LOIS POV
Pagkaparada sa tapat ng NS Bar and Bistro Grills ay hindi ko mapigilan ang paghalakhak dahil sa mga sinabi ni Brayan. Kaya naman excited na 'kong makita si Maureen para ikwento sa kanya ang mga nangyari kanina.
"Lois, bakit ang tagal mo?" Tanong ni Maureen nang lapitan ko ang table nila ni Kentaki. Naka-order na pala sila ng napaka-raming sizzling plates at chichiria, but less pork meal.
"Wow, pareho pa kayo naka-suot ng pulang polka-dots T-shirt. Couple shirt lang? Infairness ha, mabuti napapayag mong magsuot n'yan ang KJ mong boyfriend!" Kantyaw ko sa kanila saka naupo sa tabi ni Maureen. "Anyway, bakit ang haba yata nitong table na pinwestuhan ninyo?" Puna ko pa.
"Syempre New Year kaya kailangan ng maraming good vibes. Saka, in-invite ko rin ang buong section 1. Ayun nga't nauna na si Brayan. Nag-CR lang." Paliwanag ni Maureen.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "NANDITO NA SI BRAYAN?"
"Paulit-ulit?" Napa-ismid si Kentaki.
"Nasa harap mo na ang menu book. Um-order ka nalang nang gusto mong kainin." Nasabi nalamang ni Maureen.
"H-hindi nyo kasi nage-gets e." Wari'y napatayo ako sa inuupuan. "Kanina pa ba dito si Brayan? Anong sabi nya? May naikwento ba sya tungkol sa mga nangyari kanina?"
"Wala naman." Napakibit-balikat si Maureen.
"Bakit, may dapat ba kaming malaman?" Pangsa-psycho naman ni Kentaki.
Napabuntong-hininga nalamang ako saka pabagsak na naupo.
"Oh, princess! Nand'yan ka na pala!"
OMG! Heto na sya, Wag kang lilingon Lois. Wag kang lilingon!
Daig ko pa yata ang nanigas mula sa kinauupuan. Pinanindigan ko talaga na hindi siya lingunin pero hindi ko naman ine-expect na isang malamig na kamay ang hahawak sa balikat ko. "Aaaaaaaaaaaaaah!" Halos mapatili ako nang sobrang lakas.
"Uy, ok ka lang?" Pagtataka ng sunod na dumating. Si Rick Lee. Aakto sana ito nang pag-upo sa tabi ko pero inunahan ito ni Brayan.
"Sorry, man! Naka-reserve na 'yan." Anunsyo pa niya. "So, anong o-order-rin natin?" Tanong nya sa 'kin habang nakatingin sa menu book. "Ok ba sa 'yo 'tong crispy spicy patata, roasted chili chicken, bangus chili belly at shrimp sisig topped with double layered chili mushrooms?" Alok niya sa 'kin.
"Kahit ano. Ok na 'yon." Nasabi ko nalang.
"Baka naman umusok ang nostril nyo n'yan sa sobrang anghang." Komento ni Maureen.
Pero wala na rin ako nagawa nang order-rin na ni Brayan ang mga sinabi niya. Huli narin kasi nang mag-sync in sa utak ko ang mga flavor na 'yon.
"Anything else, sir?" Tanong ng waiter.
"Samahan mo na rin ng isang chocolate cocktail." Duktong ni Rick Lee.
"Am, sa 'kin tubig lang." Sabi ko.
"Huh?" Sabay-sabay naman sila napatingin sa 'kin.
"A, e, na-order nyo na lahat ng nasa menu e. Manghihingi nalang ako."
"Ganito nalang guys, order-rin nyo lahat ng gusto nyo, kahit ilan pa, basta ako ang magbabayad!" Deklara ni Brayan.
"Mukhang mas masarap pakinggan 'yon ha." Sabi ng isa pang dumating. Si Doreen. Lumapit ito sa 'min at naupo one sit apart kay Rick Lee. "Napasugod ako dito kasi ang sabi Neightan magpe-perform daw ang Parokya ni Edgar. Totoo ba?"
"Iyon ang sabi." Sagot ni Maureen.
"E, nasaan na nga ba ang Neigthan na 'yon?" Pagtataka pa ni Doreen saka nilibot nang tingin ang paligid.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...