Bestfriends in Crime

26 5 0
                                    

LOIS POV

"It's been 1 week since Sammara stop attending classes. Haaay, kamusta na kaya s'ya? Sana gumaling na sya from Pulmonary Heart Disease." Pabuntong-hiningang pahayag ni Maureen. Naka-suot siya ngayon ng costume ni Supergirl.

"—At mahigit isang linggo na rin grounded si Neightan!" Duktong naman ni Brayan. Nakapatong sa balikat nito ang varsity jacket habang pinapaikot sa daliri ang bola ng basketball.

"Ikaw ba naman ang makipag-car racing sa halip na um-attend ng klase at magbantay ng kapatid." Napa-iling nalamang si Clarck na busy'ng-busy sa pagbabasa ng encyclopedia. "Ewan ko nga ba sa lalaking 'yon!"

"Nand'yan ka naman daw, kasi." Kantyaw ni Brayan saka hinagis sa direksyon nito ang bola. "Pero blessing in disguise na rin 'yon dahil kung makikita nyo lang ang bagong tutor nila, grabe sobrang HOT!"

Hinagis naman ni Clarck ang bola pabalik kay Brayan. "Iyan ka na naman sa kalibugan mo!"

"Pero realtalk pare, ang hot nya talaga!" Muli nitong pina-ikot sa daliri ang bola. "Sana nga lahat ng prof dito kasing hot nya— kaso hindi e!" Sa kakapaikot nito sa bola ay dumulas iyon papunta sa upuan kung saan natutulog si Kentaki. Malakas ang naging impact nang pagtama sa ulo nito.

Nagising naman si Kentaki.

"Sorry." Apologies ni Brayan.

Subalit tumayo sa kinauupuan si Kentaki at lumakad papalapit sa upuan ni Brayan. "Sa susunod, hawakan mong maigi para hindi makawala sa 'yo." Pagkasabi'y pabagsak nitong nilapag sa armchair ang bola saka lumakad papalabas ng classroom.

Napatingin dito ang lahat.

"Ang hirap din pala magkaroon ng literal na sakit sa puso." Biglang saad ni Doreen habang nakadungaw sa bintana. Ito ang bumasag sa speechless na senaryong 'yon. "Nakamamatay."

"Knock on the wood!" Bulyaw ni Maureen at magkakasabay silang napa-katok sa armchair. "Sis, wag ka ngang nega! So, creepy, ha!"

Sa halip na magsimula nang usapan ay mas inabala ko nalamang ang sarili sa kaharap na laptop. Plano kong gumawa ng website kung saan pwedeng i-upload ang mga video sa DSLR ko. Kaso, naka-ilang trial na 'ko pero palaging confirmation bar ang lumalabas. E wala naman kulang sa application form na na-fill up-pan ko. Hay ewan!

"Uy Lois, may damit ka na ba para sa engagement party ninyo ni Jerryme? Sinong designer? Si tita Maricar ba?" Magkakasunod namang tanong ni Maureen. Namalayan ko nalang na naka-upo na siya sa tabi ko.

"I guess so." Kibit-balikat kong sagot.

"Talaga? Nasa closet mo na ba? Patingin naman ng design."

"Search mo nalang sa friendster ko."

"E yung engagement ring?" Hinablot niya ang kamay ko at isa-isang tinignan ang mga daliri ko. "Hala! Bakit wala kang suot?"

Mabilis ko namang hinigit ang kamay ko. "Kailangan pa ba 'yon?"

"Aba, natural!"

Napa-iling nalamang ako.

"Guys, yung mall show ko huwag ninyong kakalimutan bukas, ha!" Paalala naman ni Rick Lee.

"Oo pupunta kami. Hindi mo na kailangang i-remind nang paulit-ulit!" Sabi pa ni Maureen saka muling binalik ang tingin sa 'kin.

"Ano yang ginagawa mo?"

"Nag-a-upload. Tignan mo 'to girl,  kada-clips sa DSLR ay palaging naroon ang lalakeng 'yan." Wari'y tinuro ko sa monitor ang pamilyar mukha habang pinapalipat-lipat ang pag-i-scroll sa gallery. Mayroon akong selfies sa terrice, garden, swimming pool, tower, kitchen, sala, library, staircase pati sa bedroom kung saan palagi iyong naroon. "Akala ko nga nagkakataon lang pero hindi lang kasi 'yon basta coincidence. Imagine-nin mo, pati selfie ko sa headquarters siya ang photobumer!"

"Baka naman CERTIFIED STALKER MO!"

"I guess there's deeper than that." Napabuntong hininga nalamang ako sa sinabing iyon ni Maureen saka ibinalik ang tingin sa monitor ng laptop.

"But the better question ay kung paano siya nakapasok sa bahay ninyo gayong napakahigpit naman ng security doon? Try to think of it!"

"Iyon nga ang pinagtataka ko."

Hindi ko pa rin maiwasang dedmahin ang weird na senaryong iyon at ang similarities nito sa mga nangyari kagabi sa bar. Para bang gusto kong i-rewind ang mga nangyari pero napaka-imposible naman nun. Kahit pa isa akong prinsesa ay wala rin naman nagawa ang pagiging prinsesa ko nang magdesisyon ang palasyo na i-engage ako kay Jerryme Ferrari. Therefore I conclude, the word princess is just a label. Wish ko na nga lang, dumating na ang magiting na kabalyerong gigising sa 'kin sa nightmare na 'to.

"OMG!" Daing naman ni Maureen na nag-destruct sa 'king daydreaming. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway papuntang Computer Laboratory para sa next subject —nang bigla nya 'kong higitin papasok sa bakanteng classroom. "Speaking of that guy!" Bahagya pa siyang sumilip sa pintuan. "There he is!"

"Ang weird, huh!" Pagtataka ko. "Sino? Who's the guy you're talking about, ba?" Hinigit ko siya paalis sa kinatatayuan "Patingin nga!" Sumilip rin ako. Mula sa pinagtataguang classroom ay nakita ko si Doreen na nakatayo sa harap ng elevator— kausap ang lalakeng pinag-uusapan namin. "Magkakilala sila?" Tanong ko. "H-how it happened? I mean, kailan pa?" Makahulugan ko silang tinignan.

"What is his fucking name, again?"

"Off course I don't know. As if I care!" Naibulaslas ko pa.

Tumawa naman ng malakas si Maureen. "Pero ngayon mukhang mas interesado ka pa sa interesado!" Humawak siya sa balikat ko. "Gusto mo bang ako na ang kumuha ng General Information n'ya para sa 'yo?"

"Are you out of your mind? He's not my type!"

"Bakit may sinabi ko?" Napangisi siya. "If I were you, bubuksan ko na ang DSLR ko para kumuha ng napaka-gandang scope! C'mon girl, uso mang-stalk!"

"Whatever!" Umayos ako nang pagkakatayo at nagsimulang humakbang palabas sa pinagtataguang classroom. "Kapag naging reyna na 'ko ng London, ipapatupad ko talaga ang pagbabawal sa pang-i-stalk!" I declared. "Katumbas no'n ang Death penalty!"

"Ang hard mo naman, princess Lois. 1 year na pagkakakulong is enough." Muli siyang bungisngis. "1 year na pagkakakulong sa puso mo— rather. Just kidding. But I mean it! As a matter of fact, extension is allowed!"

"Then, be a queen!" Pagkasabi'y tuluyan na 'kong lumabas. Kasabay non ang pagbungad ng lalakeng pinag-uusapan namin.

"P-prinsesa." Nauutal na pagbati nito.

Hindi ko na nagawa pang ihakbang ang mga paa. Pakiramdam ko, huminto pati pagdaloy ng mga dugo sa nerve cells ko. Iyon bang ultimo Circulatory System ko ay tumigil sa pag-function? Daig ko pa yata ang nagkaroon ng nervous breakdown. Pati yata ang pag-ikot ng orasan at buong solar system ay magkakasabay na tumigil sa pag-andar? Ewan nga ba kung ano pang scientific explanation ang kayang makapag-define sa situation ko ngayon!

"P-princess, Ok ka lang?"

Naramdaman ko ang mabilis na pag-spark ng dalawang atomic bomb at rapid circulation mula sa kaloob-looban ng aking mga cells. Ngayon nga'y mabilis nang nag-fast forward ang lahat... Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa harap ko na si Neightan.

"Walang nakapagtataka don. Tulad ng iba, marami rin ang nahihiwagaan sa kanya."

"W-what do you mean?" Kaagad din ako bumalik sa katinuan.

"Ang akala ko ba, grounded ka? Anong ginagawa mo rito?" Tanong naman ni Maureen.

"As usual tumakas ako. Sus, wala namang bago dun!" Napa-ismid ito. "Ang iingay nyo kasi kaya ako nagising!" Wari'y nag-unat pa ito ng mga kamay na tila bagong gising.

Napatingin naman ako sa silid na kinatatayuan namin. Made with glasswares ang lahat ng naroroon magmula sa sailing, walling, flooring at mga kagamitan such as long center table, front desk, shivel chairs, drawers, shelve and even those pianos and paintings. Ito na nga siguro ang office ni Mr. Kentarou Yamamoto.

"O sya, maghahanap nalang ako ng ibang matutulugan! Napaka-ingay nyo kasi!" Pagkasabi'y lumakad na si Neightan papalayo.

"Kahit kailan, ang lakas maka-attitude problem ng lalaking 'yon!" Komento ni Maureen.

"Magkatulad din sila ni Kentaki." Sabi ko naman. "—parehas silang antukin."

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon