Sammara.

Napatango naman si Sammara. "Sige dad, mauuna na po ako sa parking lot." Paalis na sana siya ngunit sinalubong siya ni Engr. Kentarou.

"You must be Katrina." Nakangiting bungad nito.

Umiling lamang siya. "I am—"

"She's Sammara." Pumagitna naman sa kanila si Dr. Watsons. "—my daughter."

Wari'y bumaling dito ang tingin ni Engr. Kentarou. "Really? Ang laki nya na ha, Ang ganda pa! Magkamukha sila ng mommy nya."

Magkamukha kami ni mom? Pagtataka naman ni Sammara sa isip niya.

"Magkamukhang-magkamukha talaga." Pagsang-ayon nalamang ni Dr. Watsons. "Pero teka nga, hanggang kailan ka ba dito? Tara, shot muna tayo sa bahay!" Biglaang paanyaya nito.

Wow, inuman session!

"Pass muna pare." Mariin namang pagtanggi ni engineer. "Tinamaan kasi ng Ulcer 'yong bunso ko. Mukhang sumobra sa pagda-diet. Ayon nga't magtatatlong araw nang naka-comfine." Napabuntong-hininga pa ito. "Bukas nga'y kailangan ko na rin bumalik sa Japan para mabantayan. Baka magpa-iwan nalang si Maricar— may business transaction din kasi siyang sinadya rito."

Napatango naman si Dr. Watsons. "Alam ba ni Natalya na mayroong Ulcer ang bunso ninyo?"

"Hindi ko na pinaalam. Ayoko nang mag-alala pa sya. Panigurado naman kasi na ibubuntong nya na naman sa 'kin ang lahat nang paninisi."

Wari'y tinapik ito ni Dr. Watsons sa balikat. "Siya parin ang biological mother ni Niki kaya dapat lamang na malaman niya. Di bale, malakas naman ang pandinig n'yang ex wife mo kaya paniguradong maririnig at maririnig ka parin nya, kahit may kausap pa siya."

"Wag kang mag-alala, kumukuha lang naman ako ng tyempo. Saka, ayoko namang umalis na hindi sila nakakausap."

"Ewan ko ba naman kasi sa inyong dalawa! Daig nyo pa teenagers kung magpataasan ng pride."

Napa-ismid nalamang ang engineer.

"Hello, there!" Bungad naman ni Mr. Marshall Ortega Pagkalapit sa dalawa. Kasama nito ang anak na si Clarck para umaalalay sa paglalakad kahit pa mayroon nang gamit na tungkod. "Saan tayo mamaya?" Cool parin' tanong nito sa kabila ng mga nanlalambot na tuhod.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon