Hate at First Sight

62 6 2
                                    

SAMMARA KELLY POV

... Kuya grabbed my arms, then.

"Let me go!" Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo lang hinigpitan ni kuya ang pagkahawak sa braso ko.

"Sammara tama na itong pagpapaka-humble mo para sa 'kin, pwede ba?"

"Pagpapaka-humble?" Napataas ang isa kong kilay sa sinabi nito. "Kuya, hindi ako nagpapaka-humble para sa 'yo." Paglilinaw ko pa. "Concerned lang ako!"

"Wow! Big word!" Napa-ismid naman ito. "So, dapat na ba kita i-acknowledge bilang huwarang kapatid?"

"Kuya mag-mature ka nga! Hindi ako habang-buhay nandito para itama ang mga kalokohan mo!" Nang sabihin ko iyon ay naramdaman ko ang bahagyang pagluwag nang pagkakahawak nito sa braso ko kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makatakas.

Lumakad ako palabas ng Cafeteria upang sundan ang lalake para makapag-apologize sa mga ginawa ni kuya. Pero sa paglabas kong iyon ay hindi ko naman ine-expect na kasing lawak pala ng UP Diliman ang Camp Bridge —minsan narin kasi ako nakarating sa University of the Philippines kaya nagkaroon ako ng idea sa malawak na landscape nito. Iyon bang napakarami ng nagtataasang puno ang tumatakip sa bawat naglalakihang building. Idagdag pa ang napakahabang driveway papunta sa magkakalayong department. Ganun pa man ay tiniis ko ang salitang pagod at ipinagpatuloy ang paglalakad sa kailaliman ng tirik na araw hangga't hindi nawawala sa paningin ang paika-ikang lalake. May mga pagkakataon na nakakaramdam ako nang paghahabol ng hininga kaya hangga't maaari'y iniiwasan kong tumakbo o lumakad ng mabilis. Sinubukan ko naman itong tawagin pero hindi ito nag-i-stop over o lumilingon manlang. Aware naman ako na hindi ko dapat pinapagod ang sarili kaya tuloy pakiramdam ko anumang oras ay pwede na 'kong mag-collapse, kaya naman nag-decide ako na puntahan nalang ang service van namin na nakaparada sa di-kalayuan. Sumandal ako sa compartment area hanggang sa unti-unting napa-dausdos paupo.

I can't breath.

Heto nanaman yung pakiramdam na pinaka-ayokong maramdaman sa lahat. Ang sikip sa dibdib. Hindi ako makahinga. Mabuti nalamang lagi kong dala ang gamot na nireseta ng Cardiologist kaya nakahanda ako anumang oras atakihin sa puso... Hangga't nakakayanan ko pang kumilos ay sinamantala ko na ang pagkakataon para kuhain ang gamot sa loob ng suot kong bagpack. Alam ko na naman ang mga dapat gawin, iyon nga lang hindi ko parin maiwasang mataranta lalo na't ako mismo ang nakakaranas ng sakit... Mangatog-ngatog pa nga ako habang binubuksan ang boteng pinaglalagyan ng gamot. Kaso, iinumin ko na sana ang capsule kung hindi lang dumulas sa kamay ko... Bagama't nanlalabo na ang mga mata na nagbibigay-hudyat bago ako mawalan ng malay ay kitang-kita ko parin kung paano kumalat sa sahig ang bawat capsule at kung paano inabot sa 'kin ng isang nagmagandang-loob ang natitirang laman ng bote. Inalalayan ako nito at in-offer ang dalang mineral water. Hanggang sa paunti-unti na ngang guminhawa ang aking pakiramdam.

"Salamat."

Ilang sandali pa'y tuluyan na ngang lumuwag ang aking paghinga at naging malinaw narin sa 'kin kung sino ang kaharap. Katulad ng madalas mangyari ay muli nanaman itong sumulpot upang muli akong iligtas sa bingit ng kapahamakan. Mabuti nalamang on time ang pagdating nito, kung nagkataon ay baka naka-comfine nanaman ako sa hospital.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito habang nakatitig sa 'king mga mata.

Inalis ko naman tingin rito. Alam ko kasi na mas lalo lang ako mahihirapang huminga kung makikipag-titigan ng matagal dito. Paano'y taglay nito ang mga matang nakakapagpabilis ng tibok sa puso ko, idagdag pa ang mapang-akit nitong mga labi at ang maamong tinig. Ito na nga yata ang pinakamalaki kong ka    hinaan maliban sa sakit.

"Ano nanaman bang nangyari?"

"As usual." Iwas-tingin kong sagot. Bahagya akong dumistansya mula sa pagkakasandal sa balikat nito kaya mas malinaw kong nakita kung gaano ka-attractive ang suot nitong school uniform. I mean, mas lalo itong gumwapo sa kulay puting blazer. "S-so, magkaklase nga talaga tayo." Pag-iiba ko nalamang sa topic.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon