Ang Parents & Teachers Association Meeting ay idaraos sa Function hall ng Camp Bridge kaya naman nagga-gandahang sasakyan ang sunud-sunod na pumarada sa parking lot. Hindi narin halos mabilang ang napakaraming bodyguard na kasamang umi-escort sa mga kilalang tao na a-attend sa PTA Meeting na ito. Palibhasa mga bigatin ang pangalan sa industriya kaya hindi nagpatalbog ang bawat isa sa suot nilang damit at sa dami ng alalay na kasama. Hindi rin naman nagpahuli ang mga teacher.
Sa tapat ng Function Hall ay naroon ang registration table kung saan kailangan munang fill up-an ng magulang o guardian ang pangalan nito at ang pangalan ng a-attend-nang estudyante bago makapasok sa loob. Sa mga nakapasok na sa loob ay iga-gather naman sila ng Ashers at Asherets papunta sa nakareserbang upuan depende kung saang section kabilang ang anak o estudyanteng in-attend-nan nila.
"Akalain nyo nga namang naging magka-kaklase pa ang mga anak natin." Baling ni Mayor Tiamzon sa kaharap na sina Chairwoman Natalya, Dra. Louisa at Dra. Amanda sa table kung saan sila in-assign. Silang apat pa lamang ang present na magulang ng mga nasa section 1.
"Syempre, iyon ang napag-usapan natin noong nag-aaral pa tayo rito. Saka para saan pa ang pagkakaibigan natin kung hindi rin naman natin tutuparin ang salitang iyon." Giit ni Natalya habang nakatuon ang atensyon sa hinihiwang steak.
"Amanda, himala pala ikaw ang um-attend ngayon." Baling pa ni Mayor Tiamzon sa doctora. "Ang akala ko ba, alternate kayo ni Kalle?"
Napa-ismid naman si Amanda. "Kung pwede nga lang na huwag nang um-attend. Paulit-ulit lang naman ang pinagmi-meeting-ngan sa mga PTA Meeting."
"E diba, ginusto mo naman maging asawa si Kalle." Sabat ni Natalya. "Kaya wala kang choice kundi magpaka-nanay sa mga anak nya."
Bahagya naman itong napa-ngiti. "Kaya nga hinding-hindi ko pinagsisisihang nagpakasal ako sa kanya."
"Talaga ba?" Reaksyon ng kadarating lamang na si Maricar. Dito sunod na bumaling ang tingin nila.
"Long time no see, Maricar." Wari'y tumayo si Dra. Louisa sa inuupuan para makipag-beso-beso sa dumating. "Mag-isa ka lang?"
Tumango naman ito. "Mayroong business trip si Kentarou sa Macau kaya hindi nakasama rito. Sayang nga kasi pagkakataon na rin sana iyon para maka-attend sa meeting ng anak n'ya." Sinadya pa nitong bumaling sa direksyon nang kinauupuan ni Natalya. "Kaya heto, a-attend ako para i-attendance ang pangalan ng pasaway kong kapatid na si Brayan. Sayang nga rin at hindi nakapasok kanina dahil sa trangkaso."
"Tinatablan rin pala ng trangkaso ang lahi ng mga Depensor." Sarkastikong komento ni Mayor Tiamzon.
"Aba syempre naman." Ngumiti pa si Maricar. Maya-maya'y lumapit na rin ito sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan at ngayo'y mga magulang na, ng mga kaklase ng kapatid na si Brayan. Naupo ito sa pagitan nina Dra. Louisa at Dra. Amanda.
Si Maricar Depensor Yamamoto ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na Depensor. Ang bunso nila ay si Brayan na halos ka-edaran lamang ng mga anak nila. Samantalang ang panganay naman ay si Atty. Kian na nagmamay-ari ng pinakasikat na Law Firm sa bansa na hanggang ngayon ay wala pa rin asawa. Sa kanilang magkakapatid ay si Maricar ang may pinaka-stable na buhay dahil bukod sa masaya nitong pamilya ay stable na rin ang career nito lalo na nga't ito ang pinakasikat na fashion designer sa buong Paris. Ito rin mismo ang nag-desenyo ng uniform ng Camp Bridge at ng iba pang long gown na inira-rampa sa mga runaway pageant. Nagde-design rin ito ng sapatos at bag.
"I'm two months pregnant." Pagbabalita pa ni Maricar upang baguhin ang takbo ng kanilang usapan.
"Akalain mo nga namang naka-isa pa si Kentarou!" Giit ng isa. "Iba talaga kapag masipag."
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...