One hello.

21 7 0
                                    

NEIGHTAN KALLE POV

"Tang ina Clarck, buksan mo 'yong pinto kung ayaw mong ipa-demolish ko 'tong building ninyo!" Daing ko mula sa kinatatayuang pintuan na kulang nalang ay tadyakan ko sa labis na inip. Naka-ilang doorbell na 'ko sa unit ni Clarck pero hindi parin nya 'ko pinagbubuksan ng pinto.

"Bwisit namang buhay 'to!" Nasabi ko nalang bago nagdesisyong tapusin na ang paghihintay at kasisigaw sa pangalan nito. Lumakad ako papalayo. Pauwi na sana ako nang maalala ko si Kentaki.

Ano kayang ginagawa ng mokong na 'yon?

Tutal ay dito rin naman siya nakatira kaya naisipan kong bisitahin na rin sya. Humakbang ako pabalik sa naunang pintuan papunta sa unit niya. Huminto ako sa tapat ng room 643 isang kwarto lang ang distansya mula sa unit ni Clarck. Magdo-doorbell na sana ako nang makitang nakauwang ng kaunti ang pinto at kitang-kita mula sa maliit na espesyo ang loob ng silid.

"Hoy Kentaki nandyan ka ba?"

Kapilyuhan ang nag-udyok sa 'kin para humakbang papasok kahit walang paa-paalam. Pagkapasok sa loob ay isang napakalaking kulay puting piano ang bumungad sa 'kin. Tahimik akong humakbang papunta sa kinalalagyan nito at doo'y sinubukang tugtugin ang piyesang nasa nakabukas na song booklet.

She

May be the face I can't forget

The trace of pleasure or regret

May be my treasure or the price I have to pay...

"Hindi ganyan ang tamang pagtugtog!"

Bigla akong napahinto at mabilis na bumaling sa pinanggalingan ng boses.

"Trespassing ka talaga 'no!" Nakapamaywang na tugon ni Kentaki. Nakasandal siya sa pintuang nasa pagitan ng kwarto at sala na ang tanging suot ay bathrobe.

"Nakabukas yung pinto kaya hindi ako trespasser o gate crasher. Sa yaman 'kong 'to pagkakamalan mong magnanakaw?" Tumayo ako sa kinauupuan at lumakad upang igala ang tingin sa kabuuan ng unit. Hindi ako nagpatinag sa kanya.

Sa pagkakaalam ko ay Yamamoto Holdings ang construction company na gumawa at nagdesenyo sa kabuuan nitong building kaya hindi na 'ko nagtatakang ganito kaganda at kapulido ang bawat sulok sa kahit saang silid. Yari sa salamin ang kabuuan ng kisame kaya repleksyon ng sahig ang unang makikita sa tuwing titingala. Samantalang blue and black checkered ang wallpaper ng pader na aakalain mong nasa isang 3D dimension na studio.

"Ayos 'tong unit mo, huh!" Usal ko. "Kailan ka nagpa-renovate?"

"Ganito na 'to dati pa. Bulag ka lang."

"Ang yabang mo huh! Suntukan nalang!" Umamba ako't tinitigan siya ng may paghahamon.

"Wala akong panahon sa kayabangan mo!" Umismid siya 't lumakad papasok sa loob ng kwarto.

"Hoy! Hindi mo ba alam ang kahulugan ng pagiging hospitable? Matuto ka ngang gumalang sa bisita!" Daing ko. "Pengeng pagkain! Yung masarap! Yung madami! Yung nakakabusog!" Sinubukan kong magsisisigaw para inisin siya pero mukhang hindi tumatalab dahil pabagsak nya 'kong pinagsaraduhan ng pinto. "Aba'y loko 'to, huh!" Napailing nalamang ako.

Kung tutuusin, walang dahilan para hindi kami maging close ni Kentaki. Alam kong mabait siya sa kabila ng mapang-asar na mukha at ugali. Tanging siya nga lang yata ang nakakapang-inis sa 'kin ng ganito. Ewan ko ba.

Sa 'king pag-iisa ay mas inabala ko nalang ang paglilibot sa kabuuan ng unit. Naglakad ako papunta sa kusina para magbungkal ng makakain kaya naman walang pahintulot kong binuksan ang refrigerator at bumawas ng isa sa napakaraming nakatambak na apple. Kumuha rin ako nang maiinom na may engridients ng apple. Dinala ko ang mga nahalungkat na pagkain pabalik sa sala.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon