LOIS POV
"Isn't amazing?" Nakatingin ako sa malaking salamin habang suot ang magarang tube top purple traje de boda na dinesenyo ng designer naming si tita Maricar. Para akong baliw habang kinakausap ang sarili as if namang may sasagot sa 'kin pabalik. Narito nga pala ako ngayon sa pinakamataas na clock tower sa palasyo este sa headquarter.
"Princess Lois, nakahanda na po ang agahan." Paalala naman ng serbedora na walang pakundangang pumasok sa 'king private room.
"Don't you know on how to knock? Can't you see, I am imagining in front of this giant mirror while talking to myself and asking who is the most beautiful woman in the world. Kung hindi pa po ba obvious, I am expecting that the answer is me." Laugh out loud.
Isn't Snow White and the Seven Dwarfs?
Ewan nga ba kung bakit hindi ko matutunan fluently ang pag-e-english kahit pa nakatutok naman sa 'kin ang mga professor during class hours. Actually nag-hire pa nga si lola ng private tutor dahil gusto n'yang puro good image lang ang makikita sa 'kin during her legacy. She only allows me to speak in tagalog when we are talking privately. Off course, nakakahiya nga namang iparinig sa iba ang conversation namin dahil sa napakaraming disciples ang gumagalang sa 'min, here in palace. Pero ganun pa man, wala parin makakapigil sa 'kin sa pagsasalita ng tagalog dahil dito ako nasanay.
"Princess Lois, Queen Louisiana says—" Pag-uulit pa ng serbedora.
Kaagad namang nag-sync in sa utak ko ang mga pinagsasasabi nito. "Yeah, I understand. Let me fix this traje de boda in 10 minutes." Giit ko habang nakatitig sa harap ng napaka-laking salamin.
Tumango lamang ang serbedora at umaktong papalabas na ng silid.
"One more thing..." Pahabol ko bago ito tuluyang maka-labas. "Isn't amazing?" I asked na ang tinutukoy ay ang aking suot. I turned counter clockwise mula sa kinatatayuan nito. "Do I look georgouse? Isn't it suited at my perfectly shaped bodies, 34-25-35?" Puro lamang ako tawa habang ine-emphasize ang vital statistics ko.
Dahil doon ay napatango nalamang ang serbedora bilang sagot kahit ang totoo ay napipilitan lamang ito.
Well, sino ba naman kasing hindi mai-impress sa 'king ka-sexy-han? And yet, I am turning 15 year of age palang by this coming 5th day of November. Don't you imagine that? Sa sobrang excitement ay sinukat ko na ka 'gad itong traje de boda for my birthday celebration. Funny, right?
Nagpalit ako ng purple floral dress for a change. Nag-retouch na rin ako at nagplantsa ng under the waist curley blond hair. Syempre nagpa-assist ako sa maids. Ano pang silbi ng pagpapa-sweldo namin sa kanila kung magtsi-tsismisan lang sila, all the way?
As I said, nakalabas ako ng room after 10 minutes and additional 20 minutes ang na-consume bago ko narating ang Greenhouse kung saan naka-set up ang breakfast for today. Napaka-refreshing ng place including those colorful flowers na nakapalibot. Sealed ang bubong ng transparent glass kaya naman safe from sunburn ang skin namin, 'yon nga lang medyo magiging difficult ang pagpo-produce ng glucose gawa nang hindrances sa photosynthesis.
Science? Duh, what am I saying? Am I a Botanist? Brave Lois! Brave!
Anyway may designated schedules naman para sa pag-remove ng seal sa Greenhouse kaya nga nakapagtataka kung bakit hindi pa ito naka-bukas since katirikan naman ang araw sa labas.
Maybe it's because of lola.
Yes, I saw my lola mula sa 'king kinatatayuan. She was sitting in front of a long breakfast table along the Greenhouse. Hindi mahahlata sa itsura niya ang katandaan ng edad dahil narin sa mga iniinom na gamot at mga palamuting nakapalibot sa katawan niya. Heto nga't nakasuot siya ng long back tiger dress, 5" estelleto and brilliant jewelries— sponsored by tita Maricar, our specialist Jeweler, as well. As usual, hindi mawawala ang napaka-kapal na kulay pulang kappa with her shimmering crown which symbolizes her authority. Kitang-kita ang posture niya sa pagkain habang pinagsisilbihan ng tatlong maids.
"ANG PAGPASOK NG MAHAL NA PRINSESA!" Announced by soldier along the entrance hall.
Nagpatuloy lamang si lola sa pagkain kaya agad na akong naupo sa katapat niyang upuan, 5 meters away. Ewan nga ba kung papaano pa kami nagkakarinigan sa kahabaan nitong table.
"Mamaya darating ang mga chef sa resto ni Celina para sa food tasting. Ikaw na ang bahalang pumili ng mga ihahain." Said lola without looking at me.
"Invited ba ang press.?" Naitanong ko nalamang habang nakatingin sa dalawang maid na nagse-serve ng pagkain sa harapan ko.
"I invited representative from I.G Networks."
"T.V. Network from Immortal Group of Corporations? Lucky, huh."
"Off course my dear princess. 10 % of shares rito ay galing sa MC Bridge Corporation, that's why they need to be here. I invited them specially the Board of Chairmans."
"Duh, I know mommy. Hindi sya papayag na pag-fiesta-han ng media ang birthday ko."
"She agreed "
"WHAAAAAT?" Halos mabulunan naman ako sa sinabi n'yang iyon.
"Isasabay na rin sa birthday party mo ang big announcement tungkol sa engagement ninyo ni Jerryme." Napakaseryoso ng tono niya bagamat mukha siyang nagjo-joke, pero hindi ko iyon makita sa emosyon ng mga mata niya.
"Your highness, are you ok?" Naitanong ko nalamang.
Nagulat naman ako nang bigla siyang tumingin sa 'kin straight from the eyes. "As much as posible, pinipigilan kong hindi magalit sa mommy mo." Pagkasabi'y, tumayo si lola sa kinauupuan. Naglakad siya palabas ng Greenhouse na tila pagmamay-ari ang buong hallway habang tahimik namang nakayuko ang mga nakahelerang empleyado.
Naiwan ako sa kinauupuan at makahulugan nalamang siyang pinagmasdan papalayo. I am imagining her eyes and seeing sadness into it.
No, not as just sadness...
Nakita ko na ang mga matang iyon noong namatay si daddy. Ang mga mata na nagnanasang makapaghiganti.
"L-Lola," Naibulong ko nalamang.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...