LOIS POV
Sa byahe palamang ay hindi na maitago ni Clarck ang pagiging excited sa gagawing confession. Paulit-ulit nitong mine-memories ang mga sasabihin upang hindi kabahan at ma-mental block kapag kaharap na si Sammara. Ewan ko ba naman kasi kung bakit napaka-torpe ng lalaking 'to!
"Girl, hindi ko ma-contact si Sammara." Maya-maya'y bulong sa 'kin ni Maureen. Magkatabi kami sa third layer ng sinasakyang Limousine papunta sa Celina. Samantalang nakasunod naman sa di kalayuan ang tag-iisang motor with matching flaglets ng London na sinasakyan ng mga bodyguad namin.
"Paanong hindi mo ma-contact?" Pagtataka ko naman. Bahagya kong sinulyapan si Clarck pero mukhang busy parin ito sa memorization.
"Kanina ko pa dina-dial yung number nya pero ring lang ng ring."
"Try ko ngang tumawag." Pagpe-presinta ko saka pinindot sa call register ang number ni Sammara. Ilang minuto ko rin hinintay na sagutin nito ang tawag mula sa kabilang linya pero hindi naman ito sumagot. Sinubukan kong i-dial ang number ni Neightan pero paulit-ulit lang rin ang nangyari. "Ano kayang ginagawa ng magkapatid na 'yon?" Nasabi ko nalamang since wala na 'kong choice kundi aminin ang pakikipag-cooperate kay Neightan para sa success ng confession ni Clarck.
"Hindi kaya naka-kutob si Neightan sa gagawin natin?" Nagsimula na ngang ma-paranoid si Maureen. Nagpapadyak siya at tila sinasabunutan ang sarili. "This can't be." Wari'y pinagsasampal pa niya ang pisngi.
"Siguro naman hindi nya isa-sabotage ang plano natin." Pagtukoy ko kay Neightan.
"I hope so." Nasabi nalamang niya upang pakalmahin ang sarili.
"Girls, ok lang ba kayo dyan?" Pagtataka naman ni Clarck mula sa unahan. Tumingin ito sa direksyon namin gamit sa front view mirror.
Tumango lamang ako samantalang hindi naman halos maipinta ang mukha ni Maureen kaya halatang-halata tuloy na everything is not ok.
"May problema ba?" Pagtataka pa ni Clarck.
"K-kasi –" Magsasalit na sana si Maureen pero kaagad ko syang inunahan sa pagsasalita.
"Looking forward lang kami sa kahihinatnan ng mangyayari mamaya." Sinadya ko pang akbayan sa balikat si Maureen upang patahimikin. "How we wish, maging kayo na sana officially."
Napahalakhak naman si Clarck sa sinabi kong iyon. "Magdilang-anghel ka sana."
Pagkarating sa Eastwood branch ng Celina ay si Kentaki ang bumungad sa 'min. Hindi na nakapagtataka kung narito ito dahil sa branch na 'to naman ito nag-i-stay. Pero ang nakapagtataka lang ay ang ginagawa nitong paghihintay sa tapat ng malaking fountain na tila may hinihintay.
"Sinong hinihintay mo?" Tanong ni Maureen.
Napa-ismid ito pagkakita sa suot ni Maureen kaya inilipat nalamang nito ang tingin kay Clarck. "Man on his tuxedo with matching bouquet of red roses." Pagde-describe pa nito sa itsura ng pinsan. "Sayang medyo nahuli ka sa pagdating."
"A-anong ibig mong sabihin?" Pagtataka pa ni Clarck.
Magsasalita pa sana si Kentaki pero kaagad itong inunahan ni Maureen. Wari'y binulungan niya si Clarck. "Mauna ka na sa loob."
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...