NEIGHTAN KALLE POV
Matapos ang nakaka-inlove na pesteng performance ni Kentaki ay standing ovation ang naganap sa pangunguna ni Ms. Natalya na tila umakyat pa sa stage para yakapin siya't proud na nagsalita sa microphone upang ipagmalaki sa lahat.
'Di ba, masyadong bias?
Ngayon nga'y kasalukuyang nag-i-speech ang VIP guest na si Engr. Kentarou at sinasabi nito kung gaano ito ka-proud sa mga estudyante ng Camp Bridge at looking forward daw ito sa ilan pang achievements na pwede pang iuwi ng batch namin. Pinasalamatan nito ang mga professor na walang sawa sa pagtuturo at ang mga nakilahok sa kompetisyon. Kung anu-ano pang kabalbalan ang pinagsasabi nito kaya ewan ko nga ba't hindi manlang sumagi sa mala-eleksyong kampanya nito ang pag-acknowledge bilang isang proud na tatay sa talentong pinakita ng anak. Hindi ito nag-point out o nag-reffer ng particular contestant basta lang ito nagbigay ng papuri in a whole. Kaya naman kitang-kita ko kung gaano ka-blangko ang facial expression ni Kentaki noong mga sandaling iyon.
Ngayon nga'y katatapos lamang ng mahaba nitong talumpati kung saan magkasamang dumating sila daddy at Sammara na labis ko namang pinagtaka. Maya-maya rin ay magkasabay na dumating sina Maureen at Lois.
"N-nag-start na ba 'yong awardings?" Tanong ni Maureen.
"Malapit na." Sagot naman ni Doreen
"Bweno, babalik na 'ko sa auditorium. Magkita nalang tayo sa NS para sa victory party mamaya." Sabat naman ni dad. Wari'y tinapik muna nito sa balikat si Sammara bago tuluyang umalis.
Isa si daddy sa mga umakyat ng stage para makipag-shakehands sa mga mananalo ng awards. Naroon rin sina Ms. Maricar at Mrs. Lincoln. Sa huli'y magka-tie up na pinarangalan sila Clarck at Kentaki bilang mga kampyon.
"Wala namang nakapagtataka don!" Hirit na naman ni Cindy. "Biruin mo, magmula host, VIP guests, magpahanggang sa judge kamag-anak ng mga nasa section 1. Kaya anong laban ng ibang section don?" Maktol pa nito. "Napaka-unfair nang nag-organize ng Piano Tournament na 'to!"
"Girl, magaling naman kasi talaga 'yong performance na ginawa nila." Sabat naman nang kabababa lamang sa stage, mula sa pagho-host, na si Chloe.
"Alam mo Chloe, hindi ko alam kung nasa section 2 ka ba or what. Sayang, ikaw pa naman ang Class President namin!" Napapa-iling pang sabi ng isa sa mga kaklase nilang babae. Yung umi-idolo kay Maureen nang pagkahilig sa pagsusuot ng mga weird na damit.
"Uy Neigthan, tara na sa stage!" Giit naman ni Brayan na umagaw sa 'king atensyon. "Problema na ng section 2 'yan! Mamaya nalang natin batiin ng condolence si Joe! Tara, salubungin muna natin sa stage sina Clarck at Kentaki! C' mon man! Magpapa-victory party pa 'yong daddy mo!"
Wala na nga ako nagawa nang hatakin ako ni Brayan paakyat sa stage.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Novela JuvenilSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...