I'll be over you

18 2 0
                                    

KENTAKI POV

Nakakabinging ringing tone ang gumising sa mahimbing kong tulog mula sa kalagitnaan nang pananaginip. Kaya naman sinagot ko ang cellphone'ng nasa tabi ng unan ko at napapa-pikit na kinurap ang mga mata mula sa nakakasilaw na sikat ng araw na lumulusot sa bintana.

"Happy new year, babe. Ang aga mo namang gumising." Bungad ko sa kabilang linya dahil ine-expect ko ng si Maureen lang naman ang gumigising sa 'kin palagi.

[Who's babe? It's me, DK.]

DK?  Mabilis na nag-sync in sa utak ko ang boses niya kaya naman dali-dali akong napabangon sa hinihigaan.

"P-paano mo nalaman 'tong number ko?" Pagtataka ko.

[As usual binigay ni tita Natalya. Ano bang nangyayari sa'yo Ken? Ilang buwan kitang hindi ma-contact tapos malalaman ko lang nagpalit ka na pala ng number? Yung totoo, iniiwasan mo ba 'ko at kailangang pati sa YM, MSN at Friendster i-block mo pa 'ko?]

"Um-space lang ako Dk."

[Mukha nga.]

"So, kamusta ka naman? Mukhang miss na miss mo na 'ko, ha." Umakto ako para um-indian sit nang upo.

[Wow, ha! Ang taas ng self confidence mo! Hindi ko ma-reach!]

"Bakit, hindi ba?" Bahagya akong napangiti."Kahit isang saglit, hindi ba?"

[H-hindi.] Garalgal na sagot niya at mukhang tumatawa.

"Hindi ako naniniwala." Diin ko.

[Hindi nga sabi. Bakit ba ang kulit mo? Promise, hindi kita na-miss.]

"Pero nawindang ka nang bi-nlock kita sa social media accounts ko at nang hindi mo na 'ko ma-contact?"

[Oo na nga!]

"Edi umamin ka rin." Daing ko saka pabagsak na bumalik sa paghiga. "So, kamusta ang new year mo?" Pagsisimula ko nang topic.

[Ayon, nag-videoke marathon lang kami whole night nila mommy at Denice.]

Natawa naman ako sa sagot nya. "May bago ba don? Diba, ganon naman talaga ang ginagawa ninyo taon-taon?"

[Pero malapit na 'yong magbago. And I guess, magsisimula 'yon ngayong taon.]

"Bakit mo nasabi?" Tumagilid ako sa hinihigaang kama. "Mukhang interesting, ha."

[Hulaan mo.]

"Hindi na kayo magbi-videoke marathon?"

[Hindi.]

"Hmmm, magkakaroon na kayo ng bagong daddy?" Nanghuhula kong binaling ang tingin sa chandelier na nakasabit sa kisame at wari'y bahagya naman akong tumihaya nang paghiga.

[Syempre wala pa!] Napahalakhak siya sa pagtawa.

"Sige, siret na."

[MAGMA-MIGRATE NA KAMI SA MANILA THIS JUNE!] Diretsong sagot niya.

Bigla naman ako napabangon sa hinihigaan. "Seryoso?"

[Unfortunately yes.] Pabuntong-hininga niyang sagot. [Nakipag-merge kasi 'yong MERALCO kay mommy kaya magkakaroon na rin kami ng power plant extension sa Manila. At para maging successful ang merging ay kailangan namin' mag-migrate d'yan. You know, business.]

"Kung ganon, malilibre na pala kami sa kuryente."

[Excuse me, kailangan nyo pa rin magbayad ng electric bill. May tax kaya 'yon!]

Napa-ismid ako. "Kung ganon, mag-aaral ka na rin ba sa Camp Bridge?"

[Percisely. But it doesn't mean na magiging magkaklase tayo. You know naman, I am more capable of being in a section 4. Scholar parin ako ng Forbes, after all.]

Napatango nalamang ako.

[By the way, mabalik tayo sa 'yo. Kamusta naman ang New Year mo dyan? Who's that, Babe? Magkwento ka naman, dali!]

"She's Maureen. Maureen Lim Lincoln, to be exact." Pagpapakilala ko.

[Yung international Cosplayer? Why her? I mean, I heard she's really weird, daw.]

"It doesn't matter, anyway. For me, she's a very extraordinary woman." Opinyon ko. "Ang tanga ko nga lang, kasi palagi ko siyang pinapaiyak."

[I see. So, seryoso ka na ba sa kanya?]

"Magseryoso man ako o hindi,  pareho lang naman ang kahahantungan ng lahat dahil pagdating sa huli ay sa 'yo parin ako ikakasal— kaya hindi na mahalaga 'yon."

[K-Ken,]

"O sya, may sasabihin ka pa ba? Mag-text ka nalang mamaya. Naalala ko kasing may lakad pa nga pala kami. Maliligo lang ako." Wari'y tumayo ako't nag-unat ng mga braso.

[G-ganon ba. Sige, enjoy.] Pagkasabi'y pinatay na niya ang tawag.

Nilapag ko sa kama ang cellphone at pumunta ako sa kusina para makapag-prepare ng almusal. Pasado alas-dyes palamang ng umaga at mahaba-haba pa ang oras ko bago ang call time namin ni Maureen kaya naman nagmuni-muni muna ako kung paano sisimulan ang unang araw sa taong ito.

Isang linggo na rin kasi ang nakalipas mula nang maganap ang Piano Tournament kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ilang pasa sa mukha ko. Matapos non ay tuluyan na nga kaming hindi nagpansinan ng pinsan kong si Clarck samantalang hindi ko nalamang kinompronta si Maureen dahil malinaw naman ang pagkakaintindi ko sa mga narinig at nakita. Basta nagpatuloy ang relasyon namin na parang walang nangyari. Ganon kami ka-imperfect. Less communication, less pain.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon