CCTV FOOTAGE

25 7 0
                                    

GARRY POV

"Happy Halloween!" Bati sa 'kin nang lumapit na babae at walang-pakundangang naupo sa harap ng upuang inuupuan ko. Napataas nalamang ang mga kilay ko sa inasal niya at wari'y tinignan mula ulo hanggang paa ang suot niyang Halloween costume. "What do you think, pwede na rin ba 'ko maging Cosplayer?" Sabi pa niya habang kinakagat ng pangil ang namumula't mahahabang kuko sa daliri.

"Pwede na." Nasabi ko nalamang saka iniwas ang tingin sa kanya.

Ine-expect ko na ang pagdating ni agent Doreen sa Ice cream House pero hindi ko naman akalaing darating siya matapos ako paghintayin ng mahigit dalawang oras. Ang masaklap pa ay lalapit siya sa 'kin na parang walang nangyari habang binabalandra ang bitbit na mahabang walis ting-ting at ang mga prosthetic sa katawan na kulang nalamang ay maligo sa totoong dugo dahil sa lapot nang pinaghalong gulaman at harina na ibinuhos sa namumula niyang bestida. Nakasuot rin siya ng matulis na sumbrelo at malaking eyeglasses. Hindi na rin nakapagtatakang isa ang kapatid niyang si Maureen sa mga may pakana nito.

"Mukhang excited ka na para sa Halloween party ah!"  Komento ko nalamang.

"Sadyang ayoko lang talaga na may makakilala sa 'kin dito!" Pagdadahilan naman niya. "Kung ikaw nga, naka-contact lense na, naka-eyeglasses pa! Daig mo pa ang totoong Robinhood kung magtago sa likod ng makapal na jacket at hoddy!"

Napahalakhak naman ako sa sinabi nya. "Mabuti pa, um-order ka nalang. Masarap ang mga ice cream nila dito. Libre ko."

"Mukhang nangangamoy sweldo, ha!" Kantyaw pa niya. Sunod rin syang bumaling sa mga nagku-kwentuhang empleyado. "Excuse me, dalawang gallon nga ng best seller ninyo."

"Self-service sila dito." Paalala ko naman.

"ANO BA NAMAN 'YAN!" Wari'y hinampas pa niya ang lamesa. "Sa kinadami-daming branch ng Ice cream House, sa Marikina mo pa naisip makipag-kita! Kung hindi ka ba naman kasi saksakan ng kuripot!"

"Grabe ha!"

"Miss, heto na po 'yong bestseller namin. Huwag ka na po magalit." Sabat naman nang lumapit na empleyado habang isine-serve ang mga order. Halos mangatog-ngatog pa ang buong katawan nito dahil sa kaba.

"Naku miss, huwag kang matakot dahil hindi naman nagangain 'tong kasama ko. Sadyang mukha lang talaga syang mangkukulam." Giit ko nalamang.

"A, e, oo." Napilitan naman itong tumango gawa ng mga sinabi ko. Pero dulot pa rin ng kaba ay hindi sinasadyang nakabig nito ang babasaging baso na kamuntikan pang mahulog sa lamesa, mabuti nalamang ay kaagad na naiharang ni Doreen ang kanang binti. Ngunit dahil sa kapilyahan niya'y naisipan nyang hayaan muna iyon tumagal ng ilang minuto habang bina-balance sa binti.

"Nababaliw ka na talaga!" Nasabi ko nalamang saka kinuha sa kanya ang baso.

"K-kung may kailangan pa po kayo, s-senyasan n'yo nalang kami." Sabi pa nito saka nagmadali sa pag-alis.

"Ang akala ko ba self-service?" Bulong pa ni Doreen habang binubuksan ang galon ng ice cream.

"Malamang, natakot sa 'yo! Mukha ka kasing mangkukulam!" Sagot ko naman habang ino-operate ang MaK Book na kinuha mula sa dala niyang bag. Para iyong laptop pero mas high-end sa ordinaryong laptop, palibhasa'y galing iyon sa Apple Corporation.

"Kailan ka ba huling pumunta sa A3?" Pagsisimula ko sa totoong pakay kung bakit nakipag-kita sa kanya. Hindi na rin kasi ako makapaghintay na ikwento ang mga nalaman.

"S-siguro, last week. Ikaw?" Pagbabalik niya sa tanong.

"Kahapon." Sagot ko naman. "Narinig ko rin 'yong usapan nila agent Tiamzon at Dr. Neil tungkol sa plano nilang pagbaliktad kay agent Samson kung sakaling makuha natin ang Emerald."

"Seryoso ka ba dyan?"

"Sana nga nagkamali lang ako nang pagkakaintindi sa mga narinig."

"So, paano na tayo?"

"Walang tayo Doreen!"

"Wow, huh! As if namang papatulan kita!" Maktol pa niya habang ningunguya ang buo-buong ice cream sa bibig. "Seryoso nga kasi!" Pagkasabi'y nilunok niya ang mga ninguya saka makahulugang tumingin sa 'kin. "Itutuloy pa ba natin ang paghahanap sa Emerald?"

"Ewan." Nagkibit-balikat ako. "P-pero malakas ang kutob ko na malaki ang maitutulong ng taong ito."

"Sino?"

"Heto," Pagkasabi'y hinarap ko kay Doreen ang screen ng MaK Book kung saan naka-encode ang ginawa kong research. "Ito ay si Sharon Ferrari." Tukoy ko sa babaeng nasa larawan. Ang pangalan ng baliw na nambato sa 'min sa tapat ng condotel ni ma'am Celina.

"Ferrari?" Paglilinaw naman niya.

"Hindi ko pa alam sa ngayon kung ano ang koneksyon nito sa Ferrari Automotive Corporation. Pero, ayon sa NBI ay dito ibinigay ng mga pulis ang Emerald bago tuluyang nawala."

"Paano ka naman nakaka-sigurado dyan?"

"Panoorin mo 'to." Pagkasabi'y sunod kong pinakita sa kanya ang file kung nasaan ang CCTV footage ng interview kay Sharon noon.

"Kanino mo ibinigay ang Emerald?" Tanong ng inspector kay Sharon kung saan silang dalawa lamang ang nasa silid na pinapalibutan ng napakaraming CCTV camera.

"HINDING-HINDI KO SASABIHIN SA INYO!" Sagot naman ni Sharon. "MABUTI PA NGA 'YONG SINGSING MAY HALAGA SAMANTALANG 'YONG NAWAWALANG BATA BINABALEWALA! HINDI KO ALAM KUNG TAKOT LANG SILA IPAALAM SA MUNDO ANG TUNGKOL SA PAGKAKAROON NG ILLEGITIMATE NA TAGAPAGMANA O SADYANG MADAMOT LANG TALAGA SILA AT AYAW MAGLABAS NG MALAKING PERA!"

"Sige, ganito nalang, saan mo dinala ang anak ni Kara Tolentino?"

"Kara? Nasaan si Kara? M-may anak pala sya? Patay na sila diba. Pinatay ng mga Watsons."

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo! Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong dalhin ka namin sa mental hospital!"

"Hindi pa 'ko baliw." Wari'y humalakhak naman siya ng napakalakas. "Huwag nyong hanapin 'yong nawawala dahil sila mismo ang lalapit para magpakilala. Labing-walong taon, mula ngayon." Sabi pa niya habang patuloy sa pagtawa.

"Sino naman 'tong si Kara Tolentino?" Tanong ni Doreen nang i-pause ang video. "In fairness, ha. Dumadami ang pangalang involved!"

"Dati syang faculty teacher sa Camp Bridge."

"Oh, really?" Pagkasabi'y muli siyang sumubo ng ice cream. "Kung ganun, anong kinalaman nila ng anak niya sa kaso? At ang mga Watsons?"

"Hindi ko pa alam."

"Kung lalabas ang anak niya 18 years mula noong araw na 'yon, edi kailangan nalang natin maghintay ng 3 years." Sabi pa niya. "I mean, kailangan na natin mahanap ang Emerald bago umabot ng 3 years dahil malamang na nag-aabang rin ang kampo ni Louisa sa pagdating ng araw na 'yon. Mahirap na kung mauunahan nila tayo."

"Pero mas mahirap kung kakampi natin ang biglang babaliktad sa 'tin." Sabi ko nalamang habang tinitignan ang natutunaw na ice cream sa galon. Wala pa kasing kabawas-bawas 'yong ice cream ko.

"Ganito nalang, asikasuhin mong maigi ang paghahanap sa Emerald at ako naman ang bahalang humanap sa totoong kalaban sa A3." Pagpe-presinta niya. "Siguraduhin mo lang na magiging malinis ang lahat."

Hindi ko alam kung dapat ko ba pagkatiwalaan si agent Doreen lalo't limang buwan palamang kami magkakilala. Kaya naman, kailangan ko maging maingat sa mga iniisip dahil katulad ko ay nakakaya rin niyang bumasa ng isip gamit ang suot na Eyescanner mula sa A3. Pero anuman ang intensyon niya sa ginagawang pagtulong sa 'kin ay ako narin mismo ang aalam. Bahala na kung magkabukingan ang mahalaga ay nagagamit namin ang isa't isa.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon