Operation 101: Intensive Research

25 6 0
                                    

Mabuti nalamang isang subject nalang bago mag-recess kaya matapos ang Computer class ay niyaya ko na kaagad si Maureen na pumunta sa Admission Office para kunin ang school record ng scholar ni Mayor Tiamzon.

"Sure ka ba talagang Garry Tolentino ang pangalan n'ya? You know what Lois, kanina pa tayo naghahalungkat dito pero ni-isang record about sa pangalang 'yan, wala manlang tayo makita! If I were you, magku-quit na 'ko." Nanggagalaiting hinaing ni Maureen matapos mag-switch ng mood mula sa inuupuang pinagpatung-patong na folders. Bahid ng alikabok ang braso at mukha niya.

"Why quitting e nasimulan na natin? We're almost here Maureen." Paninindigan ko saka muling ipinagpatuloy ang pagbubungkal sa mga folders.

"Gan'yan ka ba talaga ka-interesado sa kanya?"

"Oo at nakahanda akong mag-hire ng private investigator malaman ko lang ang identity nya!"

"HINDI NA KAILANGAN!"

Magkasabay kami napatingin sa pintuan kung saan nanggaling ang boses. Naroon si Neightan at may hawak na blue folder.

"Ikaw na naman?" Giit ni Maureen.

"Trip nyo talaga sumunod kung nasaan ako, 'no?" Lumakad ito papalapit sa amin.

"Excuse me! Ikaw nga 'tong parang mushrooms na biglang sumusulpot kung nasan kami!" Sabi pa ni Maureen.

Tumawa naman ng malakas si Neightan. "5 minutes nalang matatapos na ang recess, hindi ba kayo natatakot mahuli rito?"

"Hindi." Madiin kong sagot. "Mas natatakot ako sa misteryong dala ng Garry Tolentino na 'yan!"

Napatango naman si Neightan. "Kung gusto mo talaga s'yang makilala, si mayor ang tanungin mo. Paniguradong kilala nun si Garry. Unless, magde-deny sya!" Pagkasabi ay may inabot itong folder sa 'kin. "O, iyan!"

"A-ano 'to?"

"Folder." Napaismid pa ito.

"Patingin nga!" Giit naman ni Maureen saka inagaw sa 'kin ang folder. Dali-dali nya iyong binuklat. "O-M-GGGG!"

"Bakit? Ano bang meron dyan?" Inagaw ko kay Maureen ang folder.

"Tatlong araw ng nasa akin iyang blue form na hinahanap ninyo." Sabi pa ni Neightan. "Ibabalik ko na sana nang makita ko kayo rito."

"May pagka-malikot rin pala 'yang kamay mo 'no!" Kantyaw ni Maureen.

"Ka-age lang natin sya?" Sabi ko naman habang binabasa ang Blueform ni Garry Tolentino. "Mukha naman walang kakaiba sa profile niya." Bumaling ako kay Neightan. "Sure ka bang totoo ang mga nakalagay dito?"

Nagkibit-balikat lamang ito.

"Well, I guess, si mayor na nga ang tanungin natin." Suhesyon ni Maureen.  

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon