Watsons Family

39 6 2
                                    

SAMMARA KELLY POV

"Sadyang interesado kasi ang mommy ko sa nawawalang engagement ring ni Chairman Forbes, 'yong nagkakahalagang 10 Billion —baka lang alam mo kung kanino 'yon makikita."

Napalunok naman ako ng laway sa narinig.

Mahigit isang buwan na po ang lumipas magmula noon pero hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang naging conversation namin ni Kentaki kahit na nga ako na mismo ang nagsabing kalimutan nalang namin ang mga nangyari. Hindi ko rin po kasi makalimutan ang kakaibang mga mata ng mommy niya at ang makahulugang sinabi nito tungkol sa family history ko, kaya siguro ganon. Para bang may alam sila na hindi ko alam. Napakibit-balikat nalamang ako at ningitian ang sariling repleksyon sa harap ng malaking salamin. Medyo destructive nga lang kasi, nakita ko nanaman ang napakalapad kong noo.

"Bahala na."

Sa kabila po kasi nang mga nangyari ay napaka-sarap paring isipin na hindi 'ko na kailangang mag-home study dahil isa na 'kong regular student sa pinaka-sikat na paaralan sa mundo. Although special treatment is still there, pero given na 'yon. What matters most is, 'yong experiences na kukumpleto sa aking high school life.

"OY SAMMARA!"

Nagulat nalamang ako sa biglang pagsulpot ni kuya Neightan sa tapat ng pintuan. Papunta na sana ako sa Dinning Room para mag-breakfast. "Umayos ka nga! M-muntikan na 'kong atakihin sa puso!" Naghahabol ng hininga ko pang sabi.

"Talagang aatakihin ka sa puso kapag hindi mo tinigilang i-involve ang sarili mo sa Kentaki na 'yon." Iyon lang ang sinabi niya at itinuloy na ang paglalakad pababa sa kitchen.

I'm just being kind. Ano po bang masama sa ginawa ko?

Napalunok nalamang ako ng laway at humugot ng malalim na hininga saka nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko si kuya papuntang Dinning Room kung saan naabutan naming abala si daddy sa pagbabasa ng dyaryo samantalang laptop naman ang nasa harap ni mommy. Pareho silang may tag-isang cup of coffee sa magkabila nilang gilid at pareho rin walang imikan. Kapansin-pansing wala manlang nababawas sa mga pagkaing naka-serve sa lamesa.

"Oh, Sammara, Neightan, kumain na kayo!" Paanyaya ni daddy pagkakita sa 'min ni kuya.

Ngumiti ako saka sila hinalikan sa magkabilang pisngi bilang sign ng pag-good morning ko sa kanila. Samantalang nagpatuloy lamang si kuya nang pag-upo at walang-imik na kumuha ng pagkain. "Ganon po ba talaga kahalaga ang engagement ring ni Chairman Forbes?" Tukoy ko sa headline ng dyaryong binabasa ni daddy, pagka-upo. "Di po ba, 15 years na 'yong hinahanap."

"Mabuti pa nga 'yong singsing hinahanap, samantalang sa mga anak niya —wala manlang syang paki-alam."

"Kalle!" Biglang suway rito ni mommy kahit pa nakatuon ang atensyon sa keyboard ng laptop. "Kape mo lumalamig na."

Bahagyang napa-ismid si daddy kaya ininom nalamang nito ang coffee. Actually there's a part of it na hindi ko maintindihan. It sounds weird.

"Mamaya na nga po pala 'yong PTA Meeting sa school. Ire-remind ko lang po kayo." Nasabi ko nalamang.

"PTA Meeting?" Magkasabay na bigkas nila mom and dad.

"Nasabi ko na po ito last time, remember?"

"Naku! Nakalimutan ko!" Wari'y napa-sapok sa noo si dad. "I'm sorry dear." Baling nito sa 'kin. "Amanda, pwede bang ikaw nalang ang pumunta?"

"Why me?" Naka-kunot noong tanong ni mommy.

"Wala kang choice Amanda." Sagot naman ni daddy. "Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang flight ko sa Macau, mamaya."

"Mas lalo namang hindi ko pwedeng ipagpaliban ang pag-retoke sa dibdib ng pasyente ko mamaya. Besides, ako ang huling um-attend sa orientation bago sila nakapag-enroll sa Camp Bridge. At sa pagkaka-alala ko, ako rin ang um-attend noong graduation nila."

"Amanda, pagtatalunan pa ba natin 'to?"

Ngunit sa halip na sumagot ay itinupi ni mommy ang laptop saka tumayo sa kinauupuan. "Mabuti pa, sa hospital ko nalang tatapusin 'tong ginagawa ko." Pagkasabi'y nagsimula na itong lumakad papalayo. "Manang, paki-dala ng mga gamit ko sa kotse." Utos pa nito sa katulong.

Sunod namang tumayo si kuya. "Sammara, baka ma-late pa tayo sa klase. Tumayo ka na dyan!"

Napa-iling naman si daddy.

"D-dad," Naisambit ko pa na may halong pag-aalinlangan.

Pilit naman itong ngumiti. "Go ahead, dear." Tumango pa ito. "Susubukan kong pumunta mamaya."

Napangiti narin ako sa sinabi nyang 'yon, kahit papaano. Ayokong umasa na darating ang isa kila-mommy at daddy, pero ayoko namang pilitin silang um-attend sa PTA Meeting kahit pa kapalit nun ay ang pagpapaliban nila sa kani-kanilang gawain sa company. Ayokong isipin na magagawa nilang i-take advantage ang pagiging boss nila sa hospital para sa 'min dahil napaka-imposibleng mangyari 'yon. Kung tutuusin ay napaka-swerte namin sa pagkakaroon ng very successful na mga magulang. In fact, we should be thankful kasi binigyan nila kami ng magandang pangalan. Pero kalakip naman ng pangalan na 'yon ay ang mataas nilang expectation sa 'min. Paano kaya kami makakasunod sa yapak nila, kung ni-isang bakas wala naman silang iniiwan sa 'min? It's hard to say this but, sana hindi nalang talaga sila ang naging magulang namin. Lalo lang tuloy ako na-curious sa mga sinabi ni Chairwoman Natalya.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon