KENTAKI'S POV
She
May be the song that summer sings
May be the chill that autumn brings
May be a hundred different things
Within the measure of a day...
Mula sa leisure room ay mapayapa kong kinakapa ang chords ng She sa harap ng malaking piano'ng ginagamit ko ngayon. Mag-isa lamang ako sa silid na 'to kaya damang-dama ko ang presensya ng tugtog at walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si DK. Kung pwede lang sana syang pumunta sa Camp Bridge para mapanood ako sa tournament ay malalaman nya kung paano ko pinaghihirapang i-dedicate ang piyesang ito para sa kanya. Kahit pa ilang beses nyang iparamdam na hindi pa 'ko ganon ganap na mahalaga sa kanya ay hindi ako magsasawang mag-dedicate ng kanta para sa kanya. Hindi ako maiinip maghintay hanggang matutunan nya rin akong mahalin.
She
May be the beauty or the beast
May be the famine or the feast
May turn each day into a heaven or a hell
She may be the mirror of my dreams
The smile reflected in a stream
She may not be what she may seem
Inside her shell
"Mukhang inspired na inspired, ha!" Biglang sabat ng kung sino mula sa likuran.
Queen of Purple...
Kilalang-kilala ko na ang boses na 'yon kaya naman nakakunot-noo ko s'yang binalingan nang tingin. "Anong ginagawa mo dito?"
"You know naman' ikaw ang subject sa research paper ko kaya kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap pa rin kita." Pagkasabi'y tumuloy na siya sa pagpasok at nakangiting lumapit sa inuupuan ko. "In fairness, may talent ka rin sa piano. Nagmana ka talaga kay Kentarou Yamamoto kaya hindi na 'ko magtataka kung ikaw ang mananalo sa tournament."
"Kung nagpunta ka lang rito para sabihin 'yan, p'wes hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Pwede umalis ka nalang? Nagre-rehearse pa 'ko."
"Puro ka nalang rehearsal, masyado kang pockus patunayang may ibubuga ka laban sa daddy mo! Hindi mo ba napapansin na pag-aaral mo ang nasisira sa ginagawa mong 'yan?" Napa-iling pa siya "Kahit nga kumain nakakaligtaan mo na!"
"Hindi ikaw ang mommy ko kaya tigilan mo 'ko sa mga pangaral mong 'yan. Umalis ka nalang pwede?"
"Pero concern lang ako sa 'yo. Heto nga pinag-take out na kita ng lunch."
Napatingin ako sa kanya. Pinagmasadan kong maigi ang facial expression niya at makikita kong wala iyong halong pang-iinis o pagbibiro. Kumbaga, nakita ko sa mga mata niya ang sincerity. Kaya naman tumayo ako para kunin ang inaabot niyang wrapper.
"Salamat. Sige pwede ka ng umalis." Pagkasabi'y humakbang ako papunta sa couch para ipatong ang dala niya. "Kakainin ko nalang 'to mamaya."
"Hello, 1:30 na, kaya! Super late na nga 'yan para tawaging lunch. And I'm sure hindi karin kumain ng breakfast! Kaya kainin mo na 'yan!" Pagkasabi'y umakto siya para ihain ang mga dala niya.
Wala na nga 'kong nagawa kundi mapasubo gawa ng kakulitan nya. Kaya naman habang kumakain ako ay nakatitig lang siya sa 'kin at masasabi kong mas ok narin 'yon kasi sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. At least, mas gaganahan akong kumain kapag walang maingay.
"Teka, bakit hinihiwalay mo 'yong porkchop?" Maya-maya ay puna niya. Dahilan para muling bumukas ang conversation sa pagitan namin. "Allergic ka ba sa pork?"
"Akala ko ba ako ang subject sa research paper mo? Bakit parang hindi mo yata alam na hindi na 'ko kumakain ng baboy?"
Wari'y natawa naman sya. "Oo nga naman. Bakit ko pa ba tinatanong? E, alam ko na nga pala ang sagot." Nagpatuloy lamang siya sa kakatawa. "Ang tanga ko kasi. Ang tanga-tanga ko talaga."
Bahagya ko syang sinulyapan at kitang-kita ko sa mga mata niya ang nangingilid na luha bagamat balot iyon ng makapal na eyeliner.
"O sya, iiwan na kita. Mag-i-start na kasi 'yong next subject. Disposable naman 'yang pinagkainan mo kaya itapon mo nalang kapag may time ka." Wari'y tumayo siya saka inayos ang sarili. "See you nalang sa Halloween party bukas. Huwag kang mawawala, ah." Pagkasabi'y pilit-ngiti siyang nagpaalam hanggang sa tuluyan na ngang mawala sa paningin ko.
Matapos ang senaryong 'yon ay ibinalik ko ang atensyon sa pag-piano.
She
Who always seems so happy in a crowd
Whose eyes can be so private and so proud
No one's allowed to see them when they cry
She
May be the love that cannot hope to last
May come to me from shadows of the past
That I'll remember till the day I die
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...