Is it real?

17 6 0
                                    

GARRY POV

"Happy birthday, Garry!" bungad ni agent Doreen pagkababa ko pa lamang sa cubicle ng  Wheel of Fate. May hawak din siyang strawberry cake. "You may blow your candles, na," sabi pa niya.

Napa-ismid naman ako. "Ano bang pumasok sa isip mo at nagpa-fireworks display ka pa? Baka mamaya isipin ng prinsesa na talagang may gusto ako sa kanya."

"Eh, 'di mabuti!  At least, mas madali mo s'yang mapapakinabangan, once ma-fall siya sa 'yo."

Hindi ko na lamang siya pinansin. Sa halip ay mas itinuon ko ang atensyon sa natutulog na prinsesa mula sa mga bisig ko. "Sigurado ka ba talagang hindi lason ang mga nilagay mo sa pagkain niya, kanina?" paniniyak ko pa.

"Don't worry, wala sa plano ko na tapusin nang maaga ang prinsesa. Sa ngayon, papatulugin ko lang muna siya ng limang araw, tulad nang  usapan natin. You should also thanks Dr. Neil, for sharing us the best sleeping syrup that he ever invented, so far," paliwanag pa niya. "So, congrats. Mission accomplished!"

"Oh, ito ang reward ko!" ganti ko naman saka ipinasan sa balikat niya ang natutulog na prinsesa. "Iuwi mo nang safe 'yan, ha!" sabi ko pa at mabilis na hinipan ang nalulusaw na mga kandila sa ibabaw ng cake. "'Bye, mauuna na 'ko."

"Sana binuhat mo manlang siya hanggang sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko, 'di ba!" maktol naman niya. "ANG BIGAT-BIGAT KAYA!"



***


LOIS POV

"Lois, gising!"

"Lois!"

Mula sa madilim na paligid ay naririnig ko ang paulit-ulit nilang pagtawag sa pangalan ko. Sinubukan ko silang hanapin ngunit wala akong ibang makita kundi ang napaka-dilim na dimension.

"Lois, gumising ka! Lois!"

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa paligid kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata at doon ay nakakasilaw na sikat ng araw ang nagpabalik sa 'kin sa katinuan.

"Lois, ano bang nangyari sa 'yo?" giit ni mommy na unang bumungad sa 'kin. "Limang araw ka naming hinanap! Pati NBI agents tinawagan namin para ipahanap ka, tapos malalaman ko lang na nasa basement ka lang pala? Ano bang ginagawa mo roon? Pinagtataguan mo ba kami, ha?"

"H-hindi ko po maintindihan."

"For God sake, Lois! Nandoon na sana, eh! Isang araw na lang magbe-birthday ka na pero pina-cancell namin kasi nga nawawala ka! Nakakahiya sa mga bisita! Nakakahiya ka! Hiyang-hiya ako sa ginawa mo!"

"P-pero,"

Hindi ko alam ang tungkol sa mga sinasabi ni mommy, pero mas lalong hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa headquarters. Ang alam ko lang, magkasama kami ni Garry sa Fantasy Land kung saan kami nag-celebrate ng birthday namin. Malinaw na malinaw ang mga pangyayari sa isip ko na parang kanina lamang nangyari ang lahat. Kaya para may mapatunayan ako ay naghanap ako ng mga bagay na pwedeng magpatunay na hindi lamang panaginip ang lahat. Kinapa ko ang mga bulsa nang suot na pantalon at doon ay nakuha ang baller. Sa pagkaka-alala ko pa nga'y ito ang entry pass para makapasok sa Fantasy Land.

Kung ganoon ay totoo nga!

Napangiti na lamang ako at niyakap ang baller. 





CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon