First Day High!

64 7 7
                                    

"Oh my god! This is it!"

"I can't wait to meet my forever here, talaga!"

"Super-duper ultra mega, I'm so excited!"

Unang tapak ko pa lamang sa lobby ng Camp Bridge ay halata ko na kaagad kung sino ang totoong mayaman at ang mga nagpapangap. Hindi naman sa pagiging judgemental pero nakakatawa lang isipin na mga kapwa ko mahihirap ang sumusubok makipagsabayan sa kasosyalan ng mga taga-Camp Bridge kahit hindi naman talaga nila afford. Ang isipin pa lang na apat na taon silang magsusumikap para ma-maintain ang pagiging scholar gayong marami naman libreng government school sa Pilipinas. At ang masaklap pa ay 'yong mga nagpa-part time job para may maibayad sa tuition o kaya'y para mayroong maipagmalaking lifestyle sa halip na idagdag na lamang ang mga kikitain sa pambili ng pagkain ng pamilya nila.

Sa dami ng bansa sa mundo ay ewan ko nga ba sa London kung bakit sa Pilipinas pa nila naisipang itayo ang Camp Bridge. Lalo lang tuloy nila pinagmumukhang alipin at dayuhan sa sariling bayan ang mga Pilipino. Malinaw naman sa 'kin na kaya ako nag-enroll sa Camp Bridge ay para sundan si Princess Lois. Bahagi siya ng misyon ko kaya kahit mag-mukhang nerd sa paningin ng mga feeling rich kid dito ay ayos lang. Una sa lahat, hindi naman sila ang ipinunta ko rito.

"Your highness, can we please take a picture with you?"

"S-sure," masasabi kong pala-kaibigan ang prinsesa dahil kaagad niyang nakapalagayan ng loob ang mga estudyanteng lumapit sa kanya matapos siyang ipakilala sa stage— kahit na nga halos karamihan sa mga iyon ay nakasuot ng kulay itim na blazer. Mayroon kasing dalawang klase ng blazer na pwedeng suotin ang mga taga-Camp Bridge. Isa ay ang kulay puting suot ni princess Lois samantalang kulay itim naman ang para sa mga ordinaryong mag-aaral.

Narito ako ngayon sa Auditorium kasama ang iba pang first year student kung saan ginaganap ang General Assembly. Nauna nang ipakilala sa stage ang Board of Directors magpahanggang sa Faculty Department. At katulad nga ng nakikita ko ngayon ay hindi ko magawang alisin ang tingin sa prinsesa. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang kaharap ko na ang prinsesa ng London dahil hindi iyon mahahalata sa simpleng ayos ng mukha niya. Wala siyang make up o kahit na anong alahas sa katawan maliban sa mga bracelet, kwintas at hikaw niyang panay yari sa beads. Maninipis ang pagkakakulot sa bawat hibla ng blond niyang buhok na umaabot hanggang sa baiwang na bumagay naman sa suot niyang school uniform. Palibhasa panay succesor ng malalaking korporasyon ang mga nasa section 1 kaya kabilang sa special treatment na meron sila ay ang kulay puting blazer. Kung ide-describe ay tineternuhan ang blazer ng red and black checkered necktie at below the knee high waist palda saka itina-tuck in ang panloob na puting long sleeve. Samantalang ganoon rin naman ang uniporme ng mga kalalakihan, nagkaiba lang sa kulay ng slacks.

"Media shouldn't be here!"

"Nakakatawa! Masyado silang uhaw sa popularity!" ngayon nga'y kung anu-anong side comments ang mga naririnig ko sa magkabilang sulok.

"Kailan pa naging first in line ang illegitimate na tagapagmana ang London?"

"Well, maganda naman s'ya. Her beauty means of seduction. I wonder kung isa s'ya sa mga magiging heart breaker ng Camp Bridge."

"Rule Breaker, instead. I'm sure wala 'yan ibang gagawin kundi ang tumanggap ng special treatment mula sa lahat. She's a princess, in the first place!"

"Mga babe, huwag na kayong ma-insecure kay Lois," sabat ng nang-aasar na boses mula sa likod ng upuan. "Magaganda naman kayo, eh," kumindat muna ito saka muling nagpatuloy. "Kung ano man ang pina-plano n'yo laban sa kan'ya, 'wag n'yo nang ituloy kasi masasayang lang ang ganda ninyo kapag hinatulan kayo ng Death Penalty," humalakhak pa ito.

"Nagsalita ang playboy ng hard court," ismid ng isa, Cindy ang pangalan. "Hoy Mr. Depensor, nasa section1 ka man pero huwag mo na rin tangkain pang ligawan si princess 'cause I assure you, higit pa sa Death Penalty ang pwedeng ihatol sa'yo dahil hindi kayo magka-level! Prinsesa s'ya, playboy ka!"

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon