Meet his sister

22 7 0
                                    


[Kuya, bakit mo naman pinaalis si mommy?] Kausap ko na naman ngayon ang kapatid ko sa cellphone. Kung saan-saan na naman kasi lumipad 'tong utak ko.

"Nikki, may piano lesson ako ngayon. Pwede bang mamaya mo na 'ko kulitin!"

[Pero kuya, ilang araw ka ng naka-flightmode at hindi nag-o-online. Ako ang kinukulit ni Airish para sabihing contact-kin mo sya! Hanggang kailan ba ang LQ na 'yan, ha?]

"Sinabi ng busy ako! Kailangan pa bang ipaintindi sa inyo 'yon?"

[Pero kuya, fiancé mo sya.]

Hindi na 'ko sumagot pa. Wala rin namang patutunguhan ang usapan na 'to lalo na't kausap ko ang pinakamadramang manunulat sa panahong ito. At wala akong panahong makinig sa kadramahan niya.

"Mabuti pa, tumutok ka nalang sa computer at mag-google ng kung anu-anong words of wisdom. Baka, writer's block lang 'yan."

[Kuya naman!]

Sa edad niyang 12 ay daig pa niya ang isang Journalism fresh graduate sa di-mabilang na mga nai-publish na libro at kabi-kabilang projects. Sa sobrang hilig niya sa mga heavy dramang palabas at babasahin ay nakahiligan na rin niya ang pagsusulat kaya naman napaka-open minded niya't sobrang matured kung mag-isip. Kung pagbabasihan sa edad ay napagkakamalan siyang mas matanda kaysa sa 'kin. Kung tutuusin ay magkaibang-magkaiba ang ugali namin lalo na nga't nakatira siya kasama si Kentarou Yamamoto.

[Pagkatapos nga pala ng summer uuwi na 'ko sa Manila.]

Uuwi na sya? "B-bakit? Nagsasawa ka na ba buhay mo dyan?"

[Gusto ko lang ng bagong environment. Saka, ayokong maiwan dito lalo na't aalis si Dad para sa isang big time project!]

"Tama 'yon. Mabuti pa ngang umuwi ka nalang dito."

[Kaya i-expect mo na magiging magkaklase rin tayo, at last!]

"Hindi ako papayag."

[Ang harsh mo naman! Siguro natatakot ka lang na mahuli ko 'yang secret girlfriend mo.]

Napa-iling nalamang ako. Hay ewan.

[Or maybe, ayaw mo lang magkaroon ng kakompetensya sa pagiging top student tuwing recitation. Ano?]

"Ang mabuti pa, mag-diet ka nalang kasi paniguradong mabu-bully ka lang dito dahil dyan sa katabaan mo!"

[Excuse me, hindi ako mataba!]

"Kung ganon, anong katumbas ng 90 kilograms at 4 feet kung iko-convert sa BMI?"

[Correction, 4'12!]

Natawa nalamang ako.

[Kahit kailan ang harsh mo talaga, Kuya!]

"Pagwa-warning ang tawag do'n." Lumakad ako ng bahagya papunta sa kinalalagyan ng piano. "Maraming spoiled brat at bully sa Camp Bridgee kaya concern lang ako sa figure mo."

"P-pero, nandyan ka naman para ipagtanggol ako. Diba?"

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon