KENTAKI POV
Awtsu! Bigla akong napa-bahing.
[Ken, baka lumala pa 'yan. Kung uminom ka na kaya ng Neozep?] Pag-aalala ni DK mula sa kabilang monitor. Magka-video call kami sa Yahoo Messenger.
Nakita ko nanaman ang kulay blue niyang mga mata. Sayang nga lang dahil mayroong scarf na nakatakip sa mukha niya kaya tanging mga mata lamang niya ang nakikita. Isang muslim ang daddy niya at mula pagkabata ay in-adopt na nila ng kapatid ang tradisyong iyon. Kaya nga noon pa man ay curious na talaga ako sa itsura niya.
"Bale wala 'to. Malamang pinag-uusapan lang ako kung saan." Pagdadahilan ko habang pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok.
[Denial! Alam kong nag-cutting classes ka at sumugod ka na naman sa ulan. Palagi mong inaaway ang mga lumalapit sa 'yo dahil mas gusto mo ang mag-isa. Ken, hanggang kailan mo ba plano gawing miserable 'yang buhay mo dahil lang sa walang kwenta mong hinanakit? Bakit ba hindi mo nalang tanggapin na isa ka rin' Yamamoto? Ganon ba talaga kahirap magpatawad?]
"Nahihirapan ka na bang unawain ako?"
[Ken, hindi naman sa ganon. Ang point ko lang—]
"Hindi mo kasi ako naiintindihan."
[Sa tingin mo ba, hindi?]
Magsasalita pa sana ako kaso muli akong napa-bahing ng magkakasunod.
[For sure, papunta na 'yan sa cough. Kahit kailan napaka-sakitin mo talaga!]
"Walang bago dito dahil kailanman hindi naman nawala ang sakit sa 'kin."
[Ang emo mo!]
Magsasalita pa sana ako subalit ilang magkakasunod na doorbell ang umagaw sa 'king atensyon.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...