KENTAKI POV
Ang totoo, wala talaga sa plano ko ang lumabas ng classroom. Sadyang nairita lang ako sa kaingayan ng dalawang makulit na 'yon. Lalo na kay Maureen Lincoln! Ang masasabi ko lang ay mukha siyang may-psychological disorder dulot nang pag-i-impersonate sa mga anime character. Lalo na ngayong naka-suot siya ng kulay purple na contact lens, purple headband, purple earrings, necklace and bracelet, maging ang crop top niyang damit ay kulay purple din.
Okey, please meet the Queen of Purple.
Kung pagmamasdan ay nangangatog ang buong katawan niya na tila isang nagba-vibrate na device, kanina. Nakakatawa!
"Ay si Kentaki!" Hiyaw ng isang common student mula sa kahabaan ng hallway. Ito ang umagaw sa 'king atensyon.
"Gosh, Mas gwapo pala siya sa malapitan!" Giit pa ng isa na tila naglabas ng cellphone para kuhaan ako ng pictures.
"I can't believe na may isang taga-section 1 na mapapadpad sa building natin." Halos ang manggigil naman ang babaeng ito.
"Tol," Isang preskong lalake na naka-suot ng jersey ang naglakas-loob na humarang sa dadaanan ko.
Tinitigan ko ito ng masama.
"Pinapahingi ng kaibigan ko 'yung cellphone number mo. Pwede bang makuha?"
Siomai, pati ba naman lalake?
"Hindi ko basta ipinagkakatiwala ang personal information ko sa kung sino lang." Pagkasabi'y bahagya akong dumistansya sa nagkukumpulang estudyante. Lumakad ako papunta sa elevator kung saan sila Clark at Sammara ang bumungad sa pagka-bukas.
"What brings you here, pinsan?" Nang-aasar na kantyaw ni Clarck.
Hindi ko ito pinansin sa halip ay itinuloy ko lamang ang paghakbang papasok sa loob.
"Sino ang kasama mong nag-recess?" Tanong naman ni Sammara.
"Kailangan ba may kasama muna bago lumabas?"
"Kakailanganin mo rin 'yon, panigurado." Pagkasabi'y pasimple itong umunat ng kamay para ma-akbayan si Sammara.
"Mas kailangan mo 'yon." Sagot ko naman. "Try mo rin i-check sa dictionary ang salitang commitment, baka kasi wala sa vocabulary mo." Pagbukas ng elevator ay humakbang ako palabas na tila walang nagyari.
Pupunta sana ako sa rooftop para tumambay kaso biglang bumuhos ang ulan kaya minabuti ko nalang ang magliw-aliw nang paglilibot sa buong campus. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang maka-rating sa Leisure Hall kung saan bibihira ang mga estudyante. Sa kahabaan ng hallway ay isang silid ang umagaw sa 'king atensyon. Naka-sabit sa naka-uwang na pinto ang placard na Off limit kahit pa mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw naman ang malaking piano sa loob. Nang magdesisyon akong lumakad papuntang classroom ay ilang hakbang palamang ang nakakalipas ngunit tila isang magnet ang humila sa 'king mga paa pabalik sa nadaanang music room. Walang pangamba kong pinasok ang silid na pinalilibutan ng salamin. Gawa sa salamin ang sahig, kisame at pader nito na kasing lawak ng isang-buong silid aralan. Pana'y artwork, statues at musical instruments ang mga naka-display doon. Naupo ako sa upuang katapat ng napaka-laking piano. Pinagmasdan kong maigi ang kabuuan ng piano'ng yari sa salamin. Sa ibabaw nito ay naroon ang song booklet. Hinawakan ko iyon at binuklat ang bawat pahina. Doo'y puro iyon composition ni Kentarou Yamamoto. Sa dulong pahina ay naroon ang lyrics ng Mahal parin, iyon ang pinaka-huling kantang nakasulat dito. Ang lyrics nito ay patungkol sa paghingi ng one last chance sa kabila ng napakaraming chances na nasayang. Makabag-damdamin ang kanta kaya sino mang mapag-aalayan nito ay paniguradong maa-apreciate kaagad. Susubukan ko sanang kapain ang keyboard upang tugtugin ang piyesa subalit isang boses ang umagaw sa 'king atensyon.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...