GARRY POV
Lingid sa kaalaman ni princess Lois na sinundan ko siya sa paglabas at nakita ko rin ang mga nakita niya sa Sunken garden, kanina.
Ngayon nga'y nasa harap na 'ko ng stage kasama ang mga kaklase kong abala sa panlalait sa ginagawang dance number ng section 1. Paano ba naman kasi'y sobrang lawak ng blockings nila at ang iba'y nagkakamali pa sa steps. Napansin ko ring wala roon sina Maureen at Kentaki.
"Talagang nag-hire pa sila ng Choreographer sa lagay na 'yan."
Kilala ko na ang boses na 'yon kaya hindi na 'ko nagulat pagkakita kay agent Samson sa likuran ko. Naka-pamaywang siya habang pinapanood ang mga nagsasayaw sa stage.
"Mabuti magaling ka na." Sabi ko nalamang.
"Well, it's all thanks to the encouragement of Dr. Watsons. Daig pa nga yata nito ang Doctor of Psychology kung mag-council at mag-motivate sa 'kin" Natatawang kwento niya. "As if, he's an expert when it comes to moving on!"
"Pareho lang naman kayo e." Bulong ko nalamang kahit pa alam ko naman na maaari nya parin iyon marinig dahil sa Hearing device na nakakabit sa tainga niya. Naalala ko rin kasi 'yong naging pagkikita nila ni Dr. Kalle Watsons sa VIP room ng NS Bar and Restaurant, noon. "Ang akala ko nga, uutusan mo na naman ako para pigilan pati itong Piano Tournament." Nasabi ko nalamang saka ibinalik ang tingin sa stage kung saan patuloy parin sa pagsasayaw ang section 1. "Nabalitaan ko rin kasi na imbitado ang Board of Chairmans kaya alam kong kasama sila Maricar at Kentarou sa mga darating. Baka lang hindi ka pa handang mamatay sa selos."
"Actually, I have a better plan aside from that." Nakangiti niyang sagot.
"Huwag mo sabihing, nagpadala ka na naman ng Sniper dito."
Hindi naman siya sumagot.
"G-galit ka parin ba sa asawa mo hanggang ngayon?" Nag-aalinlangan ko pang tanong.
"Walang dahilan para magalit ako sa kanya" Wari'y napa-ismid pa siya pagkasabi non. "Kasalanan ko naman kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kung una palang ay sinuko ko na sya, hindi sana madadamay sa set up na 'to ang mga anak namin. Ang selfish ko, e!"
Ito ba talaga si agent Samson?
Ang totoo'y matagal ko ng alam ang misteryosong family background ng mga Samson at Yamamoto lalo na't isa iyon sa mga pinag-aralan ko bago ko pinasok ang misyong ito. Hindi ko lang talaga lubos akalin na magkukwento na naman siya sa 'kin ng ganito ka-confidential na bagay. Dati kasi ay kailangan muna niya malasing bago maging makwento.
"Kaya, ikaw, huwag na huwag kang magpapabulag sa pagmamahal." Pagkasabi'y tumingin siya sa 'kin.
Kahit hindi ako makipagtitigan sa mga mata niya ay alam kong napaka-makahulugan ng mga tingin na 'yon. Kumbaga, gusto nya 'kong pagbantaan.
"Pag-isipan mong mabuti kung dapat mo ba syang mahalin." Pagkasabi pa'y ibinalik na niya ang tingin sa stage kung saan ina-acknowledge ng mga host ang pagdating ni Dr. Watsons. Naka-laboratory coat pa ito at mukhang tumakas lamang sa pinagtatrabahuang hospital. "By the way, I have to go. Baka makahalata na ang co-judges ko sa tagal kong mag-CR." Pagpa-paalam naman niya. "Panoorin mo nalang nang mabuti ang mga susunod na mangyayari mamaya."
Hindi ko nalamang nilingon ang pag-alis ni agent Samson para hindi maging agaw-pansin sa paningin ng mga kaklase kong nasa di-kalayuan.
Kung tutuusin ay halos nagbubulungan lamang kami, kanina. Medyo may kalayuan rin ang kinatatayuan niya sa inuupuan ko kaya mabuti nalamang na nakatulong ang Hearing Device na nakakabit sa mga tainga namin upang magkarinigan sa kabila ng distansya at ingay sa paligid. Magiging komplikado kasi kung may makakarinig sa usapan namin. Lalong-lalo na kapag may naka-alam ng tungkol sa pagkakaroon ko ng koneksyon sa kanya.
Gaya ng nasa programme ay nagpatuloy ang pagtatanghal hanggang sa dumako na nga iyon sa pinaka-hihintay ng lahat. Unang umakyat sa stage si Andrew Suarez bilang class representative ng section 4. Sa tagpong ito ay suot na niya ang eyeglass na inagaw sa kanya ni Brayan noong datnan kong binu-bully siya ng fraternity nito. Maganda naman ang naging pagtatanghal niya, pero sadyang hindi lang talaga siya ang hinihitay na makita ng lahat. Kaya naman sa pagtatapos niyang tumugtog ay kaagad iyong sinundan ng section 3 at ng section namin. Si Joe ang aming class representative kaya todo-suporta ang binigay ng buong section 2 at ng mga ka-frat nito. Sa huli'y masigabong palakpakan ang ginawa ng mga manonood at judge pagkatapos nitong tumugtog.
Over there, just beneath the moon
There's a man with a burden to keep
No sleep will fall washouts rags and paper bags
Hopes and life passing by...
Pambungad ni Clarck. Umakto siya sa pagkanta habang nagpa-piano.
Si Clarck talaga ang pinakahihintay makita ng lahat. Palibhasa gwapo't taga-section 1 kaya mas marami siyang tagasuporta kumpara sa ibang kalahok— kaya naman viewer's choice award palang ay alam na kung kanino mapupunta. Ito rin ang unang pagkakataon na narinig ko siyang kumanta at masasabi kong prelude palang— panlaban na talaga! Beauty and Madness ang kantang ginamit niya at gumawa pa siya ng sarili niyang version. Mas lalo iyong naging kainte-interesante nang dumako sa chorus ang kanta. Kung pakikinggan kong maigi ang mga lyrics ay mukhang may nais syang iparating sa isang tao.
Who will see the beauty in your life?
And who will be there to hear you when you call?
Who will see the madness in your life?
And who will be there to catch you if you fall?
"OMG Sammara! Huwag ka nang mag-emote, para sa 'yo naman pala 'yong piece na 'yan." Kantyaw ni Rick Lee.
"Para sa 'kin nga ba talaga?" Kibit-balikat naman nitong sagot saka binaling ang tingin kay Maureen— si Maureen na mukhang hindi parin nakaka-recover sa mga nangyari sa Sunken garden kanina.
Kahit malayo ako sa kanila'y malinaw ko pa rin silang nakikita't malakas na naririnig gamit ang mga device na nakakabit sa 'kin. Kaya naman kitang-kita ko kung paano nito pinipilit itago ang sakit sa likod ng matitipid na ngiti.
Ayon sa pagkaka-analyze ko sa kanta ay mukhang iisa lamang ang gustong iparating ni Clarck.
Now dreams run wild, as lovers find their way.
Through the night, not a care in the world.
And over there, the twinkling of the lights.
Harbor lights say goodnight, one more time...
"Excuse me guys, magsi-CR lang ako." Paalam pa ni Sammara.
"Teka, hindi mo na ba hihintayin matapos 'yong kanta?"
Napa-iling ito.
"Edi ikaw na ang, naihi sa kilig!"
"Sammara, sabay na tayo!" Tumayo naman si Maureen saka lumapit rito't magkasama silang lumabas ng backstage.
"Mukhang may mas interesanteng panoorin sa CR, ha." Bulong ni Lois.
"Anong ibig mong sabihin, ha pinsan?" Pagtataka naman ni Neightan sa narinig na bulong.
"Excuse me guys, magsi-CR lang rin ako." Hindi naman nito pinansin si Neightan. Sa halip ay kinuha nito ang DSLR at sunod na lumabas.
"Teka, anong nangyari don?" Pagtataka naman ni Brayan.
Who will see the beauty in your life?
And who will be there to hear you when you call?
Who will see the madness in your life?
And who will be there to catch you if you fall?
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...