"Wow Garry, bagay naman pala sa 'yo kapag walang salamin. Ang gwapo mo tignan!" Puna ni Chloe habang magkasama kami sa Sports Complex kung saan ginaganap ang P.E Assembly.Kaya ko nasabing sports complex dahil hindi lang ito basta gymnasium o covered court kundi isa talagang sport complex! Kahit saan tumingin ay makikita ang mga mag-aaral na abalang nagta-try out sa kani-kanilang sports na gustong salihan. Mayroon namang ilan na confuse parin magpahanggang sa ngayon.
"Anong sports ang sasalihan mo?" Tanong pa nito.
"A-e, wala pa 'kong napipili." Nasabi ko nalamang.
Sa dami ng sports na pwedeng salihan ay pipiliin ko ang kahit na ano huwag lang sa sports na kasama ang fraternity nina Neigthan Kalle at Joe. Mabuti nalamang talaga at wala sila dito ngayon. May bahagi ng utak ko na nagpapasalamat dahil wala ang fraternity nila sa assembly pero hindi ko mapigilang hanapin si Neightan Kalle lalo na't hawak nito ang salamin ko. Magmula kasi nang kunin sa 'kin ni Neightan Kalle ang Eye Scanner ay hindi na 'ko halos mapakali. Kaya kailangan ko iyong mabawi sa lalong madaling panahon bago pa may makaalam sa A3 dahil paniguradong masesermunan na naman ako. Mabuti nalamang talaga abala si Agent Doreen sa pakikipag-laro ng Volleyball sam ga kaklaseng sina Sammara at Maureen kaya hindi pa ako nito napapansin.
"Kung sakaling may mapili ka na, sabihin mo ka'gad sa 'kin, ha."
Bigla akong napatingin kay Chloe.
Doon ko lang napansin na walang kulay ang mukha niya maliban sa pulang lipstick na hindi masyadong maayos ang pagkakalagay. Hindi rin naka-butones ng tama ang PE uniform na suot niya. Nakangiti siya sa 'kin pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Chloe, ok ka lang ba?"
Bigla naman siyang napahalakhak. Napatingin tuloy sa 'min ang ilang estudyante.
"Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba 'ko sa mukha?"
"A–anong sports ba ang hilig mo?" Naitanong ko nalamang. Kung suot ko lang sana ang salamin ay kayang-kaya kong basahin ang mga nasa isip niya. Kasalanan kasi 'to ni Neigthan Kalle. Naku, naman!
"What if mag-try out tayo sa badminton?" Ngumiti siya saka binaling ang tingin sa registration table. "Samahan mo 'ko." Napatingin siya sa dalawang magkasintahan na sobrang sweet habang namimili ng sports na sasalihan. Nakayapos sa baiwang ng babae yung lalake. "Mabuti pa sila, 'no!"
Sinasabi ko na nga ba! Kahit wala ang salamin ko ay hindi ako manhid para hindi maramdaman ang kalungkutan sa mga mata niya. Malamang ay dahil ito sa engagement nina princess Lois at ng boyfriend niyang su Jerryme. At gaya nga ng hinala ko, ngayon nga'y kitang-kita ko kung paano niya bigyan ng makahulugang tingin ang prinsesa habang abala itong nagta-try out sa badminton.
"H–huwag k-kang mag-alala. H-hindi kita iiwan." Nauutal kong sabi dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kanya. "N–nandito lang ako." Hinawakan ko siya sa kamay.
"Tignan mo nga naman, kaka-break lang nina Chloe at Jerryme pumoporma na ka'gad 'tong si Garry!" Narinig kong bulong ni Cindy mula sa kinatatayuang pole. Bagamat malayo ang distansya nito ay narinig ko parin dahil sa Hearing Device na naka-kabit sa tainga ko.
"Hey man, sali ka sa team ko!" Sabat naman ni Clarck na lumapit sa 'min. Umakbay ito sa 'kin. "Basketball tayo!"
"A–e?"
"Hwag kang mag-alala hindi marunong maglaro ng basketball si Neightan kaya hindi ka mabu-bully sa team ko!" Paliwanag pa nito.
Natawa naman si Chloe. "Bakit, na-bully na ba sya ni Neight'?"
"Oo kanina. Akala ko nga magpa-pang-abot e." Napa-ismid ito. "O sya, sali na kayo sa team ko, ha?"
"P-pero,"
"No more pero. Besides, women's basketball is still open for try outs. So, two of you can join!"
Magsasalita pa sana ako pero biglang tumalsik pupunta sa kinatatayuan namin ang bola ng volleyball, mabuti nalamang walang tinamaan.
"Sorry, guys." Wari'y kumaway pa si Maureen at sumenyas para ihagis pabalik sa field nila ang bola.
Pinulot naman iyon ni Clarck. Ihahagis na sana nito ang bola subalit napahinto ito nang makita ang pagbagsak ni Sammara sa damuhan. "Sammara!" Nabitawan nito ang bola at nagmadaling tumakbo papunta sa volleyball field.
Sumunod naman kami.
"Sammara, anong nangyayari sa 'yo?" Sinalo ni Clarck ang ulo nito at inihiga sa bisig. "S-Sammara?"
"I– I can't—" Tila kinakapos ito ng hininga.
"S-Sammara, dadalhin kita sa clinic. Kumapit ka sa 'kin."
Kitang-kita ko kay Clarck ang pag-aalala. Marahan nitong binuhat ang nanghihinang si Sammara kaya naman ang senaryong iyon ang umagaw sa atensyon ng iba pang estudyante.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...