Beautiful Nightmare in Enchanted

21 6 0
                                    

LOIS POV

Maliban sa bawat poste ng MERALCO at LED lights na makikita sa paligid ay kabilang din ang crescent moon at napakaraming stars sa nagbibigay ng source of lights sa napakagandang ambience ng gabi. Madilim na ng dumating kami sa arcade na pinagdalhan sa 'kin ni Garry. Ito ang unang beses na nakapunta ako rito kaya naman hindi ko mapigilang ma-amaze pagkakita sa engrandeng tarangkahan at sa kabuuang landscape na makikita sa booklet. I can't even imagine na mayroon din pala ritong mini-Disneyland, ang akala ko kasi sa Hongkong lamang iyon makikita. Sayang nga lang, nakalimutan kong dalhin ang DSLR ko!

"Ano'ng ride kaya ang uunahin natin sakyan? Halos lahat kasi, maganda!" nasabi ko na lamang habang tinitignan ang hawak na booklet. "Kaso mukhang nakakatakot."

"Bakit ka matatakot, eh, kasama mo naman ang bodyguard mo?" sabat  niya na ang tinutukoy ay ang sarili. "Mabuti pa, kumain na lang muna tayo. Mayroon ditong Bandstand Foodcourt at Soda Fountain. Pwede ka rin makabili ng mga sari-saring pagkain mula sa iba't ibang bansa."

"TALAGA?" halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Eh 'di tara! Pumasok na tayo sa loob!" pagkasabi'y dali-dali ko siyang hinatak papasok sa Grand Gateway pero hindi naman siya umalis sa kinatatayuan. Daig ko pa nga yata ang humila sa poste para mag-bounce pabalik sa kanya. "Bakit ba?" kunotnoo ko s'yang binalingan ng tingin.

"Suotin mo muna 'to," sagot naman niya saka umakto nang may kung anong baller na nilagay sa wrist ko. Sa gawing left iyon katabi ang Apple Watch ko, doon ko lang din napansing alas-otso na pala. "TADA!" sabi pa niya matapos iyon ilagay. Ipinakita rin niya ang suot na baller sa kanang wrist niya. "Huwag mong huhubarin o iwawala iyan dahil hindi ka nila papapasukin at ia-accommodate sa loob kapag wala ka n'yan," pagkasabi'y nakangiti niyang tinapiktapik ang bunbunan ko.

Napaismid na lamang ako. "Sino ba kasi ang mitikolosong may-ari ng arcade na 'to at napakarami pa niyang checheboretche bago magpapasok sa loob? Grabe, umi-straight ang buhok ko sa pinapagawa n'ya, ha!"

Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko at wari'y inakay na lamang ako papasok sa loob. "July 28, 1995 noong una itong buksan sa ilalim ng pagmamay-ari ng Landmark Entertainment Group of Corporation bago tuluyang i-turn over ng mga Forbes."

"So, isa pala si tito George sa mga may pakana nito. In fairness ha, mukhang nag-research ka pa talaga!"

"Nabasa ko lang. Tignan mo sa booklet."

Bigla naman ako napahiya sa sinabi nya. "Ah, eh, nakasulat ba rito?" tumawa na lamang ako.

Pagkapasok sa loob ay Disk-O-Magic kaagad ang umagaw sa 'king atensyon, para silang nakasakay sa malaking gulong ng motorcycle habang paikot-ikot na umaandar at nagtataas-baba mula sa arkong kinakabitan nito. Hindi ko na rin halos malaman kung saang rides nanggagaling ang mga sigaw dahil sa 'di kalayuan ay naroon ang Air Race at ang Flying Fiesta na puro pagpapaikot-ikot sa mga passenger ang makikita. Gusto ko sanang sumakay kaso pinangungunahan talaga ako ng kaba. Panoorin pa nga lang kung paano umaandar ang Dis-O-Magic ay nahihilo na 'ko, what more kapag ako na ang nakasakay!

"Princess, tikman mo!"

"Saan ka nakabili n'yan?" labis ko namang ikinagulat ang cotton candy na inabot sa 'kin ni Garry. Dito na nga sunod na bumaling ang atensyon ko. Color purple iyon."Naalala ko tuloy si Maureen. Kamusta na kaya sila ni Kentaki?"

"Huwag kang mag-alala magiging ok din sila."

"I hope so," sabi ko pa habang sinisipsip ang hawak na cotton candy.

"Marami pang tindahan sa side na 'yon. Tara! Mamili na tayo nang kakainin," paanyaya na lamang niya saka ibinaling ang tingin sa mga tent at foodstall kung saan marami ang nakapila.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon